Chapter 7

1329 Words
HANGA na talaga siya sa pagiging bibo ni Kian, dahil nakaka-aliw talaga ito kausap kaya't hanggang sa mga sandaling ito ay kausap niya pa rin ang bata. "Tita Mary, may alam po ba kayo tungkol sa lakad ni Daddy?" Napakurap-kurap siya sa tinanong bata at hindi niya alam kung paano ito sasagutin. "Sabi niya po kasi may pupuntahan siya bukas at hindi niya po ako pwede isama, nang tanungin ko kung saan ay iniba po niya ang usapan" dagdag pa ng bata. "Ahmm gano'n ba? Baka may date siya—" "Hindi po nakikipag-date ang Daddy ko,' mabilis na kontra ni Kian. "Paano mo nasabi?" nakataas kilay na tanong niya at nalimutan niyang isang bata ang kanyang kausap. "Basta po, hindi po mahilig sa girlfriends ang Daddy ko." Tumahimik na siya dahil wala na din naman siyang maisip na sabihin pa rito. "Eh ikaw po, Tita Mary?" "Anong ako, Kian?" "Nakikipagdate ka din po ba?" parang matandang tanong nito. Napangiwi siya. "Ahmm hindi," alinlangang sagot niya. "Bakit hindi po? May boyfriend ka na po ba, Tita Mary?" Kung nagulat siya kanina sa mga tanong ng bata ay mas nagulat siya sa ngayon. "Aba'y kay bata mo pa, may alam ka na agad sa mga ganiyan..." hindi niya maiwasang ikomento. Narinig niyang humikhik ang bata sa kabilang linya. "Narinig ko lang po sa mga kaklase ko kasi po ang mga tita ng mga ito ay may mga boyfriend na po." "Gano'n ba?" "Opo, so may boyfriend ka din po ba?" Huminga muna siya nang malalim bago sagutin ang bata. "Wala, Kian." "Bakit po wala?" "Kasi..." "Kasi hinihintay ko ang Daddy mo." Gusto niyang sabihin pero tinikom niya ang kanyang labi. "Kasi po?" "Huwag na lang natin pag usapan, Kian," sagot niya na lang. Mukha na intindihan naman ng bata dahil iniba nito ang usapan at na punta sila sa malapit na kaarawan nito. *** EXCITED na sinukat ni Mary ang binili niyang dress na kulay yellow at sandal. Mangha-mangha siya habang sinisipat ang sarili sa salamin maya-maya may nag door bell. Nagulat siya ng biglang na lang siyang niyakap ni King pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Umaalog ang mga balikat nito sa matinding emosyon nararamdaman, sinakmal tuloy siya ng takot. "Hey, what's wrong?" nag-alalang tanong niya. Ilang sandali muna ang dumaan bago nito nagawang kontrolin ang sarili. Kumalas ito sa kanya namumula ang mga mata nito, nag alala tintigan niya ito. "Dumating ang resulta ng biospy ni Kian, Mary. Hindi na kasi ako mapalagay, kaya pinilit kong alamin ngayon araw habang si Mama inaayos sana ang handa para sa birthday ni Kian," panimula nito. "Ano ba ang resulta?" kinakabahang tanong niya. May ideya na siya sa utak niya pero gusto niyang makumperma ito. Tumingin ito sa kanya bago ng salita "Gaya ng kinakatakutan ko.... it's positive," sagot nito na halos hindi lumalabas ang tinig sa lalamunan. "May acute lymphocytic leukemia nga si Kian." 'Di makasalita niyakap ni Mary ang lalaki sabay silang pumunta sa bahay ng Mamatita ni King ng gabing 'yon habang nasa bayahe pinakalma niya na lang ang lalaki. Nang dumating sila imbes na party ang madadatnan nila isang nagkakagulong pamilya ang nadatnan nila mabilis na bumaba si King sa kotse nito at nilapitan ang kapatid na nakatayo sa gilid ng gate hawak ang cellphone nito tila may kinakausap ito. "Hello Ma, andito na si Kuya, oo sasabihin ko.... sige......ma.... ano? Okay po.........kami na bahala rito.... sige.... bye." Nang maibaba na nito ang cellphone at saka lang ito lumapit sa kapatid. "Kuya, sinugod kanina si Kian sa hospital dahil nahimatay ito habang nakikipagbiruan sa kaibigan," sumbong ni Lord sa kapatid. "Ano? Saang hospital dinala ang anak ko?" nanlalamig na tanong ni King sa kapatid. "Sa Saint Gabriel kuya ito ang room number, nandon din si Mama," paliwanang ni Lord. Mabilis na sumakay ulit si King sa kotse sumunod naman siya. *** HINAPLOS ni Mary ang maputlang pisngi ni Kian. Gabi na noon at nasa hospital na sila. Kakatapos lang ito sumailalim sa unang chemotherapy treatment nito. Iyon ang pangunang lunas na sinasabi ng doktor habang wala pang nakukunang ka-match na bone marrow para sa stem cell transplant nito iyon lang daw ang pinakaepektibong treatment para mas tumataas ang chance na gumaling ang sakit nito. Tulog si Kian nagdumating sila kahapon, ang Lola nito ang nagbabantay na mabilis tumakbo ng makita ang anak na si King at niyakap. "King anak, kawawa naman ang apo ko," maluha-luhang sabi nito. "Tahan na, 'Ma, gagaling si Kian, malakas yang anak ko," panpalakas nito sa loob ng Ginang. Nalipat naman ang tingin nito sa kanya, nahihiyang napayuko naman siya, hindi ito ang unang pagkakataon nameet niya ang ina nito. Wala pa din ito pinagbago mas lalo lang ito gumaganda, idol niya ito noong highschool pa lamang siya, dahil napakasupportive nito sa mga anak. "Magandang gabi po Ma'am," nahihiyang bati niya sa Ginang. "Magandang gabi din iha, sino itong magandang babae kasama mo anak, girlfriend mo?" baling nito sa anak. Namumula naman siyang at yumoko. "Sana nga po girlfriend ako nitong anak mo," pilyang bulong ng maharot na isip niya. "No, 'Ma. She's Kian friend, kapitbahay namin siya sa Fantasy condominium," sagot nito sa ina. Tumango na lang ang Ginang habang siya ay lihim na nasaktan sa sinabi ng lalaki sapagkat mukha hindi siya talaga nito naalala. *** NAGISING si Mary nang maramdaman niyang tila ba may tumatapik ng marahan sa kanyang pisngi. Minulat niya ng dahan-dahan ang kanyang mga mata at nang sumalubong sa kanya ang mukha ng lalaking pinapangarap niya ay hindi niya napigilan ang sariling magtaas ng kamay para abutin ang pisngi nito. "Hey, I'm sorry to made you stay here—" Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtanto niyang hindi siya nananginip kundi totoo ang kanyang nakikita. Kinusot-kusot muna niya ang kanyang mga mata at nilibot ang paningin sa paligid. Nasa isang private room siya ng isang sikat na ospital. "Are you okay? I'm sorry if ngayon lang ako. I got so busy with my clinic and the office—" Naputol ang pag papaliwanang ng lalaki nang dinala niya ang kanyang daliri sa mga labi nito. Nag tama ang kanilang mga mata, she can feel pain, sadness at isa pang emosyun na hindi niya mapangalan sa mga mata nito. "Hindi mo kailangan humingi ng tawad at magpaliwanang. I understand, masaya nga ako't nakakatulong ako sa inyong mag-ama." Ngitian niya ang lalaking hinawakan ang kamay niyang nasa labi nito at hinalikan iyon. Mapungay ang mga matang napatitig siya sa lalaki dahil sa ginawa nito. Parang mamaiihi siya sa kabog ng kanyang dibdib nang dumampi muli ang mainit na labi ng lalaki sa kanyang kamay. "Thank you for being here, thank you for being understanding and thank you for everything, Kian is lucky to meet a friend like you." Parang gusto niyang umiiyak sa sinabi ng lalaki para pigilan ang sarili ay tumingala siya at marahang natawa sabay bawi sa kamay mula sa lalaki. "Ano ka ba, wala iyon. Sino pa ba magtutulungan kundi tayo-tayo din." Pagod na ngumiti ang lalaki. "Yeah, ahmmm kumain ka na ba?" Napakurap-kurap siya sa tanong nito hindi niya lang kasi inaasahan na bigla itong magtatanong ng gano'n sa kanya. "By the way, I like the smell of your hands and it's feels so soft..." Napa-awang ang labi niya sa gulat ng bigla na lamang iyon sinabi ng lalaki. Habit ata nitong gulatin siya at pabilisin ang t***k ng puso niya. "And you know what, I also like the way you smile." Ngumiti pa ito sa kanya habang siya ay pinigilan ang sariling mapa lumasay sa kilig at galak. "T-talaga?" nauutal na tanong niya. Nagkamot ito ng batok at tumango. "Yes..." "You're unbelievable," na ibulalas niya. Napatitig sa kanya ang lalaki akala niya magagalit ito sa sinabi niya pero wala siya nababasang galit sa mga mata nito kundi pagka-aliw. Hindi niya akalaing maririnig niya ang mga iyon sa lalaki at higit na hindi siya makapaniwalang palihim pala siya nito pinag-aaralan. ... Binibining Mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD