01

1717 Words
Chapter 1 3rd Person's POV; "Anong oras ka nanaman umuwi kagabi Grim?" Bungad ni Gaizer sa anak na bumaba ng hagdan na tanging pajama lang ang suot. "9pm, yun ang usapan diba?" Walang buhay na sagot ng lalaki na nilampasan ang ama na bahagyang natulala sa katawan ng anak. Kumpara kasi sakanya sa edad nitong 18 years old mas batak ang katawan nito at mas matanggkad sakanya, ni hindi ito mapaghahalataang 18 years old lang dahil mas matured itong tingnan kaysa sakanya at lumaking napakagwapo. "Sa susunod wag kang bababa ng walang pangitaas, puro babae ang mga kapatid mo hindi ka man lang nahiya." Sermon ng lalaki bago tumalikod at iiwas ang tingin sa katawan ng binata na ngayon ay nakatalikod at umiinom ng tubig galing sa refrigarator. "Ano naman ikahihiya ko?" Tanong ng lalaki sa nakatalikod na ama na kasalukuyang inaayos ang hapagkainan. "Puro babae ang kapatid mo Grim kaya matuto ka namang maging conservativ---." Naputol ang sasabihin ng binata nang yakapin siya mula sa likod ni Grim. "Bakit ako mahihiya kung ikaw lang naman ang gusto ko nito makakita." May pang-aakit na tanong ng binata na kinabato nito sa kinatatayuan. "Grim!" Singhal ng binata bago humarap at bahagyang itulak ang anak palayo. "Makita ka ni Stella at ng mga kapatid mo." May diin na sambit ng lalaki na kinataas nang gilid ng labi ng binata. "Katulad ng sinabi mo papa kita, kaya anong masama kung yakapin kita?" Painosenteng tanong ng binata. "Grim ika---." "Daddy goodmorning." Napatingin ang dalawa sa pinto nang inaantok pang lumapit ang dalawang babae na nasa 17 years old at humalik sa pisngi ng ama. "Goodmorning Sam and Sue, kumain na kayo niluto ko ang favorites niyo." Nakangiting sambit ng ama habang pinaghahanda ng makakain ang mga anak. Nang makita ito ng lalaki, walang salitang lumabas si Grim sa kusina at naglakad pataas ng hagdan. "Goodmorning Grim." May ngiting sambit ng babae matapos masalubong ang binata na pataas ng hagdan. "Morning." Malamig na sagot ng lalaki bago nilampasan ang babae na agad siyang sinundan ng tingin. Nang makapasok sa loob ng kwarto si Grim, inismiran ito ni Stella at naiinis na bumaba ng hagdan. "Goodmorning hon." bati ni Stella agad ngumiti nang makarating siya sa kusina at ng mapatingin sakanya ang asawa. "Kumain kana Stella." Nakangiting sambit ng binata bago hinalikan sa noo ang asawa at ipaghila ng upuan. "Gaizer sabi sayo diba hindi mo na kailangan gawin ito tuwing umaga? May mga katulong naman tayo ikaw pa ang nagluluto." Ani ng babae matapos umupo at hawakan ang kamay ng asawa na nasa ibabaw ng lamesa. "Nah nakasanayan ko na ito at isa pa anong masama kung pagsilbihan ko ang pamilya ko?" ani ni Gaizer bago pasimpleng inalis ang pagkakahawak ng asawa sa kamay niya. "Teka nasaan si Grim?" Tanong ni Gaizer matapos tumingin sa pwesto ng mga anak at makitang may bakante sa pwesto ng mga ito. "Bumalik sa kwarto niya, yung anak mong yun Gaizer hindi na nagbago ang ugali." Komento ni Stella bago kinuha ang mga kobyertos na kinatawa ng mahina ni Gaizer. "Ganun naman talaga mga kabataan ngayon diba? Hayaan mo na." Ani ni Gaizer. "Haynaku dad si kuya Grim nanaman kinampihan mo." "Kumain na nga lang kayo diyan." Pailing-iling na sambit ni Gaizer dahil alam niya nanaman kung saan mapupunta ang usapan na iyon. "Hon, malaki na si Grim ... hindi ba pwedeng bilhan mo na lang ng unit si Grim malapit sa school nila? Imean puro gulo na lang ang dala ng ampon mo na yan dito sa pamilya, kaya mas makakabuti sigur---." "Hindi aalis si Grim dito Stella." Putol ng lalaki bago tiningnan si na napakagat sa labi dahil sa pagbabago nang mood ng asawa. "Tayo na lang ang pamilya ni Grim at kung may nakakaintindi man sakanya dapat tayo yun." Ani ng lalaki bago tumayo at kinuha ang mga pagkain na dapat sa anak ng lalaki. "Kung ayaw mo na magkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan, wag mong papakialaman si Grim." May inis na sambit ng binata bago humakbang paalis ng kusina dala ang isang tray. "Bakit ba ganun na lang ang concern ni dad kay Kuya, feeling ko tuloy mas mahal niya pa ang ampon niya kaysa satin." Ani ni Sue na kinatingin ng ina nito na si Stella. "Hindi totoo yan Sue mas mahal kayo ng daddy niyo." Ani ng babae na kinasimangot ng kambal. "Hindi yan totoo mommy, mas mahal talaga niya si kuya." -- "Grim." Tawag ni Gaizer bago kinatok ang pintuan ng kwarto. Nang walang magbukas binuksan nito ang pintuan at pumasok sa loob. "Grim dinala ko ang breakfast mo dito." Ani ng binata bago humakbang paloob at ipatong ang tray sa lamesa. "Gri---." Naputol ang sasabihin ng binata nang may yumakap sa bewang niya ng sobrang higpit. "Iloveyou papa." Hindi maiwasan mapangiti ng lalaki nang marinig yun sa anak. "Grim." Bulong ng lalaki bago umikot at humarap sa anak dahil sa pag-aakalang ang 'iloveyou' na yun ay galing sa Grim na inampon niya 12 years ago. "Iloveyou ... Gaizer." Nawala ang ngiti ni Gaizer ng pagharap niya ang gwapong mukha ni Grim ang sumalubong sakanya at ang mga labi nitong inagawan siya ng halik. "Grim! Ano bang ginagawa mo?!" Bulyaw ng lalaki bago malakas na tinulak ang anak palayo na hindi man lang umisang hakbang palayo sakanya. "Mahal kita Papa." Ani ni Grim na kinasapo sa noo ni Gaizer. "Grim hindi hinahalikan ng anak ang ama lalo na kung pareho kayong lalaki." Pag eexplain ni Gaizer. "Alam ko." Ani ni Grim na kinatingin ni Gaizer sa anak. "Anyway ... hindi mo ako anak." Walang buhay na sambit ni Grim bago tumalikod at kinuha ang mga gamit nito sa sofa. "Papasok na ako." Walang emosyong paalam ni Grim sa ama. "Grim! Mag-usap tay---." Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nang magsara na ang pinto at iwan siya ng binata sa kwarto "f**k it." May inis na sambit ng binata bago tiningnan ang mga pagkain na nasa study table. --- "Argh!" Inis na sigaw ng lalaki bago binagsak ang bag niya sa upuan na kinatingin ng apat na lalaki na nasa loob ng classroom. "Ang aga-aga ang init ng ulo mo." Komento ng binata na nasa katabing upuan na kasalukuyang inaayos ang buhok. "Siguro dahil nanaman yan sa papa mo." Sabat ng binatang kumakain ng popcorn sa sulok. "Suntok talaga sa buwan ang magmahal ka ng taong anak lang ang tingin sayo." Nag-gigitgit na sambit ng binata bago sunod na binagsak ang katawan sa upuan na kinatawa ng katabi nitong si Jaxon Gueverra. "Para ka palang si Apollo, nilinya niya din yan kanina." Banat ng lalaki na kinapokerface ng binatang nasa harap ng blackboard matapos maputol ang hawak na chalk. "Hindi ko tatay si Wax." Pagtatama ng gwapong binata bago nilingon ang mga kaibigan. "Imean hindi kayo mahal ng mga taong mahal niyo." Pang-aasar ng binata dahilan para itaas ng lalaki ang middle finger niya na kinatawa ng tatlong lalaki sa loob. "Oy Grim wag mo ng dibdibin yun madami pa namang ibang tao na dadating sayo." Ani ng katabing lalaki matapos mapansing hindi nakikisabay ang tinuturing na besfriend sa grupo. "Hindi mo ako naiintindihan Elliseo dahil para sayo lahat ng bagay dito sa mundo parang pagmamay-ari m--." "Na nangyayari dahil ginusto ko." "I have my money,looks and power Vergara kaya sayang naman kung hindi ko gagamitin diba?" Ani ng binata na may pagmamalaki sa boses. "Marami naman akong kilalang chix kung gusto mo ireto pa kita, tigilan mo lang yang pagkaobsses mo sa papa mo lalo na may asawa pa." Dagdag ng binata. "Agree ako sa tigilan pero yung ireto Revolledo ... hindi." Sabat ng binatang kumakain ng popcorn. "Hahawaan mo pa ng pagkababaero mo si Vergara." Ani ng lalaki na kinangiwi ng binata. "Alam mo kahit kailan Alvarez napaka kontrabida mo concern lang ako kay Grim, look broken siya hindi ka man lang worried anong klase kang kaibigan." Ani ni Elliseo Revolledo habang hawak ang dibdib na kunwaring nasasaktan. "Broken lang si Grim malayo sa bituka pero pag yan hinawaan ng aids dadagdag pa yan sa problema ng bansa." Ani ng binata na nangangalang Keehan Alvarez. "What do you mean by that? Sa tingin mo bibigyan ko si Grim ng nga babaeng pulot-pulot lang sa tabi?" Singhal nito sa binatang nasa likurang bahagi ng upuan nila. "Since ganun naman ang mga tipo mong babae, hindi mo ako masisisi kung---." "Kailan ka pa naging concern sa bansa Keehan? tatakbo ka bang presidente ng pilipanas at nangangampanya kana." sabat ng katabi nitong inaayos ang sariling buhok bago tingnan ang kaibigan na kumakain ng popcon. "Tumigil na nga kayong dalawa hindi naman kayo nakakatulong." Sabat ng binata na nagdadrawing sa blackboard. "Hindi niyo kami naiintindihan ni Vergara dahil wala kayo sa sitwasyon naming dalawa." "Kung hindi ba naman kayong isa't kalahating, manhid, torpe at babaero eh di sana nagkakaintindihan tayong lima." Ani ni Apollo Grimore na nakaupo sa lamesa at nagdadadrawing gamit ang chalk. "Ako yung babaero? Eh di sino sainyong dalawa ang manhid at ang torpe?" Banat ni Elliseo na kinatakha ni Keehan nang umiwas ng tingin ang katabi nitong si Jaxon Gueverra. "Pumasok ako ng school para magkaroon ng peace of mind hindi makinig ng mga katalkshitan niyo, mga gago." Inis na sambit ni Grim ng magkagulo ang tatlo sa tabihan niya. "Wala ba tayong klase ngayon at tayong lima lang nandito?" Pag iiba ni Jaxon ng mapansing walang kaklase nila ang pumapasok. "May P.E, nasa ibaba silang lahat." Sagot ng binatang si Apollo bago bahagyang nilingon si Grim na gusot ang mukhang nakatingin sa kawalan. "About dun sa offer ng America embassy para sa pag-papaaral nila sayo sa ibang bansa nakapagdesisyon kana?" Tanong ni Apollo kay Grim na kinatingin ng tatlo sa binata. "Hindi ko yun kailangan pag-isipan Grimore dahil kahit sa panaginip hindi ko hinangad na umalis ng hindi kasama si Gaizer." Walang emosyong sagot ng binata bago tumayo at naglakad palabas ng classroom. "Sana aware si Vergara na hindi habang buhay pwede siya manatili sa mga Marshall." Ani ni Keehan. "Masyado siyang head over heels sa tatay-tatayan niya." Sabat ng binata na si Jaxon na kinibit-balikat ni Elliseo. "Ang dami niyang offer na tinatanggihan dahil lang sa obssesion niya, nakakapanghinayang." "Kaya ayoko naiinlove masyadong kumplikado at nakakabobo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD