CHAPTER ELEVEN

1491 Words

Alani’s pov SA LABIS NA pag-iyak ay nakatulog siya. Nakalimutan niyang nasa bahay pala si Ezekiel. Masyado niyang dinamdam ang mga sinabi ni Hunter sa kanya kanina kung kaya wala na siyang ginawa kundi ang mag-mukmok hanggang sa nakatulog. Pagbaba niya ay nakita niyang nakahiga si Ezekiel sa sofa. Tulog na tulog ito. Napatingin siya sa orasan. Alas-siyete na pala ng gabi. Napansin niya ang alak sa mesa. Mukhang naglasing itong mag-isa. Lumapit siya kay Ezekiel at tumabi sa sofa. Humiga siya sa tabi nito. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa. Isa lang ang alam niya. Kailangan niya ngayon ang yakap ng lalaki. Sumiksik siya sa katawan ni Ezekiel. Tila siya batang naghahanap ng kakampi. Napatitig siya sa mukha nito. Tulog na tulog pa rin ito. Bakit ang gaan ng pakiramdam niya ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD