Chapter 59 RHON's Point of View Hindi madali ang lumaban mula sa kamatayan. Hindi ko man matandaan ngunit alam kong ayaw kong bumitaw. Ayaw kong humiwalay sa aking katawan. Hanggang humihinga pa, hanggang kaya pa hindi ako sumuko. Kaya nga nang nagmulat ako ng aking mga mata mula sa mahabang pagkakaidlip ay napaluha ako. May babae akong naririnig na umiiyak. Iba yung hatak sa akin ng babaeng iyon. Para akong ginigising sa aking malalim na pagkakahimbing. Para akong hinihila mula sa kawalan. Gina-guide niya ako papunta sa liwanag. Pamilyar na boses ngunit hindi ko matandaan. Kahit nang nagmulat ako ng aking mga mata, alam kong parang kilala ko siya, parang nakasama ko na siya, parang may bahagi siya ng buhay kong hindi ko tanda ngunit hindi ko talaga maalala. Kahit pa anong gusto kong aal