NAKATULALA siya habang nakatitig sa kisame ng kwarto ni Duke. Hindi niya alam kung anong oras na, basta ang nakatatak sa utak niya ngayon ay ang nangyari kanina lang sa pagitan nilang dalawa ni Duke. Muli pumayag siya sa gusto nitong mangyari sa kanilang dalawa. "Don't worry mi amor, because the feeling is mutual"muling bulong nito sa kanya bago siya nito muling halikan sa kanyang mga labi. Naubos na yata ang lahat ng lakas niya sa katawan sa pagtulak dito kanina kaya nawalan siya ng pagkakataon na muling itulak ang binata para tigilan ang paghalik nito sa kanya. Napaungol pa nga siya ng bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg, maging ang paglilikot ng kamay nito sa kanyang katawan. Napasinghap siya ng sapilitang tanggalin ni Duke ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. "Sagabal