05

1768 Words
Chapter 5 3rd Person's POV; "Mukhang okay na mood ah." Komento ni Jaxon nang makita ang kaibigan na pumasok ng classroom dala ang bag nito. "Nalate ka, umiyak ka ba mag damag." Pang aalaska ni Elliseo. "Gago, napasarap lang tulog ko." May konting ngiti na sagot ni Grim. "What the heck Vergara! D-Don't tell me may nangyari kagabi n--- f**k!" Mura ni Elliseo at hindi naituloy ang sasabihin ng hampasin siya ni Grim sa mukha gamit ang notebook. "Ang dumi ng utak mo Revolledo." Pokerface na singhal ni Grim sa kaibigan. "Nasaan si Apollo?" Tanong ni Grim ng makitang wala ang isa sa mga kaibigan. "Vacant ngayon baka nakabuntot nanaman yun kay Wax." Nakahalumbabang sagot ni Keehan. "Hindi kaya nagayuma si Apollo anong sa tingin niyo?" Tanong ni Jaxon na kinatingin nina Elliseo. "Uso pa ba ang gayuma ngayon?" Tanong ni Keehan habang nagtatakang nakatingin sa kaibigan. "Kasi naman hindi sa nanlalait ako o ano pa man, mataba si Wax, maitim at alam kong aminado siya na hindi bagay sakanya si Apollo kaya nga paulit-ulit niya nirereject si leader diba?" "Kahit ako hindi makapaniwalang gusto siya ni Apollo, imean hindi ako attracted sa lalaki ah ... marunong ako makilatis pero si Apollo yung tipong tingnan niya lang yung babae magkakandarapa na sakanya kaya nagtataka ako kung bakit siya ganun kaobsses sa baklang yun." ani ni Elliseo habang hinihimas ang mukha na hinampas ni Grim. "Wag mo ng isipin yun Revolledo kasi hindi yun maiintindihan ng babaerong katulad mo." Banat ni Keehan bago bored na tinuro si Elliseo habang nakahalumbaba at ituro si Jaxon na nakakunot ang noo. "At sa lalaking bumabase lang sa panlabas na anyo." "At anong ibig mong sabihin dun Alvarez?" Pokerface na tanong ni Jaxon. "Mabuting tao si Wax yun yon, katulad ng sinabi ni Jaxon paulit-ulit nirereject ni Wax si Apollo dahil hindi sila bagay na dalawa." "Totoo siya sa sarili niya at dun pa lang lamang na siya sa mga babaeng nagkakandarapa kay Apollo." "Agree." Sang-ayon ni Grim habang kumakain ng sandwitch. --- "Papa." Tawag ni Grim ng makapasok siya sa mansyon dala ang mga gamit. Nang makitang wala ang ama binaba nito ang mga gamit sa sofa. "Hindi ko alam kung bakit hindi ka pa lumalayas dito." Napatingin si Grim sa babaeng lumabas ng kusina dala ang isang baso ng tubig. "Wala akong oras makipag-usap sayo." Walang ganang sagot ni Grim at maglalakad na ito pataas ng hablutin siya ng babae at iharap. "Hindi ako papayag na isang baklang katulad mo ang sisira sa pamilya ko, akala ko ba wala akong alam sa pang-aakit mo sa asawa ko ha?" Nag-gigitgit na sambit ng babae na kinatahimik ni Grim. "Hindi ko alam kung anong pinuputok mo, kung alam mo lahat sigurado din akong alam mo din na hindi ako gusto ni Gaizer." Bored na sagot ni Grim bago inalis ang pagkakahawak ng babae sakanya. "Kung sa tingin mo mapapaalis mo ako nagkakamali ka, si Gaizer lang ang ang makakapag paalis sakin dito hindi ikaw." Humakbang si Grim baitang ng hagdan hanggang sa kapitan siya ni Stella at iharap sakanya. "Ampon ka lang dito at kahit kailan hindi ka naging bahagi ng pamilyang ito." "Na hindi ko din naman gusto dahil wala akong balak na maging ama lang si Gaizer sa pamilyang ito." Pokerface na sambit ni Grim bago hinila ang kamay nito sa babae at---. "Ahhh!" "Stella!" Sigaw ni Grim ng madulas ang babae at mapaupo sa ibaba ng hagdan. "A-Ang baby ko." Natatakot na sambit ni Stella ng makitang dumudugo ang pagitan ng mga hita niya. "Dadalhin kita sa hospital." Ani ni Grim at tatangkain siyang buhatin ni Grim ng---. "Bitawan mo ako!" Sigaw ni Stela bago tinulak si Grim na siyang pagdating ni Gaizer. "Stella!" Sigaw ni Gaizer na agad nabitawan ang mga dala ng makita si Stella na umiiyak hawak ang sinapupunan. "H-Hon a-ang baby na--- argh!" Napaupo si Grim sa sahig ng maitulak siya ni Gaizer patabi matapos natatarantang binuhat ni Gaizer ang asawa para dalhin sa hospital. Bahagyang natulala si Grim matapos makita ang dugo sa sahig na nanggaling kay Stella at ang takot dahil baka kung anong mangyari sa baby ni Gaizer. --- "Pasensya na Mr.Marshall ... wala na ang baby niyo." Halos mabagsakan ng langit at lupa si Gaizer matapos siya lapitan ng doctor na kinaiyak ni Stella. "A-Ang baby natin Gaizer." Umiiyak na sambit ni Stella. "Kasalanan ito ng ampon mong yan Gaizer! Kung nakinig ka lang sakin na dalhin ang batang yun sa ampunan, sana hindi namatay ang baby natin!" Paninisi ni Stella habang umiiyak. Nang makalabas ang doctor siya namang pagpasok ni Grim. "Pap---." "Lumayas kana Grim at wag na wag ka ng magpapakita sakin." Sobrang lamig na sambit ni Gaizer na nanatiling nakayuko. "Papa mag-eexplain ako hind---." "Sabi ko ng lumayas ka diba!" Sigaw ni Gaizer na kinabato ni Grim sa kinatatayuan lalo na ng masalubong nito ang mata ni Gaizer nang puno ng galit at sakit. "Umalis kana Grim tapos na ang responsibilidad ko sayo, wag ka ng babalik … hind na kita kailangan." Ani ni Gaizer bago tumalikod habang nakayukom ang kamao at pilit na pinakakalma ang sarili. "S-Salamat sa lahat Mr.Marshall." bulong ni Grim bago mabibigat ang paang naglakad palabas ng pinto. -- Nagising si Grim sa kalagitnaan ng gabi matapos siya makatulog sa opisina niya na nasa studio. Pag ayos niya ng upo napatigil siya ng may blanket na sa balikat niya at mapako ang tingin niya sa lalaking nakahiga sa sofa na pilit pinagkakasya ang maliit na katawan sa sofa. "Hindi ko napansing gabi na." Bulong ni Grim bago kinuha ang blanket na nasa likuran at humakbang palapit sa lalaki na natutulog. Ilalagay niya yun sa lalaki nang magbukas ang mata ni Gaizer na naging dahilan para itago yun ni Grim sa likuran at humakbang paatras. "Anong ginagawa mo dito? Sinabi ko bang dito ka matulog?" Walang emosyong tanong ni Grim kay Gaizer na kinukusot ang mata bago umupo at tumingin sa paligid. "Sorry hindi ko napansin na nakatulog ako, inaantay kasi kita magising para makapag-paalam." Bulong ni Gaizer. "Hindi pa tapos ang trabaho mo diba? Sunday bukas at lilinisin mo ang bahay ko." Gusot ang mukhang sambit ni Grim. "Alam ko kaya nga hindi pa ako umaalis dito dahil sasama ako sayo pauwi sa bahay mo." Kalmadong sagot ni Gaizer at sasalubungin nito ang tingin ni Grim nang bigla itong tumalikod at nag lakad palapit sa table. "Ayusin mo na ang sarili mo aalis na tayo." Malamig pa sa yelong utos ni Grim bago kinuha ang susi at itapon kung saan ang hawak na blanket. "G-Grim motor ba gagamitin mo? Andito yung company c-car ako na lang---." "Sinabi ko na diba? Kung anong gagawin ko, wala kang reklamo na susunod sakin." Putol ni Grim bago sinuot ang helmet na kinalunok ni Gaizer. "Sorry." Bulong ni Gaizer bago sinuot ang helmet at sumakay sa likuran ni Grim. Humawak sa balikat ni Grim si Gaizer pero dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Grim, kinuha ng binata ang kamay ni Gaizer at nilagay sa mga bewang niya. Nanginginig na napakapit si Gaizer sa bewang ni Grim, lalo na sa takot na marinig nito ang abnormal na paglakas ng t***k ng puso at mapansin ang pang-iinit ng pisngi niya. Hindi na nainda ni Gaizer ang takot sa motor at ang pagpapabilis nito sa pagpapatakbo ng sasakyan dahil sa maayado siyang occupied sa reality na yakap niya si Grim at nabibingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya. Sa panglimang beses na napuntahan ni Gaizer ang penthouse ni Grim pero lagi pa din itong natutulala tuwing napagmamasdan ang bahay na dream house niya dati. Dahil sa maaliwas tingnan ang mansyon hindi maiwasan magtaka ni Gaizer kung bakit ganito ang interior design ng kwarto, malayo sa personality ng nakatira dito. "Tumaas kana Gaizer." Walang ganang utos ni Grim na kinatango ng lalaki bago sumunod na parang robot. Nang makapasok si Gaizer sa iisang kwarto na iba ang interior sa kabuuan ng bahay hindi na siya nagulat ng dark ang theme nun. Black and blue na hindi nakakapagtakang yun ang kwarto ni Gaizer, matapos buksan ang ilaw sa kwarto naglakad papunta sa bathroom si Gaizer at nagsimula ng maglinis ng katawan matapos tanggalin lahat ng suot na damit. Matapos maligo walang saplot na lumabas sa bathroom si Gaizer at naglakad palapit sa lalaki habang nakatingin kay Grim na katulad ng dati hindi nito inaabalang timingin sakanya. Nanatiling nakaupo si Grim sa gilid ng kama habang siya ay humiga sa kama at katulad ng dating ginagawa pipikit ito at aantayin si Grim. Gaizer Marshall's POV; Matapos ko pumayag sa kasunduan isa ito sa naging kabayaran, ang magpagamit kay Grim na kahit kailan hindi ko pinandirihan. Kahit alam ko na wala nanaman siyang nararamdaman sakin at balang araw itatapon niya din ako na parang basura once na matanggap ko ang kapatawaran niya. Nahila ko ang hininga ko at parang nablangko ang isip ko ng maramdaman ko ang paghinga ni Grim sa pisngi ko at paglapat ng labi niya sa labi ko. Kusa kong binuka ang mga labi ko ng kagatin niya yun ng mahina at ipasok ang dila niya sa bibig ko. Lasang mint at alak, pilit akong nakipagsabayan sa halik niya habang pinipigilan ang ungol na kakawala sa bibig ko ng maramdaman ko ang p*********i niya sa hita ko. Gusto kong makita ang expression niya pero natatakot akong imulat ang mata ko dahil alam kong hindi niya yun magugustuhan and worst hindi ko nanaman siya makita. "G-Grim." Bulong ko matapos ko mapakit sa katawan niya ng ipasok niya yun sa loob ko at halikan ang leeg ko pataas ulit sa mga labi ko. Hindi ko alam pero ni sa panaginip hindi ko magagawa ito kasama ang isang lalaki pero iba si Grim. Hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ang iba, maliban kay Grim na pilit kong binubura sa buhay ko na hindi ko naman magawa dahil hindi ko kaya. Kaya kahit nasakit at mahirap pinipilit kong tiisin ang pagpapahirap niya dahil alam kong parte lang ito ng pagmamahal niya sakin. Galit at nasasaktan siya dahil mahal niya ako, lahat ito kasalanan ko dahil hindi siya magbabago at magiging bato ang puso kung hindi ko siya iniwan mag-isa Hindi siya magiging si Grim Vergara na walang pakialam at tiwala sa iba kung inalagaan at pinahalagahan ko siya ng tama. Kaya kung ano mang nangyari noon kailangan ko yun pagbayaran ngayon dahil saaming tatlo nina Stella si Grim ang tunay na Argabyado at nasaktan dahil sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD