NAPA-ANGAT siya ng tingin nang marinig niyang tumawa si King. Napakurap-kurap siya sapagkat ito ang unang beses na marinig niya ang tawa nito.
"You're so cute, Mary," mamaya ay komento nito.
Tumaas naman ang kilay niya sa naging papuri ng lalaki. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano dahil hindi niya rin mabatid kung inaasar siya ng lalaki o seryoso ito sa mga sinasabi.
"By the way, let's go to cafeteria, alam kong gutom ka na kaya't halika ka na muna, ihahabilin ko na lang si Kian sa nurse."
"Ahmm..." alinlangang tugon niya at tumingin kay Kian na nakahiga ngayon sa hospital bed nito.
"It's okay, sandali lang naman tayo," dagdag ni King ng mapansin nitong natahimik siya.
Huminga siya ng malalim at tumango, inakay siya ng lalaki palabas sa pribadong silid habang nasa hallway sila ng ospital ay napansin niyang tila wala sa sarili si King habang lumalakad. Hindi niya ito masisi dahil ang pinakamamahal nitong anak ay nandun nakaratay sa hospital bed. Kahit siya man ay nasasaktan makita ang sitwasyon ni Kian, ngunit hindi siya pwede magpakitang ng panghihina dahil pag ginawa niya iyon baka mas lalo lang mawawalan ng pag-asa ang lalaki. He needs a support right now, a shoulder to rely on. Nilakasan niya ang loob niya at inabot niya ang kamay ng lalaki kaya't napatigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. She smiled at him at pinisil niya ang kamay nito.
"Don't worry too much, magiging maayos din ang lahat."
Matagal siyang tinitigan ng lalaki at napabuntonghininga ito. "I'm sorry if pati ikaw ay nag-alala pa—"
"Stop. Diba sabi ko ayos lang, I love Kian and ikakasaya kong makatulong sa iyo para gumaling siya."
"How I wish, I was his mother na lang, hindi siguro aabot sa ganito..."
"Kumain nga lang muna tayo," biglang giit ng lalaki at hinigit siya papasok sa cafeteria.
***
NAPATIGIL si Mary sa pagsubo nang mapansin niyang panay sulyap ni King sa kanya. Naasiwa siya sa paraan ng pagtitig nito na animo'y ayaw nito mawala siya sa paningin nito.
"Aherm!" tikhim niya kaya't napakurap-kurap ang lalaki.
"Sorry naaliw lang akong panoorin ka kumain and the way your eyes moves..."
Umawag ang kanyang laba sa narinig. Heto na naman ang habit nitong ginugulat siya, hindi niya akalaing may tinatagong kapilyuhan din pala ang lalaki.
"Mukhang gulat na gulat ka, hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko?"
Napa-angat siya ng tingin. "Sort of."
Tumawa ito. "You are really cute, Mary. You never failed to amuse me."
Napangiti na lang din siya dahil kahit papaano ay naaliw niya ang lalaki at kahit papaano ay nakalimutan nito ang bigat na problema na kinakaharap nito.
"Do you want some tea?"
Napabalik siya sa kanyang katawang lupa ng marinig ang boses ng lalaki. Tumingin siya rito, hawak-hawak nito ang isang cup na hula niya ay may laman na tea.
Umiling-iling siya. "No, thanks."
"Why? You don't like drinking tea? Are you a coffee drinker?"
"Ahmm actually I do drink them both but hindi siya advisable para sa akin."
Kumunot ang noo nito. "My I know why?"
"Let's just say mababa ang tolerance ko sa kanila."
Tumango-tango ito. "I see, ako kasi talaga mahilig ako sa mga tea kahit si Kian ay gano'n din. Noong bata nga siya'y pinipilit ko siyang umiinom ng gatas at tinatago ko sa kanya ang tea sa bahay kasi iyon hinahanap niya."
Nagbaba siya ng tinig she can read happiness and sadness through his voice. "Gano'n ba? Baka nahawa sa iyo."
"Siguro nga, he been with me since my ex-wife and me got separate, batang-bata pa siya noon."
Minasdan niya ang lalaki, mas lalo niyang hinahangaan ito dahil nagawa nito ihandle ang mga pagsubok sa buhay, lalo na ang pagsabayin ang pagiging business man s***h dentist at pagiging ama kay Kian.
"T-that's why hindi ko talaga matanggap bakit sa anak ko pa? He doesn't deserve to suffer like this..."
Inabot niya ang kamay ni King mula sa ibabaw ng mesa. "May awa ang diyos, magiging maayos din si Kian, King. Kaya't huwag ka mawawalan ng pag-asa."
Nilagay ng lalaki ang isang kamay sa kamay niyang nakapatong sa kaliwang kamay nito.
"Hindi ko alam pero by just looking at your eyes, I can easily feel relieved and I can't stop myself believing at your words."
Bumuka ang labi niya para sumagot sa sinabi ng lalaki ng bigla na lamang tumunog ang cellphone nito kaya't na inalis nito ang kamay sa kamay niya. Kitang-kita niya ang pagsalubong ng kilay nito matapos nito basahin ang mensaheng na tanggap may hula na siyang hindi nito nagustuhan ang nabasa kaya't ng sabihan siya nito bumalik sila sa silid ni Kian ay walang imik na tumango siya.
PAGDATING nila sa labas ng pintuan ng kwarto ni Kian ay narinig niyang tila may kausap ang bata habang hindi maipinta naman ang mukha ni King na malalaki ang hakbang na pumasok sa silid.
"Oh, you here, honey. Hi, I'm sorry if—"
"Who told you to came here?" mahina pero kasing lamig ng yelo na tanong ni King sa babaeng naka tayo sa gilid ng kama.
She guesses, iyon ang ex-wife ni King ang Ina ni Kian. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin hanggang sa...
"Ms Mary, nandito ka po pala," masiglang sabi ni Kian.
Napatingin siya sa gawi ng bata at humakbang palapit rito. Parang gusto niyang mapaluha ng makita ang sitwasyon nito.
"Yes, sweetheart. Nandito pa rin ako, binabantayan kita."
Ngumiti ng matamis sa kanya si Kian na animo'y walang dinaramdaman na sakit. Suminghot siya dahil hindi niya talaga mapigilan maiiyak sa nasaksihan.
"Thank you po, Ms Mary."
Umupo siya sa gilid ng kama nito at marahan hinala ang bata at dinala sa kanyang dibdib para yakapin.
"You're welcome. Pagaling ka okay, namiss ka ni Cha-cha gusto na niyang makasabay ka sumayaw."
Ang tinutukoy niya ay ang character na ginamagamit niya na kinakagaliwan ng bata.
Nakita niyang kuminang ang mga mata nito. "Miss ko na rin po siyang makasabay sumayaw, Ms Mary."
Hinalikan niya nag noo ng bata. "Kung gano'n dapat maging good boy ka at magpagaling ka okay?"
Tumango-tango ito at sumaludo sa kanya. "Roger that, ma'am."
Ngumiti siya at lumingon sa gawi kung saan kanina si King at nang makita niyang wala na roon ang lalaki gano'n rin ang ex-wife nito ay parang may tumusok sa puso niya.
"Miss Mary..."
Napakurap-kurap siya at nagbaba ng tingin. "Yes, sweetheart?"
"Could you sing me a song?"
Ngumiti siya sa bata. "Sure, and by the way happy birthday, bukas ko na dadalhin ang regalo mo, okay?"
Ngumiti ito at yumakap sa kanya. "Sige po."
Ilang saglit pa ay inalalayan niya ang bata makahiga ng maayos sa hospital bed nito at tumabi siya rito habang kinakanta ang paborito nitong kanta na choco-choco.
***
TAMANG-TAMA pagdating ng Mama-tita ni King ay tulog na si Kian kaya't maingat siya umalis sa tabi nito. Nakita niyang may kakaibang kislap ng paghanga at kaligayahan ang mga mata ng Ginang. Bumuka ang labi niya para batiin ang Ginang nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si May na 'di kasama si King kaya nagtaka siya kaya't tumingin siya rito.
"Marahil hinahanap mo siya, umalis siya pupunta raw sa clinic niya. Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong sabi nito.
"Hmm sige sa labas tayo," nagtataka man suming-ayon na lang siya.
"Ikaw ba ang girlfriend ng asawa ko?" tanong nito agad pagkadating nila sa labas.
"Hindi, kaibigan ako ni Kian," sagot niya.
"Ang buti mo namang kaibigan," makahulugan sabi nito sa kanya.
Alam niya ang ibig sabihin ng mga tingin nito pero 'di niya na lang pinansin.
"Sobrang close kayo ng anak ko pero 'wag kang magkamaling agawin sa akin ang asawa ko, maganda ka naman eh makakahanap ka din ng sa iyo," may banta sa mga salita nito.
Tinignan niya ito. "'Di ko alam kung ano pinupunto mo pero para sabihin ko sa iyo hindi ko ugaling kumabit sa may asawa at lalong hindi ko ugaling sumama sa ibang lalaki at iwan na lang bigla ang mag-ama ko—ops, sorry l'm not you, so please excuse me."
"b***h!" rinig niyang sagot nito bago pa siya tumalikod at saka pumasok sa room ni Kian.
Napailing na lamang siya sa pinakitang kamalditahan ng babae, akala yata nito ay maapi-api siya nito. Doon ito nagkakamali dahil wala sa vocabulary niya ang pagiging mabait lalo na sa mga taong hindi naman deserving sa kabaitan niya.
"Tita uuwi muna po ako, balik na lang ako dito bukas," magalang na pamamalaam ko sa Mama-Tita ni King.
"Sandali iha, pabalik na naman si King pahatid ka na lang sa kanya," pigil nito sa kanya
Nahihiyang tumango na lang siya.
"Ano sinasabi ng ex-wife ni King sa iyo?" biglang tanong nito sa kanya.
"Po? Hindi naman po importante," tugon niya.
Tumango ito sabay sabing, "'Wag mo siyang pansinin, ewan ko diyan sa babaing 'yan aalis tapos biglang na naman babalik," may inis sa boses nito.
...
Binibining mary ✍️