C1

690 Words
"Rigo? Let's visit the hall. Balita ko may pa-throw party ang mayor ngayon, dahil kaarawan ng isa sa mga prinsesa niya." Napatingin ako kay Jax dahil sa sinabi niya. Birthday? Prinsesa ng mayor? I shrugged dahil sa sinabi ni Jax. "You know me Jax, I don't do formal occasions." Simple kong saad at tinuod ang atensyon ko sa video game na nilalaro ko. "Kaya nga tinanong kita e, hindi naman yun formal occasion. Party siya as in, similar to clubbing." Sabi naman niya. Clubbing. Hindi ko nalang siya pinansin. "Oh? Ayaw mo? Tandaan mo Riguel Traspe may atraso kapa sakin." Napairap nalang ako sa hangin dahil sa sinabi niya. He is bringing up that again, kasi kung hindi dahil sakanya ay mahuhuli ako ni Mommy na nag clubbing sa madaling araw. Mabuti nalang at sinabi niyang nag sleep over ako sakanila. "Fine. Fine. But don't call me Riguel, you dumbass!" Napatayo ako at binagsak ang controller sa coffee table na nasa harap ko. "Yes! Wear something good!" Sigaw niya at lumabas na sa bahay namin. Pagkatapos kong maghanda ay agad akong naglakad patungo sa garage ng bahay namin, at nagulat naman ako ng makita ko si Jax na nakatayo narin doon at nakangiti saakin. Kapal ng mukha neto, sakin pa talaga siya sasabay? Napasinghal nalang ako at pinatunog ang kotse ko. Nang maka pasok kami sa loob ay agad niyang in-on ang radio sa kotse ko. "The whole basketball team is going to this party." Sabi niya habang nagmamaneho ako. "Why? They are not that into clubs." Sabi ko. "Kahit ako hindi ko 'to palalampasin no, ang ganda raw ng dalawang anak ng mayor, gusto ko silang makilala." Nakangising sabi ni Jax, napailing-iling nalang ako dahil sa sinabi ni Jax. "Alam mo ikaw, ang sayang ng lahi mo kung hindi mo pakikinabangan. Try to mingle my friend." Sabi niya at pinakita ang nakakaloko niyang ngiti saakin. "I swear kapag nakita mo siguro ang mga anak ng mayor baka magustuhan mo rin sila." Nakangiti niyang sabi. Wala nalang akong magawa kundi ang tumango sakanya, tsaka as if naman magkakagusto ako sa isang babae ng ganun lang kadali. Nang makarating kami sa hall ay namangha ako sa ingay ng paligid. This is the first time na ganito kaingay ang hall, at maraming taong labas pasok sa loob. May iilan rin akong nakita na galing sa school namin. Ganito ba ka sikat ang party na 'to? Well, obviously anak ng mayor ang nagc-celebrate eh. Mayor Santillana has been running this city since I moved here. Tsaka balita ko na simula nung siya na ang nagpapalakad dito ay naging masagana na ang bayan at mas naging ligtas na. Nang maka pasok kami sa hall ay kitang-kita ko kung gaano ka hype ang area. Kaya napangiti ako, this is nice. It's time to get hype up! Agad akong nag punta sa drinking section at kumuha ng mga hard drinks. "Look what we got here! Rigo Traspe?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita at ngumiti lang ako sakanila. "Hindi ko akalain na. makikita kita rito!" Sino ba 'to? I am not familiar with this girl. "Oh, I am Brianna Salvez." Oh, Brianna the student council president. "Mind if I sit beside you?" "Nah, I don't." Ngumiti siya sa sagot ko at agad umupo sa tabi ko. She talked a lot at wala naman akong magawa kundi ang makinig nalang sakanya. Brianna is pretty I can say, but I don't like her that much dahil pinalalakad niya ang council in a very wrong way. Nahinto lang siya sa pag sasalita ng biglang lumabas ang Mayor sa harapan. Agad natahimik ang lahat, kahit ako ay natahimik rin. Saint Santillana is a very intimidating person. "Good evening folks, thank you for attending this party for my Princess." Panimula niya. "Let me introduce to you my two daughters, Evie and Avie Santillana." Napatingin ako sa entrance ng hall at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. The way she walks, her bored eyes, her hair, everything is beautiful to her. At sa hindi malamang dahilan ay agad akong kinabahan. Uh-oh, This is bad. Evie..I will remember that name until this night ends.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD