CHAPTER TWENTY-EIGHT

1687 Words

Ezekiel’s pov SA HALIP na umuwi siya sa bahay ng kanyang mga magulang ay sa bahay na tinutuluyan siya ni Alani umuwi. Napatingin siya sa kanyang pambisig na orasan. Alas otso na ng gabi. Mabuti na lang at nakabili siya kanina ng bulaklak nang mas maaga, kung nagkataon ay wala na siyang mabibilhan. Sa dami nang kanyang mga ginagawa ay hindi na siya magkandaugaga. Patay na ang ilaw sa sala nang dumating siya tanda na tulog na si Alani. Maingat na pinasok niya sa garahe ang kanyang sasakyan. Hindi na siya nagtext kay Alani na uuwi siya ngayon. Hindi na siya nagtagal sa baba at kaagad siyang pumasok sa master bedroom kung saan ito natutulog. Hindi na siya nagbukas pa ng ilaw at baka magising si Alani. Inilagay niya sa side table ang bulaklak na kanyang dala at kaagad na nag-shower. Nagulat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD