C34

1237 Words
Lumabas na ako sa classroom namin pagkatapos kong mag take ng last subject exam ko. Mas naunang lumabas si Riguel saakin pero nasa labas lang siya at naghihintay saakin. Napatingin ako sakanya at napangiti. "Hay naku! Evie! Bakit mo nakalimutan yung answer sa Number 78?" Natatawang tanong ni Riguel saakin, iniinis niya parin ako tungkol sa paghingi ko ng answer sakanya kanina. Nakakainis talaga! "Huwag mo na ngang ipaalala! Nakalimutan ko nga yung formula diba? Paulit-ulit?" Tanong ko. Ngumisi nalang si Riguel saakin. "Pero diba, atleast may remembrance na ako sayo. Sa paghingi mo ng sagot!" Mas malakas niyang sabi, agad ko namang tinakpan ang bibig niya. "Tumahimik ka! Huwag mo akong asarin!" Inis kong sabi kay Riguel. "Aasarin kita hangga't sa gusto ko!!" Sabi niya at nilabas ang dila niya, bakit parang umaktong bata ang isang to?! Sasapakin ko na sana siya pero agad kong naibaba ang kamay ko ng makita ko si Jizan na nakatayo sa may elevator ng building at parang naghihintay saakin. Napatingin ako kay Riguel at nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa labi niya. Jizan looked at me tapos kay Riguel at nabugha nalang ng hangin. "Tapos kana mag exam?" Tanong niya saakin, napatango naman ako sakanya. "May gagawin kapa?" Tanong niya. "Ahm, wala na.." Mahina kong sabi. "Una na ako, Evie! Enjoy your date!" Rinig kong sabi ni Riguel at nakita kong pumasok na siya sa loob ng isa pang elevator. Napahinga nalang ako ng malalim at napatingin ulit kay Jizan. He offered his hand to me, at agad ko naman iyong tinanggap, nagulat ako ng biglaan niyang pinagsiklop ang mga daliri namin. Halos hindi ako makagalaw at pinakiramdaman ko ang sarili ko. My heart is beating so fast at parang kinikiliti iyon. Napatingin si Jizan saakin dahil hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. "Is there something wrong?" Tanong niya, agad akong napailing at sabay kaming pumasok sa loob ng elevator. Nagulat naman ako ng bumungad saakin sina Shantelle, Yza at Kylie. Anong ginagawa nila sa highschool building? Nakita ko kung pano bumaba ang tingin ni Kylie sa mga kamay namin at agad napakunot ang noo niya. Jizan pressed the ground floor at parang wala lang sakanya na andito si Kylie. "Where do you want to eat?" Tanong ni Jizan saakin. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 10AM palang. "Mag mall nalang muna tayo, maaga pa naman for lunch at para hindi tayo ma bored kakahintay." I said, ngumiti ng bahagya si Jizan saakin at agad na napatango. Ang tahimik, napaka tahimik sa loob ng elevator. Tapos parang bumabagal pa ang takbo nito! Nasa 4th floor lang naman kami ha? Bakit ang tagal nitong bumaba sa ground floor? "Jizan!" Rinig kong maarteng tawag ni Kylie kay Jizan. Napatingin ako kay Kylie at nakita ko kung paano kasama ang tingin niya saakin, napatawa nalang ako ng mahina. Nagulat ako ng bigla siyang pumagitan sa gitna namin kaya napabitaw ako sa kamay ni Jizan. Anong pakulo ng isang to? "Pasensya kana about sa feasib ha? I got really busy kaya hindi kita nasamahan sa defense.." Maarte niyang sabi habang hinihimas ang braso ni Jizan at nakita ko pa nga kung paano niya dinidikit ang dibdib niya sa braso ni Jizan. "Ayos lang Kylie, it doesn't matter." Simple saad ni Jizan. "But I'm really really sorry about it, baka gusto mo ilibre nalang kita ng lunch ngayon? Pambawi lang." Nakangiting sabi ni Kylie. Agad inalis ni Jizan ang kamay ni Kylie sa braso niya at napahinga ng malalim. Napairap nalang ako, as if naman naiilang talaga siya! Nagustuhan niya rin naman! Sinuklay ko ang maikli kong buhok gamit ang daliri ko at umirap ulit. I crossed my arms at napatingin kay Shantelle at Yza na parang maamong asong nakasunod lang kay Kylie. Anong meron kay Kylie? Bakit ang amo ng mga to? Tss. "Gusto mong akong ilibre?" Rinig kong tanong ni Jizan, nakakainis! Ginusto rin ng isang yon ang gusto ni Kylie! Bwisit! Magsama sila! Saktong tumunog naman ang elevator kaya agad akong lumabas at hindi na hinintay si Jizan. Bahala siya diyan! Kung gusto niyang sumabay kay Kylie! Edi sumabay siya! Duh! Napatingin ako sa likuran ko at nagulat ako ng hindi ko makita si Jizan sa bukana ng elevator. Asan na ang piste nayun? Ano?! Pumayag na siyang sumama sa Kylie nayun?! Nakakainis ha! "Sino hinahanap mo?" Napatingin ako sa nagsalita at nagulat ako ng makita ko si Jizan na nakatingin na saakin. "W-wala! Sino naman hahanapin ko?!" Pasigaw kong tanong. "Galit ka?" Mahinahon na tanong ni Jizan. "Hindi! Bakit naman ako magagalit ha?!" Naiinis kong tanong. "Galit ka e, ano ginawa ko?" He asked. "Hilig mo talaga mag imbento! Hindi nga ako galit!" I rolled my eyes. "Bakit mo ako iniwan sa elevator?" He asked. Habang sabay kaming naglalakad patungo sa parking lot ng school. "Bakit naman kita hihintayin? Gusto mo pa akong panoorin ang paglalandi niyo ni Kylie?!" Pagalit kong tanong sakanya. Duh! As if naman gusto niya talagang hintayin ko siya dun! "Nagseselos kaba?" Biglaan niyang tanong. Agad akong Napatingin sakanya at pinandilatan siya ng mga mata. "Excuse me?! Bakit ako magseselos?!" Galit kong tanong sakanya, andito na kami sa parking lot at medyo wala naring tao. "Kasi nagseselos ka." Simpleng sabi ni Jizan, agad ko siyang tiningnan habang ang mga kamay ko ay nasa bewang ko. "Makinig ka! Why would I be f*****g jealous of Kylie?! I know for myself that I am clearly ahead of her! Walang binatbat sakin ang bwisit nayun! Kaya ikaw Jizan Zoldyck! You should f*****g choose wisely on who you are going to f*****g—" Napatigil ako sa pag sasalita ng bigla kong naramdaman ang paglapat ng labi ni Jizan sa labi ko. What...the fuck...did he...did he just kiss me?! Bigla niyang hinawakan ang likod ng leeg ko at mas diniin ang halik, wala akong nagawa kundi ang ipikit ang mga mata ko and responded to his kisses. Pero agad rin akong napamulat sa mata ko ng Biglaan niyang kinagat ng mariin ang pangibabang labi ko. I immediately pushed him away. "What the hell?! Why did you bit me?!" Inis kong sabi. Hinawakan ko ang labi ko kung saan niya ako kinagat at nagulat ako ng makaramdam ako ng hapdi dito. What the f**k?! Nasugatan ako?! I stared at him deadly and he just smirked at me. "Now...curse one more time..I will surely rip that lips of yours.." He said. I gritted my teeth at huminga ng malalim. Fuck you, Jizan! f**k you! Habang kumakain ay paulit-ulit nag sink in sa utak ko kung ano ang pinagsasabi ko kanina. Argh! Napaka-tanga! Bakit naman kasi ako naiinis? Kahit ngayon naiinis parin ako, ayoko nito. Ayoko ng ganitong pakiramdam, para akong mababaliw. Hindi na tama ang mga ginagawa ko...hindi ako pwedeng mainis, hindi ako pwedeng magselos, hindi ako pwedeng makaramdam ng ano mang emosyon pagdating kay Jizan. Hindi pwede. Biglang nag beep ang cellphone ko kaya napatingin ako doon, napakurap-kurap ako at parang nahigit ang hininga ko dahil sa nabasa ko. From: Dad Come home, Soren is here.. Soren...n-nasa bahay na siya? Napatingin ako kay Jizan at nakita kong kalmado lang naman siya at kumakain lang. Nag beep rin ang cellphone niya kaya napatingin siya roon, nakita ko naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "I need to go home.." "We should go.." Sabay naming sabi. Did he receive some message about Soren too? Pareho bang mensahe ang natanggap namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD