LIMOT NA NAKARAAN

1644 Words

CHAPTER 49              Sa gulat at sa dami ng mga nangyayari, hindi ako agad nakagalaw. Ni hindi ako makasigaw para humingi ng tulong. Para bang may kung anong nakabara sa aking lalamunan. Gusto kong pigilan si Paul ngunit hindi ko magawa.  Hindi ko maikilos ang aking katawan sa sobrang pagkabigla. Kailangan may gagawin ako, hindi pwedeng maulit muli ang nangyari kay Rhon dahil paniguradong tutuluyan na siya. Tumulo ang aking luha. Naiinis ako sa sarili ko na nakatutok na ang baril sa ulo ni Rhon ngunit wala pa rin akong magawa.              "Gising siya! Gumalaw ang kamay niya, Dok nakita ko! Nakita namin ni Rizza. Gising na si Rhon,” boses iyon ni Father na noon ay alam kong malapit na sa tapat na ng pintuan. Mabilis na itinago ni Paul ang hawak niyang baril sa kanyang uniform na pang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD