C11

1213 Words
I heard college students are also required to choose their clubs pero iba na sakanila at hindi na kasali sa mga high school. Ngayon ay nakasakay ako sa sasakyan ni Riguel dahil nga pupunta raw kami sa bahay nila to discuss what are we going to do with Avie and Ryl. I'm really thankful that he's getting along with this kasi kung hindi sayang naman yung reward ko. hahaha. Pagkarating namin ay namangha ako sa disenyo ng mansion nila, it's ancient style at kitang-kita mo talaga na fan ang parents ni Riguel ng mga makalumang istilo. Yung mansion kasi namin ay modernized, kaya namamangha ako kasi ito ang unang beses na makakita ako ng ancient themed mansion. "Sit there. Anong gusto mo? Juice or Tea?" Tanong niya. Wala ba silang maids dito? "Just water." He nodded at me at umalis na. Napaupo ako sa couch nila at napatingin sa paligid. Paintings are everywhere and may bookshelf sa gilid. Lumapit ako roon at hindi ko maiwasang mamangha sa rami ng libro na nandito. May own library naman kami sa mansion pero nakakamangha lang makita na naka display ang mga ito sa isang ancient bookshelf. Napatingin ako sa frame na nasa cabinet na katabi ng shelf. Tumaas ang kilay ko dahil sa nakita ko. May isang frame na andun ang whole family nila, ang iba naman ay individual portrait ng family members. Pero may isang picture frame na nakapagkuha ng atensyon ko. Hindi ko mapigilang mapangiti, kahit ambata pa nila rito ay nasasabi ko agad na sila nga ito. It's Jizan and Riguel, na may kasamang isang babae na parang close na close nila. Hindi ko kilala ang babae pero masasabi kong maganda ito at hindi alintana ang pagkakaroon ng lahi, is she half Spanish? or german? Kulay abo kasi mata niya at naturally brown tingnan yung buhok. "Evie?" Agad akong napatingin kay Riguel na nakabihis na ng tshirt at shorts at naka tsinelas pambahay narin siya. Dala-dala niya ang tray na may lamang dalawang baso ng tubig at dalawang plato na may chocolate cake. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at inilapag naman ni Riguel ang tray sa coffee table. At dahil na siguro sa kuryusidad ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at tinanong ko ang tungkol sa nakita ko. "Sino yung babaeng kasama niyo sa picture?" I asked while eating my chocolate cake. Napatigil sa pagkain si Riguel at simpleng ngumiti. "Ahm, she's Catalina Marquez." Catalina Marquez? "May lahi ba siya?" I asked and he nodded. "Half Spanish." Oh, so tama akong may lahi nga siya. "Kaano-ano nyo siya ni Jizan?" I asked. "She's Jizan's ex-girlfriend, and my best friend." Saad niya. Pansin ko ang pag-iiba ng timpla sa mood ni Riguel kaya hindi nalang ako nagtanong pa, baka magalit pa siya sakin. Dahil halata namang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa babaeng yun, well I really don't care about her though, I am just curious. "So? Ano nang plano for Avie and Ryl?" Pag iiba ko ng topic. "Hmm, how about we set a date tomorrow for them? Pero ipa mukha nating barkada outing, syempre andun tayo, at si Jizan at Jax para hindi halata." Oh, that's genius. "Sige! Pwede, saan naman?" I asked. "Amusement park?" Napatango ako sa sinabi niya, right. "Deal. I'll tell her later." I said. "Alright, see you tomorrow then?" He aksed, at napatango naman ako. "8 am?" he suggested. "8 am." I finalize. After nun ay umuwi na ako, nakita ko naman si Soren na busy parin sa play station niya. Mommy is home while Dad is not around kaya kay Mommy nalang siguro ako magpapa-alam. Since, siya naman ang na susunod dito sa bahay. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa kwarto ni Avie at nakita ko naman siyang busy sa laptop niya. Napatingin siya saakin and smiled. "Guess what.." Panimula ko. "What?" "We are going out tomorrow, together with Ryl." Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya. "YESSS!!!!!! IS THIS REAL??!!" She aksed at napatango naman ako, patakbo siyang lumapit saakin at agad yumakap sakin ng mahigpit. "Thankyou, Evie!! You're the best!" Saad niya at humalik sa pisngi ko. Napaupo ako sa couch na nasa loob ng kwarto niya at tiningnan siyang nagmamadaling tumakbo papasok sa walk in closet niya. "Oh my gosh, what should I wear??!" Nagulat naman ako paglabas niya na dala-dala niya ng ang malalaking box na may laman na dresses, bumalik ulit siya sa loob at dala-dala ang mga sandals at mga designer bags niya. Bumalik ulit siya to bring out all her jewelries, kapag namimili siya ng damit ay dapat lagi akong nandito dahil minsan masyadong exaggerated ang mga damit niya for a current event kaya dapat lagi akong nandito para sabihin sakanya kung ano dapat ang suotin. Mahigit isang oras na akong nakaupo dito ang mahigit isang oras naring namimili ng damit si Avie, napakakalat na ng kwarto niya at halos hindi na mahitsura. Grabe naman tong babaeng to. After 3 hours of choosing ay napag desisyunan namin na ang suotin niya ay ang off-shoulder, baby pink flowy dress, and her baby pink stiletto, and her baby pink louis vuitton handbag. She looks already perfect with her dress, at dinagdagan niya pa ng pearl earrings and pearl necklace, para na siyang dalaga kung tingnan. And there I realized na first time naming gumala na kami lang, at kasama ang mga kaibigan namin. I can't look like a rag there. Bumalik na ako sa kwarto ko after helping Avie to decide what to wear. Pumasok ako sa sarili kong walk in closet at nadismaya ako ng makita kong halos lahat ng damit ko ay walang ka kulay-kulay. They are all, black, white, and gray. Binuksan ko ang cabinet na naglalaman ng mga boxes na nireregalo sakin na hindi ko naman ginagamit. Binuksan ko yon isa-isa at hindi ako makapaniwala na marami pala akong dresses pero hindi ko naman binibigyan ng pansin. And also some sandals, marami na akong pieces of jewelry at handbags, dahil ganun naman Lagi Regalo ni Ate Mary or Tita Savienna saamin. After spending hours inside my walk in closet ay napag desisyunan kong suotin ay ang floral dress na naka spaghetti strap, and white sandals na konti lang ang heels dahil matangkad naman ako. And, decided to choose my white handbag and to wear a silver necklace. This doesn't look bad though. Habang nakatingin sa sarili ko sa salamin ay hindi ko maiwasang i-kumpara ang sarili ko kay Avie. She is very feminine. Maybe it's time for me to act like a lady now, hindi na ako bata and maybe I should start. wearing some decent clothes. Para hindi na ako mahirapan ng ganito. After choosing clothes ay bumaba na ako sa kitchen para magpa-alam. Nakita ko naman si Mom na busy sa pag luluto. "Mom" I called. Napatingin naman siya saakin and smiled. "Yes, baby?" "Uhm, I and Avie are going out with the Traspe's and Zoldyck's. Pwede ba?" I asked her. She let go of the spatula she is holding. "I will allow you to go out, but be home before 7 pm. And make sure the tracking devices are on you and don't forget to update us on your whereabouts." Napatango ako sa sinabi ni Mom at napangiti. She's the best.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD