Chapter Three
Isang araw. Hindi ko akalain na naka isang araw na ako dito sa mansiyon ng demonyong lalaking iyon. At isang araw na rin ang nakalipas ng ideklara nitong maging alipin niya ako. Pero sa isang araw na iyon, dito pa rin ako sa silid niya nakakulong. Nilock pa niya ang pinto mula sa labas at nang i-try kong tumakas sa bintana, nakita ko ang napakaraming Men in Black sa baba! Natutulog pa ba sila? Tsk.
Pero hindi iyon ang malaking problema ko.
Wala na nga akong posas sa mga paa, pero gutom na gutom na ako! At hindi ako makalabas manlang para kumain. Mag-aalasais na ng gabi, pero wala manlang ni tubig na dinala dito sa akin mula pa kaninang umaga. Ang huli kong kain ay ‘yung hapunan pa kagabi. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling kong kain, ‘di sana kumain na ako ng pang isang araw.
Sa ganito ba niya ako papasukuin? Ganito ba niya ako aalipinin? Pwes! Hindi ko siya susukuan! Makikita niya, mananalo pa rin ako.
Ate Lori.
Hinang hina akong napa-upo sa malaking kama niya pagkatapos mapagod sa kakalakad parito at paroon kanina pa. Halos mapudpod na rin ang kuko sa daliri sa kakakagat. Gutom na talaga ako! Letse talagang Zeus Ivan ‘yun. Napakasama! Gwapo sana eh, kung hindi lang demonyo ang ugali.
"Is he still alive?" nagitla ako mula sa pagkaka-upo ng marinig ko ang pamilyar na boses niya sa labas ng kwarto kung nasaan ako.
Napatayo ako bigla, pinaghandaan ang pagpasok niya. I don’t want him to see me at a poor state. I need to face him with all confidence, ng sa ganoon, makita niya na diterminado ako.
"Hindi namin alam, Sir. Tahimik lang diyan sa loob kanina pa at sinunod naman po kasi namin ang utos niyo na huwag siyang pasukin o dalhan ng pagkain." anang boses ng isang babae. Kasambahay niya marahil.
"Good. Now, leave." wala manlang bakas ng bait ang boses nito, napaka bossy.
The door clicked hudyat na papasok na siya kung kaya napa-upo ulit ako. Nagdekwatro ako and even crossed my arms para ipakitang matibay pa rin ako. Sinalubong ko ang seryoso niyang titig ng isang matalim na tingin.
"Wow. You are still alive. Good job slave." he said smirking.
Lintek! Bakit medyo natuwa ako ng kaunti ng sinabi niyang "good job"? Feeling ko isa akong aso na nasuhulan matapos mapagtagumpayan ang isang trick. Marahas kong ini-iling ang sariling ulo sa isiping iyon.
"Hoy! Gutom na ako!" inis kong sigaw dito.
Bahagya siyang nagulat at pagkatapos ay yumuko bigla. Nakita ko ang paggalaw ng mga balikat nito na kina nuot ng aking noo, at maya maya pa ay humalakhak nga ito.
Wow.
I was amazed on how handsome his laugh is. I even saw a little dimple on his right cheek. Oh my god, Zeus Ivan.
"Fuck." ani niya.
He licked his lower lip and run his fingers on his silky hair. Niluwagan niya ang necktie na suot and with a still amused face he started stripping in front of me.
"J-jesus." mahina kong usal at huli ko na naramdaman ang hiya!
Napatakip ako ng mukha at naramdaman kong uminit ang magkabila kong pisngi. I…I just saw it. He is…He is so h-huge! Ate patawarin mo ang kapatid mo. Gabayan mo ako please, nakakabakla ang nilalang sa harapan ko!
"Aryt. I'll just take a quick shower first. O baka naman..." narinig ko ang yabag ng mga paa niya papalapit sa akin kung kaya kinabahan ako bigla. "gusto mong sumama sa’kin slave, hm?" bulong niya sa tenga ko na nakapagpatindig ng aking mga balahibo.
"L-lumayo ka sa’kin!" sigaw ko at sinubukan siyang sipain kaso nakalayo siya kaagad.
In between my fingers, sinubukan kong aninagin siya. Pumasok na siya sa CR pero narinig ko pa rin ang mahina niyang tawa. Napahawak ako sa dibdib ko. I am in danger here. That guy is freaking dangerous. Damn it.
Napagdesisyunan kong magtago na lang sa ilalim ng kumot niya hanggang sa matapos siyang maligo. I didn't even dare to sneak a peek again dahil baka mas maging delikado ang lagay ko.
"Juno, bring my files here at sabihin mo sa mga maid to bring our dinner in our room." narinig kong ani niya. Sa intercom marahil.
Our. Napangiti ako ng bahagya. Our daw teh - teka mali!! ‘Wag kang bumigay sa kalaban Laurel mali ‘yan, mali! Habang nakikipagtalo ako sa aking isipan ay siya naming dinig ko ng pagkatok sa pintuan ng kwarto.
"Sir Zeus." ani ng boses sa labas na malamang ay si Juno.
I heared the door open at tila may tunog ng isang cart na ipinasok at ng maamoy ko ang mabangong amoy ng pagkain ay sobrang kumalam ang aking sikmura. Naawa tuloy ako sa sarili ko. See? Siya ang dahilan kung bakit gutom na gutom ka Laurel. Isang beses sa isang araw ka lang nakakain. Muli kong turan sa aking isipan.
"Eat." I froze ng marinig ko ang ma awtoridad niyang boses.
Unti-unti kong inalis ang nakaharang na kumot sa aking mukha para umupo at namangha ng makita siya. He is sexily seating sa sofa sa aking harapan habang may binabasa na mga papeles at may suot na glasses sa mata. Naka roba lang siya — exposing his muscled chest and on his one hand ay may naka-ipit na sigarilyo. Sa harap ay may mga pagkain na nakahain — nakalagay sa isang cart. Kinuha niya ang isang whine glass na may lamang red whine at tumingin sa pwesto ko bago iyon sinimsim.
My body trembled at the way he stare at me. Malalim at mariin. Natinag lang ako noong sumenyas siyang lumapit sa kaniya. Dahil sa gutom, mabilis na rin akong lumapit doon. Uupo na rin sana ako sa sofa nang sinamaan niya ako ng tingin.
"W-what?! Don't tell me gusto mong nakatayo lang ako habang kumakain?!" inis kong sigaw dito.
"Ofcourse darling, you are the slave." taas ang isang kilay niyang ani with that small smirk on his lips.
Urgh!
"Fine! "dabog ko. Choosy pa ba ako? Atleast kakain.
Nagtaka lang din ako dahil whine lang ang tinitira niya. Oh well, paki ko ba, baka diet ang lolo niyo. Ch.
Lumipas ang magdamag — tapos na rin akong kumain at lahat lahat. Ako lang ang gumalaw nang pagkain at busy pa rin ang lolo niyo. Bumalik na lang ako sa kama pagkatapos at binabantayan ang bawat galaw niya. Malay niyo may makita akong flaws sa kaniya, diba? Like mangulangot siya bigla or mapabahing tapos ang pangit niya pala pag ganoon. Information pa rin ‘yun at kapag nakalaya ako dito ipagkakalat ko. I secretly laughed at myself.
Mag hahatinggabi na ng nakita kong ilapag niya ang mga hawak. Tinanggal niya ang suot na glasses at bumuntong hininga. He looks so worn out pero gwapo pa rin. Ang dim na ilaw na nanggagaling sa lamp shade nang kwarto ay rumerepleka sa perpekto niyang mukha. Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya.
"Antok ka na?" nanlaki ang sarili kong mga mata at umiwas nang tingin dahil sa sinabi ko. s**t.
I heard him chuckle at napasiksik ako sa gilid nang kama ng makita ko siyang tumayo at naglakad patungo sa kama.
"I don't sleep here at my room at night without having s*x, but I got loads of work today that I am too tired." ani niya.
Oo nga pala. Kagabi ay ako lang natulog dito sa kwarto at hindi ko alam kung saan siya natulog. Kung iisipin kong mabuti ay baka naghotel siya at nakipagsex at doon na nakatulog. Kung ganoon kapag natutulog siya noon dito sa kwarto niya ay nakikipagsex muna siya? What the…
Kinabahan ako bigla. Lalo na noong humiga na siya at bigla na lang niya akong hinila dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.
"Sleep with me slave." seryoso niyang ani na nakapagpahinto ng mundo ko.