Chapter 3
3rd Person's POV;
"Bud kagabi pa tumatawag ang papa mo, hindi ka ba uuwi?"
Bungad ni Jaxon matapos bumaba ni Grim na tanging sando na lang ang suot at ang pang-ibaba nitong uniform.
"Kung nag-aalala talaga siya sakin siya mismo ang pupunta dito para sunduin ako." Bored na sagot ni Grim bago nilampasan si Jaxon at kinuha ang inaabot nitong baso ng kape.
"Buntis daw yung nanay-nanayan mo kaya hindi ka masundo, maselan daw kaya hindi maiwan." Sabat ni Elliseo na kinatigil ni Grim sa paglalakad.
"Matagal ng inaantay yun ng papa mo kaya siguro ganun na lang ang pag-aalaga niya sa nanay mo."
"Papasok ba tayo ngayon?" Malamig na tanong ni Grim bago lumapit sa sink at ibinaba ang kape na tinimpla ni Jaxon.
"Sabado ngayon, saan ka papasok?" Pokerface na sagot ni Elliseo habang sumisimsim ng kape sa bar counter.
"Punta tayo mamayang bar."yaya ni Grim at hindi pinansin ang sarkastimo sa boses ng kaibigan.
"Mag-aano tayo dun wala naman tayong gig?" Tanong ni Jaxon nang makapasok siya sa kusina.
"Gusto ko maglibang boring dito." Walang buhay na sagot ni Grim.
"Sabihin mo gusto mo lang mag move on." Pang-aalaska ni Elliseo.
"Paalam muna tayo kay Apollo sakanyang bar yun." Palatak ni Jaxon na kahit hindi sang-ayon dahil sa last time na pumunta sila dun para maglibang, nag jack en-poy na lang sila ni Keehan sa kulungan matapos hulihin ng pulis nang gumawa sila gulo sa lugar.
---
Nanatili lang sa kwarto si Grim at hindi sinasagot ang tawag ng ama. Nanatili lang ito nakatingin sa cellphone at tinititigan ang mga text na natatanggap galing kay Gaizer.
Hanggang sa pumasok sa isip niya ang nakitang scenario kahapon na kinadilim ng anyo ng binata na naging dahilan para damputin nito ang phone at ibato sa pader.
Matapos umikot at umayos ng higa nilagay nito ang braso sa noo at tinitigan ang kisame hanggang sa pumasok sa isip niya ang lalaking nagligtas sakanya sa kadiliman.
Lalaking naging daan para magawa niyang lampasan ang madilim na nakaraan.
Flashback
"Nagugutom na ako."
"A-Ang lamig."
"A-Ang dilim, n-natatakot ako."
Isa lang yan sa mga salitang binitawan ng batang lalaki na nakahiga sa sulok nang madilim na eskinita.
Sa gitna ng ulan... yakap ang hubad na katawan, puno ng pasa at sugat sa akalang mamatay na siya.
Unti-unti na niyang ipipikit ang mga mata nang makaramdam siya ng init at tila huminto ang ulan.
"Bata ayos ka lang? Gumising ka dadalhin kita sa ospital."
Kahit nahihirapan pinilit ng batang lalaki na imulat ang mata hanggang sa magtama ang mata nila ng lalaking binalot siya sa jacket at binuhat.
Hindi nito alintana ang malakas na ulan, binitawan pa nito ang hawak na payong para mabuhat siya at maprotektahan.
"Ligtas ka na." Ani ng lalaki hanggang sa makarating sila sa lugar na may ilaw at maaninag niya ang mukha ni---.
Gaizer Marshall, ang lalaking inalagaan, binigyan ng pagkain, binihisan, pinuno siya ng pagmamahal at binigyan ng tahanan.
"Simula ngayon dito kana titira, ituring mo na din itong bahay mo kasi simula ngayon ... kami na ang pamilya mo." Nakangiting sambit ng lalaki habang nakatingin sa batang hindi inaalis ang tingin sakanya.
End of the flashback
"Vergara akala ko ba pupunta ng bar."
Napatingin si Grim sa pintuan ng may magsalita dun at makita si Elliseo na nakasandal sa gilid ng nakabukas ng pinto.
"Bumangon kana diyan bud kanina pa nasa ibaba sina Apollo." Ani ng lalaki bago tumalikod at naglakad palabas.
Kahit walang gana pilit na tinulak ng binata ang sarili para bumangon at pumasok sa bathroom.
--
"Whoa! Hindi ko alam na may talent si Grim sa pagsasayaw ah." Komento ni Jaxon ng makita ang kaibigan na todo hataw sa dance floor at kung sino-sino ang babaeng sinasayaw.
"Putangina natalo pa ako." Palatak ni Elliseo natapos makita ang kaibigan na pinagkakaguluhan ng mga babae sa dance floor.
Ngunit sa kabila ng pagsayaw ni Grim at sa mga babaeng nakapaligid sakanya, andun pa din yung sakit na hanggang dance floor dala-dala.
May hinahanap pa din siya at alam niya sa sariling hindi niya yun dun makukuha.
Pawisan ang lalaki ngunit hindi naging dahilan yun para mabawasan ang karismang taglay ng binata na mas naging dahilan pa para lapitan siya ng mga babae ... dahil sa frustration at inis sa sarili naging mas mapusok ito na kinatayo ng mga magbabarkada sa lamesa dahil nakikipaghalikan na ito sa mismo ng dance floor.
"Excuse me!"
"Teka tabi muna."
"Padaan."
Sabay na hinila ni Jaxon at Elliseo ang kaibigan dahil sa pag-aalala. Hindi ganun ang kilala nilang Grim Vergara kaya nanibago sila at hinila nila ito pabalik sa lamesa.
"Bud kung gusto mo ng babae bibigyan kita with class pa." Ani ni Elliseo bago inupo ang kaibigan at inabutan ng alak.
"Uminom na lang tayo dre." Ani ni Elliseo bago bahagyang idikit ang iniinom na alak sa hawak ni Grim na walang kaano-anong tinungga ang binigay ni Elliseo.
"Andito tayo para mag enjoy Elliseo kaya pwede ba wag niyo muna akong pakialaman." Walang buhay na sambit ni Grim bago tumayo dala ang alak.
"Grim!" Sigaw ni Jaxon at tatayo ito para sundan ang binata nang pigilan siya ni Elliseo bago bahagyang umiling.
"Hayaan mo na siguro yan na yung way niya para makalimot." Ani ni Elliseo bago tingnan si Keehan na busy katitipa ng phone.
"Oy bata sinong katext mo, kanina pa yan hindi ka iinom?" Tanong ni Elliseo na naging dahilan para tingnan siya ni Jaxon.
"Tsk hindi ako bata, ayoko magpakalasing walang magdadrive satin pauwi." Sagot ni Keehan bago tinago ang phone at sumipsip sa straw nang iniinom na juice.
Busy ang tatlo sa pag-iinuman nang mapatingin sila sa dance floor matapos may lalaking nakahood ang biglang humila sa kaibigan.
"What the heck, kidnapping na ba yan." Tatayo si Elliseo ng hawakan siya ni Keehan at iupo.
"Si Mr.Marshall yan." Ani ni Keehan na kinatingin ni Elliseo.
"Sira na ba ang ulo mo? Siguradong magagalit si Grim satin bukas." Ani ni Elliseo na kinasimangot ng binata.
"Naaawa na kasi ako kay Grim at alam kong siya lang makakapagpakalma sakanya." Ani ni Keehan na kinailing ni Jaxon dahil sa hindi na siya nagulat na ginawa yun ni Keehan.
Sa kanilang magbabarkada si Keehan ang masasabi mong anghel na may mga tropang demonyo ... ni hindi nga nila alam kung pano ito nakasundo.
"Grim kailan ka pa natutong gumimik ng hindi man lang nagpapaalam sakin!" Sigaw ni Gaizer sa binata matapos sila huminto sa parking lot kung nasaan ang kotse.
"Pwede ba pabayaan mo na lang ako, dun kana sa pamilya mo." Malamig na sagot ni Grim bago tumalikod at aalis ito ng hilahin siya ng lalaki paharap.
"Hindi ko lang yun pamilya Grim, pamilya nating dalawa." May diin na sambit ng lalaki na kinatawa ng binata na kinatigil ni Gaizer hindi sa dahil nagulat sa pagtawa ng binata kung hindi dahil sa nakakatakot nitong tingin sakanya matapos tumawa.
"Kahit kailan hindi ako naging parte ng pamilya na sinasabi mo."
"Hindi ko tinuring na pamilya ang sinasabi mo dahil ikaw ang gusto ko." Ani ni Grim na kinabato ng lalaki sa kinatatayuan.
"Nagkagusto ako sa dapat ama ko sa pamilyang binigay mo, now tell me Gaizer dapat pa ba akong bumalik sa bahay mo?" May pangbubuska na tanong ni Grim sa ama.
Nang hindi ito sumagot ng ilang minuto, tumalikod na si Grim at maglalakad ito palayo nang---.
"Grim magkakaanak na kami ni Stella." Ani ni Gaizer na kinatigil ng binata.
"Then congrats yan naman ang gusto mo diba? Magkaanak kayong dalawa ni Stella." Walang buhay na sambit ni Grim bago humakbang ulit para bumalik sa loob.
"Pero hindi ako tuluyang magiging masaya kung mawawala ka." Bulong ni Gaizer na sapat para marinig ni Grim.
"Grim tinuring na kitang anak, mahalaga kana sakin at yung idea na nag-iisa ka ... hindi ko kaya."
"Grim bumalik kana sa bahay kahit para lang sakin." Kalmadong sambit ni Gaizer na naging dahilan sa paghinto ni Grim.
"Magagawa mo na lahat ng gusto mo, gumimik, mag girlfriend kahit ilan pa." Ani ni Gaizer.
"Pero gusto ko sakin ka pa din uuwi, sa bahay ka pa din titira ... sa lugar na makikita pa din kita." Puno ng sincerity na sambit ni Gaizer na kinayukom ng kamao ni Grim.
Nagdidilim ang mukha ni Grim at dahil sa frustration kinagat ng binata ang labi hanggang sa malasahan niya ang sariling dugo.
--
"Grim kumain kana muna, nagdala ako ng salad na paborito mo." May ngiting sambit ni Gaizer sa anak na nakasandal sa headboard ng kama at nagbabasa.
"Hindi mo na dapat yan ginagawa papa."
"Alam ko kung anong oras kana natutulog dahil sa paglilihi ng asawa mo." Walang buhay na sambit ni Grim matapos umupo ng ayos at abutin ang dala ng ama.
"Nakatulog na si Stella pati ang mga bata tapos naalala kita kaya ginawan kita ng paborito mo." Nakangiting sagot ng lalaki bago umupo sa kama at pagmasdan ang anak na kumakain.
"Masaya ako na umuwi ka kahit alam kong galit ka sakin." Bulong ni Gaizer na kinatingin sakanya ni Grim sandali at umiwas ng tingin.
"Nung isang araw pa yun papa, kalimutan mo na." Bored na sagot ni Grim bago pinagpatuloy ang pagkain.
"Sa linggo magkakaroon tayo ng picnic sasama ka." Ani ni Gaizer.
"Para namang may magagawa ako papa pag gusto mo." Sagot ni Grim na kinatawa ng lalaki.
"Anyway kailan pala yung school festival niyo, diba magpeperform kayo ulit?" Sunod-sunod na tanong ni Gaizer bago sumampa ng kama at mag indian seat.
"Ayos lang naman na wag ka ng pumunta." Ani ni Grim.
"Kailan ko ba pinalampas yung pagpeperform niyo? Kahit nga pinagalitan ako dati nung talent agency na pinagtatrabahuhan ko pumunta pa din ako diba?" Excited na sambit ni Gaizer na kinangiti ng palihim ni Grim.
Nang maibaba nito ang lalagyan at mailagay yun sa tray.
"Next week pa yun, bigay ko na lang po yung ticket pag binigay na samin."