bc

up sky dawn

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
badboy
tragedy
gxg
another world
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Palaban at walang inuurungan. Tulad ng isang lobo sa gitna ng kagubatan. Walang kahinaan na pinapakita.Isang babae matatag at may isang salita. Sa mundong ginagalawan na hindi sa kanya tugma kaya nilipat ng manlilikha sa lugar kung saan hindi na masyadong malala. Tungkol ito sa isang babaeng masyadong sinubok ng tadhana, Kayod dito kayod don mabuhay lang kasama ng kapatid na may taning na ang buhay. Pakiramdam niya ay hindi na makatarungan sa kanya ang tadhana pwero kahit kaylan hindi siya nag pakita ng kahinaan hanggang sa ang pinag lalaban niya ay bigla sa kanyang kinuha. Ang katapusan ay ang simula, at ang simula ay pang katapusan.

chap-preview
Free preview
Beyond my control
Di alintana ni Donalyn ang init sa gitna ng kalsada. Habang nag titinda ng sampaguita sa mga nag dadaang mga motorista. Araw araw sinasagupa niya ang init sa kalsada. Maingay at mabaho araw araw nalalanghap niya ang mga usok ng mga nag daraang sasakyan. Kailangan niyang makabenta para may maipang bili ng gamot ng kapatid niya. Dalawa nalang sila sa buhay dahil iniwan sila ng kanilang mga magulang simula nung siya ay nasa 12 years old palamang. Ngayon siya ay 16 years old. Grade 10 student pero tumigil sa pag aaral simula ng mag kasakit ang kanyang nag iisang kapatid. Sila nalang dalawa ang mag kasama kaya gagawin niya ang lahat gumaling lamang ito. "Ate bakit ka nakasimangot ?" Tanong ni Enzo kay Donalyn. Lumapit si Donalyn sa kanya at hinalikan ito sa mga pisngi. "Matumal kasi ngayon bunsoy, maliit lang yung kinita ni ate. Hindi tuloy ako nakabili ng fried chicken ni aling bebang." Matamlay nitong sagot kay Enzo. "Si ate naman parang bata para yun lang naman pala." Ani ni Enzo at tumalikod ito sa kanya. Hindi naman makapaniwala si Donalyn sa narinig mula sa kapatid. Nangako kasi siya na bibilhin ang request nitong ulam sa kanya ang fried chicken ni aling bebang. Napatitig nalamang siya sa kapatid habang nag huhugas ito ng pinggan. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha nito sa mga mata. Masaya siya dahil sa kabila ng musmos nitong kaisipan ay marunong na itong umunawa. Maagang naunawaan ni Enzo ang kahirapan ng buhay. Naaawa siya sa kapatid nito. Gusto niya itong bigyan nang marangyang buhay. Kaso paano ? Walang tumatanggap sa kanya ng trabaho dahil hindi man lang sya nakapag tapos ng kahit senior high man lang. Marami namang nag ooffer sa kanya na mag trabaho sa mga kainan pero simula ng nabatos siya ay hindi na ito bumalik pa doon para mag trabaho ulit. Kaya mas pinili niya na mag tinda na lamang ng sampaguita. "Ate kain na tayo." Ani Enzo. Nakapag hain na pala siya ng hindi namamalayan ni Donalyn. Dahil sa lalim ng iniisip nito. Inabot ni Enzo ang toyo kay Donalyn. "Ate , ito muna ulam natin kaso konti nalang din eh natapon ko kasi kanina." Honest na saad ni Enzo. Halata sa muka nito ang lungkot dahil sa nagawa nito. "Ok lang bunsoy hindi mo naman sinasadya eh." Pag aalo niya. Masaya nilang pinag saluhan ang kanin at toyo na ulam. "Makakaraos din tayo bunsoy, may awa ang Dios." Sa isip isip niya. Kinabukasan maagang bumangon si Donalyn para mag asikaso, nag saing muna sya pag katapos ay naligo. pumunta nasya kanila Manag Lydia para kumuha ng ititinda niyang sampaguita, sakto din dahil linggo ngayon madaming tao sa simbahan. "Sampaguita po kayo jan mga sir , boss madam." "Habulin niyo ! Wag niyo hayaang makatakas !" Sigaw ng mga pulis habang tumatakbo papunta sa direksyon ni Donalyn. "Tabi !" Utos ng lalaki sa kanya. Pero hindi ka aagad sya nakatabi kaya hinawi sya ng lalaki dahilan para mawalan sya ng balanse. Bumalandra sya sa kalsada habang nabitawan naman niya ang ilang tinda niyang sampaguita. Sa kasamaang palad nadag anan niya ang iba niyang paninda kaya hindi na ito mapapakinabangan pa. " Are you ok ?" Tanong sa kanya ng isang matandang lalaki. Inabot nito ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo. Pinag pagan niya ang kanyang sarili. Nag tamo lang sya ng konting galos sa kanang kamay at kanang binti. "Thank you po boss. " Ani Donalyn. "AW, ." Ani nang matanda habang nakatingin sa panindang sampaguita ni Donalyn. "Gusto mo bilhin ko nalang yang paninda mo ?" Offer sa kanya ng matanda. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa hindi sya makapaniwala narinig. " boss, Sira na po ang mga sampaguita ko eh." Anya.Nahihiya niya itong tinago sa likuran niya. " Ok lang yan. Mabango padin naman eh. Mag kano ba ?" Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Tinitigan niya ito ng mabuti . Ang tancha niya sa taas ng matanda ay mga nasa 5'9 ito. Puti ang mga buhok at kulay kahel na mga mata. " Foreigner siguro sya ?" sa loob loob niya. Nakasuot lamang ito ng Kulay puting t-shirt at black shorts at naka kulay itim na crocs. "Muka naman syang normal?" " Boss, sige balik puhunan nalang po 150 pesos po. " Nahihiya niyang saad sa matanda. "Bat parang ang mura?" Tanong nito sa kanya. "Kasi po sira napo kasi ang mga sampaguita kaya po balik puhunan nalang po. Ok na po ako don." Ngumiti naman sa kanya ang matanda at dumukot sa bulsa. "May mga tao pa palang patas lumaban sa buhay kahit hindi patas ang mundo sa kanila." Inabot nito ang 500 pesos sa kanya. Laking tuwa naman si Donalyn nang makita ang inabot na pera na higit pa sa presyong sinabi niya. Nung una ay tinang gihan niya ito pero di din nag laon ay nakumbinsi din sya ng matanda na tip lang daw nito ang sobra sa perang binayad dahil natuwa daw ito sa kanya. "Nga pala ne, sakto na ba yang pera na yan ? " Tanong ng matanda sa kanya. "Hindi lang po ito sakto boss, sobra na po ito para sa amin ng kapatid ko po." "Ah, may kapatid ka pala." " Opo." Matipid niyang sagot. "Sa ikalawa mag kakaroon daw ng mateor shower, buong bansa makakasaksi nun malamang. Mga alas-dyes ng gabi yun." Ani ng matanda. Tumalikod na ito at nag paalam na sa kanya. Samantalang sya ay dumeretso naman sa palengke para mamili ng ulam nilang mag kapatid. Sa bahay. "Bunsoy ? andito na ang ate. " Pumasok na ito sa loob ngunit walang bunsoy na sumasagot sa kanya. "A- ate." Ani Enzo sa garalgal na boses. Napalingon si Donalyn sa higaan kung nasaan si Enzo. Nakabalot ito ng kumot at nanginginig. Nabitawan niya ang hawak niyang pinamili at dalidaling lumapit sa kapatid. "Anong nang yari bunsoy ?" Garalgal ang boses nitong tanong habang ikinalong ang kapatid sa mga hita niya. "Ang- ang lamig te." Inayos niya sa pag kakabalot ng kumot kay Enzo. "Anong nangyari?" Bungad ni Aling tessa sa kanila. "Inaapoy po ng lagnat si bunsoy nanay. Ano pong gagawin ko wala po akong pera nanay!" Dali dalling pumasok si Aling tessa at hinipo si Enzo sa noo. "Tara na dalhin na natin si Enzo sa hospital Hayaan mo na yang pera ! unahin natin na maisugod sya don." Natatarantang sumunod nalang si Donalyn. Sa sobrnag taranta niya wala siyang nadala na kahit ano. Sa hospital. "Doc kamusta na po ang kapatid ko ?" "Mam, to be honest malnourished po ang kapatid niyo. And base sa Lab test sa kanya meron po syang dengue. San po ba kayo malapit na katira?" "Sa may estero po sa tondo Doc. " Tumango tango lang ang doctor. May inabot ito sa kanya na kapirasong papel. "Kamusta daw ang kapatid mo ?" Tanong ni aling tessa na hanggang ngayon ay kasama niya padin. "Nanay, kailangan nating bilhin tong nasa reseta eh, ituturok daw sa kanya to." Maluha luha niyang saad. Wala syang kahit na ano. Ang pera sa bulsa niya ay halagang kinse pesos lang sukli sa pinamili niyang ulam kanina sa palengke. Umupo sya sa gilid at hindi na napigilan ang pag luha. Tinapik tapik naman ni alilng tessa ang balikat niya habang yakap yakap niya itong umiiyak. "Bat ang unfair ng mundo ? Bat kami pa talaga ? Bat ang kapatid ko pa?" "Nanay, bat ang hirap ?" Tanong nito kay aling tessa habang humagulgol ng iyak. "Iha, wag ka mawalan ng pag asa. Kaya ni Enzo yan. Lumalaban sya oh > so dapat ikaw lumaban din para sa kanya. Kapit lang." "Balang araw papabor din sa atin ang mundo kapatid . Kapit ka lang gagawa ng paraan ang ate bunsoy."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.8M
bc

The Heartless Alpha

read
1.6M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
515.8K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
612.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
648.5K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
495.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook