CHAPTER 4
“UNANTICIPATED Steamy NIGHT”
WRITTEN BY; MHAYIE
XIOMARA QADIRA QUIJARO;
“Akala ko maibabaon ko sa limot ang gabing iyon pero hindi ko inaasahan na magbubunga iyon!”
Dapat ba ako matuwa dahil sinagip ako nito sa kahihiyan o dapat magalit ako dahil kundi dahil sa kanya hindi nagkaganito buhay ko ngayon?,pero bakit ganon walang pagsisisi at galit ako nararamdaman sa lalaking ito ?pero paano niya nalaman na ako iyon kahit ako di ako sigurado na siya nga iyon ? Dahil masyadong madilim at kahit maaninagan ko siya nung gabing iyon ay hindi ko masisilayan ng maayos dahil wala ako sa wisyo ng gabing iyon.
“Are you ok?”
“Sa tingin mo ok ako?” Pilosopong sagot ko .
“I know Sorry!” Nakaramdam naman ako ng konting guilty dahil sa sagot niya .
“Im ok !” Bawi ko dahil hinahabag ako ng konsensya ng magmadilta ako.
“Hintayin lang natin ang Doctor mo para sa mga gamot mo at pwede kanang umuwi ,pansamantala ka muna sa condo ko habang pinapaayos ko pa yung bahay ko na lilipatan natin!”
“What? Condo? Bahay mo? Lilipatan natin? “ Naguguluhang sabi ko
“Hmmm?yes!”
“Wait huh? Sa condo ko nalang ako uuwi salamat nalang!”
“Sa tingin mo papayag ako?ngayon dinadala mo ang anak ko?”
“Sino ba nagsabi sayo na ipapaako ko ito sayo?at isa pa paano ako nakakasiguro na ikaw talaga yun?” Ngumisi ito na siyang kinabahala ko ,napasinghap ako ng hapitin ako nito at bumulong sakin ..
“Gusto mo ipaalala ko sayo kung pano ka humahalingling sa bawat haplos ko!” Kinilabutan ako sa mga sinabi nito kaya bahagyang naItulak ko ito,na kinatawa nito.
“Hahaha dont worry di ko ugali mawersa ng babae depende kung ikaw ang aakit sakin!”
“Ang kapal naman ng mukha mo never no!”
“Ok sabi mo eh!”nakangiting sabi nito,magaan ang loob ko sa lalaking ito ,hindi ko alam kung bakit ?
“Pero seryoso ako doon nalang ako sa condo ko hindi naman natin kailangan magsama dahil lang sa may obligasyon ka sakin!” Pag amin ko.
“Seryoso din ako ! Sa condo ko ikaw uuwi sa ayaw at sa gusto mo at isa pa hindi ko hahayaan na kung saan saan kayo matutulog !”
“Huh?” Takang tanong ko .
“Pinatanggal ng Ama mo ang lahat sayo pati ang Condo at ATM mo lahat ng yun ay nakaHold !”
“What? Ganon ba ako kadali balewalain !” Naiiyak na sabi ko,nakatingin naman ako sa kamay na humawak sa kamay ko.
“Dont worry hindi kita pababayaan !” Sabi nito,hindi ko maiwasan maniwala at panghawakan ang mga sinasabi niya,kahit pa wala pa ako kasiguraduhan na dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.
Pagkatapos namin makausap ang Doctor ay pinauwi narin kame,at ayon na nga sa Condo kame umuwi dahil wala ako choice at wala rin naman ako matutuluyan ngayon,kaya pasamantala muna ako makikituloy kay Dexter ,narito ako sa sala nanonood habang siya ay nasa kwarto niya .
“Inayos kona yung kama ko pwede kana magpahinga!”
“Ikaw san ka matutulog?iisa lang ang kama mo rito?” Tanong ko.
“Diyan nalang ako sa Sofa matutulog! Magpahinga kana!” inalalayan pa ako nito papuntang kwarto niya,ng masiguradong kompotable na ako ay nagpaalam na ito ,mabilis na pinigilan ko naman ito.
“D-ito ka na lang din kaya matulog? “ Nahihiyang sabi ko ,tinignan lang ako nito.
“I mean sayo naman talaga itong higaan kaya dito kana rin matulog wala ka naman siguro gagawin masama diba kaya dito kana malamig sa labas!” Ngumiti lang ito .
“Seryoso ka ? Baka hindi ka sanay na may katabi?”
“Tssk nakatabi mo nga ako ng isang gabi ngayon paba ako magpapaka improkita?”-kastigo ko sa aking isipan.
“Salamat !”sabi nito.
“Mukhang mali ata ang desisyon ko na patulugin ito sa tabi ko dahil anong oras na ay hindi pa ako dinadatnan ng Antok ,malay koba na mabilis ito kausap ,oh ano ka ngayon Qadira? Hindi ka makatulog?nagprepretend na tulog kahit gising na gising ang diwa?”.- tumagilid ako at napagpasyahan silipin kung gising pa siya pero napasinghap ako ng sa pagdilat ng mata ko gising na gising ito nakaharap din sakin.
“Still Awake Qadira?” Seryosong nakatitig sa akin .
“H-indi ah kagigising ko lang!” Pagdadahilan ko .
“Oh i guess kanina ka pa nga di mapakali ! Likot mo pala matulog!” Pang aasar nito.
“Hindi ako malikot matulog no!”
“Ah edi gising ka nga?”
“Tssk oo na ! Hindi kasi ako makatulog!”nahihiyang pag amin ko,ngumiti ito at tumayo na pinagtaka ko.
Hindi ko alam kung saan siya patungo ? Marahil siguro na likutan sakin or nairita?sa taka ko ay lumabas ako ng silid para tignan siya,napakunot ang noo ko ng wala ito sa sala kaya sinubukan kong tignan sa kusina ,nakita ko naman itong abala sa ginagawa ,saglit pa ay humarap ito at may inabot.
“Oh inumin mo ito para naman makatulog ka !” Sabi nito sabay abot ng isang basong fresh milk.
“S-alamat!” sabi ko.
“Wow inferness gentle dog si Manong huh! 1 point ka sakin dahil diyan!pero teka pano ko mauubos to ? Eh kung nakakaubos lang ang pagtitig malamang nauna pa ako maubos sa freshmilk na tinimpla niya shock nakakailang talaga ganito ba talaga to? Mahilig manitig yung tipong TITIG NA TITIG PARANG GUSTONG MANGAIN ?huy Xiomara Qadira ang halay mo na ah?”kastigo ko sa aking isipan.
Hindi na ako nakatiis kasi sobrang ilang na ako sa ginagawang pagtitig nito,tinaasan ko ito ng kilay at pinilit magsalita ng parang hindi apektado.
“M-ay P-roblema ba?” pasimpleng kinurot ko ang aking kamay .
“s**t self akala ko ba salitang hindi apektado pero bakit nauutal ka?” Bulong ko sa aking sarili.
“What?”
“Ah wala sabi ko may dumi ba ako sa mukha?”hinihintay ko ang sagot niya pero hindi inaasahan ang gagawin niya.
“May gatas ka pa talaga sa labi !” Sabi nito ng matapos punasan ang gatas na kumalat sa bibig ko.
“What gatas sa labi? Shock kahiya ka Qadira ! baka isipin ng lalaking iyon na makalat ako uminom ng gatas aaarrggg..kainis ka self!”kastigo ko sa aking isipan.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na itong lumabas ng kitchen at iniwan ako mag isa habang ako naman ay parang teenager na napahiya sa Crush,kainis talaga kasi mukhang kanina pa ako napapahiya sa lalaking ito.