CHAPTER 57 Hindi madaling magpatuloy sa buhay at magpakatatag pagkatapos malaman na lahat ng alaala ninyo ng taong mahal mo ay tuluyan nang naglaho sa kaniya. Yun bang ikaw na lang ang tanging umaalala sa lahat. Hanggang sa dumating pa ang isa namang trahedya sa aking buhay na alam kong patuloy lang na nandiyan kung hindi ko muna tutuldukan. Basta ang alam ko magulo na. Sobrang gulo na, na ang balikan si Rhon ay hindi pa napapanahon. Ang magpakita sa kanya at kausapin siya ay hindi dapat at tama. Bumalik ang ilang alaala ni Rhon ngunit wala ako roon at ang alam ko, matatagalan pa o baka hindi na ako sumasagi pa sa isipan niya. Napakasakit na sa dami naming pinagdaanan, sa dami naming ipinaglaban, nabura lang ng ganoon sa kanyang isipan. Ngunit alam kong hindi na advisable pang balikan ko