I'm done buying gifts for Jizan and Riguel at ganun rin sina Mom and Dad. Kahit si Avie ay bumili narin, except for Soren dahil hindi naman nya close sina Riguel at Jizan.
Gamit namin ang private airplane ng pamilya nila Riguel. And according to them, 45 minutes lang ang traveling from Antique to Cavite. Pwede naman raw na mag-sasakyan pero baka matagalan kami.
Nang makita ko si Riguel ay ngumiti ako sakanya.
"Happy Birthday." Bati ko, he smiled at me too.
"Thanks. Any gifts?" Nakangisi niyang tanong.
"Gifts agad? Mamaya ko na ibibigay." I said, tumango siya saakin at agad namang lunapit saamin ang pamilya nila. Pati sina Tito Manzo.
Dad and Mom greeted Mr. and Mrs. Traspe. Nakita ko rin si Jurielle na nakikipag-usap kay Soren at iba pang kaibigan nito.
Jurielle is the only girl na ina-dopt ni Tito Manzo, maybe siya ang i-e-engage? But, underage pa siya, so hindi siya impossible naman yun.
"Good morning Evie and Avie, this is my other sons, Ruel and Rahul." Sabi ni Mr. Traspe habang tinuturo isa-isa ang dalawa niya pang anak.
Actually I already saw them nung Lacsamana Anniversary, pero hindi ko pa sila kilala. Ruel is parang kaedad lang ni Soren, habang si Rahul ay bata pa, sa palagay ko ay 9 years old pa 'to.
"Rah, Rue, come here." Napalingon naman ako kay Ryl ng tinawag niya ang kapatid niya, sumunod naman ito kay Ryl.
When we entered inside the private airplane ay nag-uusap-usap lang ang mga nakakatanda tungkol sa business sa underworld. They even mentioned Tito Ignatius and Tita Savienna, sadly hindi sila makakapunta dahil sa gulo na nangyari sa OS.
Katabi ko si Avie sa upuan namin. Syempre pipiliin niya yung malapit sa bintana pero hindi naman ako umangal. Nasa first class kami ng airplane kaya komportable kaming nakakaupo.
They even have a TV infornt kaya hindi ako mab-bored. Dahil sinabi ni Riguel na maliligo bukas sa beach ay naghanda na talaga kami ni Avie ng swim wear na susuotin.
I think mag o-orange two piece siya habang ako naman ay mag o-one piece na backless at kulay itim.
I turned my phone to airplane mode at nag-connect sa wifi ng eroplano.
"Sis, I've heard a lot about this social networking app called i********:. What if subukan natin?" Narinig kong tanong ni Avie.
I looked at her phone, at nakita kong pinakita niya saakin ang isang kulay gradient na app na parang instax.
"Yeah, sure."
We downloaded the app at gumawa ng accounts. Mom and Dad were using instaface noon, I don't know pero luma nayun na app e. At i********: na ang uso ngayon.
"Hey guys! Follow us on i********:!" Sigaw ni Avie at agad naman nag-approve ang lahat.
Hindi ako sigurado sa ip-profile ko kaya yung stolen shot nalang na nagbabasa ako ng libro ang si-net ko. That was taken by Soren sa library sa mansion namin.
I followed Avie's account at nagulat ako ng nagkaroon agad siya ng 700+ followers. Pero napakibit balikat nalang ako.
Lilipat na sana ako ng iTunes pero nagulat ako sa nakita kong notification.
"avionna.s, _jizan, & rigotraspe just followed you!"
I followed them back at nag palit na ng app. Pero laking gulat ko ng biglang nag dm si Riguel saakin.
rigotraspe: Bakit nyo naisipan gumawa ng ig?
eveanna.k: Avie & I wanted to try.
I stalked Riguel's account at doon ko nakita na kilala talaga si Riguel sa bayan na to. He has almost 400k followers! While mine is just in 800+.
Sabagay bago pa naman. Pero hindi parin ako makapaniwala na ang daming nakakakilala kay Riguel at tanging finollow niya ay si Jizan, Ryl, Avie, Jurielle, Jax, Me, and Catalina?!
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang account ni Catalina. Her username is (@mcatalina) I checked her account and I was shocked.
She is very pretty, hindi alintana ang dugong banyaga sakanya. Napakaganda niya! At ngayon ko lang nalaman na model pala siya. She has a lot of fans, and her account is even verified!
She has around 3.4M followers kaya masasabi ko talagang sikat siya. Woah. I never thought nagka-ex nang ganito kaganda si Jizan. Pero bakit siya pumatol kay Kylie? Weird naman. Sabagay, hindi naman talaga nababase sa looks when it comes to love.
Buong magdamag ay nags-stalk lang ako kay Catalina. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya finollow ko na siya. And I was shocked ng agad siyang nag followback saakin. Kilala niya ba ako?
Nakita ko rin sa following niya na finollow niya si Avie, and the other people na may i********: inside this plane. This really amazes me.
"Look Evie, the Spain's supermodel just followed me." Nakangiting sabi ni Avie habang pinapakita saakin ang profile ni Catalina.
"Akin rin." I said at pinakita rin sakanya.
"Kilala niya ba tayo?" Avie asked.
"I don't have an idea." I said.
Nang umabot ako sa pinaka dulo ng posts ni Catalina ay nagulat ako sa nakita ko. May tatlong pictures na silang dalawa ni Jizan ang nakapost.
That was posted 4 years ago. At doon ko lang nakita si Jizan na ngumiti ng ganun kalapad, at kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha niya.
The caption says: The best thing that happened to me ♡.
So naging sila nga talaga ni Jizan ha. Akala ko joke lang yun ni Riguel, totoo pala.
I decided to stalk Jizan's account pero dalawang post lang ang naroon. Ang isang picture ay yung wallpaper niya at ang isa naman ay picture ng langit.
But in fairness ang raming followers ni Jizan kahit konti lang ang post. He has 600k+ e.
Bumalik ako sa dm namin ni Riguel.
rigotraspe: that's nice to hear. but do you know how social media works?
eveanna.k: how?
rigotraspe: aside from communication, it is to flex the things that you cannot flex in person. :›
Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa cute na emoji na nakalagay sa dulo ng message niya. Ang cute!
eveanna.k: really? were you flexing here some things?
rigotraspe: check my latest post.
Agad kong sinunod ang sinabi niya at tiningnan ang latest post niya, halos tumigil ang paghinga ko dahil sa nakita kong post niya.
Ako yun. Sa ferris-wheel, I was holding my phone while capturing the scenes outside the ferris-wheel, hindi alam na kinunan niya pala ako ng litrato nun.
I've read the caption at mas lalo akong nagulat.
"the best view I've ever had."
I was tagged in that photo, at nanginginig ang kamay kong nag-heart sa picture. This is so, shocking.
I saw some comments like asking if I am his girlfriend.
At agad kong naalala ang message niya kanina.
'aside from communication, it is to flex the things that you can't flex in person.'
He is flexing me? Is that how social media works?