Alexiz's POV "Ui, babae!" Tinapik ni Bakla ang balikat ko. Ouch! Ang bigat po ng kamay niya. "Bakit?" Tanong ko. "Sa cafeteria mamayang lunch. Libre daw ni Lia." Marion said. Tumaas ang isang kilay ko. "Anong okasyon?" "Nagdate daw sila ng crush niya kahapon. Basta, mamayang lunch daw. Sa canteen ng university." Sabi nito at umupo sa upuan niya. Hmmm ... I can tell. Marion is pissed. Ano kayang nangyari? Pero hindi ko naman ugaling maki-chismis kaya hindi na lang ako nagtanong. Magsasabi 'yan kapag gusto niyang sabihin ang problema niya. Pareho lang kami. Umupo ako sa upuan ko at nagtaka dahil wala pa si Lia. Ano naman kayang nangyari sa babaeng 'yon? Ten minutes before the time for the first subject. Dumating si Lia na ang lawak ng ngiti. Mukhang totoo ang sinabi ni Marion na nag