EWAN ba ni Mary pero hanggang ngayon 'di siya makapaniwala sa mga nalaman tungkol sa mag-amang King at Kian, lalo na sa dating asawa ng lalaki sa isipang iyon ay hindi niya maiwasang magbalik tanaw
"Ano po ang dahilan ba't ng hiwalay silang, mag-asawa, Tita? Ahmm kung 'di niyo pweding sabihin okay lang po sa akin," bawi niya pero sa totoo lang gustong-gusto niyang malaman.
Matagal na tumahimik ang Ginang at saka huminga ng malalim at nagsalita.
"Alam mo iha gusto ko sanang sabihin sa iyo pero renirespito ko ang anak ko na 'yon kaya pasensyahan muna ha, gusto ko sanang sabihin pero 'di pwede," paliwanang nito.
"Naiintindihan ko po kayo," alo niya sa Ginang.
"Salamat ang swerte ng anak ko dahil naging kapitbahay ka niya at naging kaibigan pa," masayang sabi nito sa kanya.
"Ah, hehehe, 'di naman po masyado. Ako nga po swerte kasi nakilala ko 'yang mag-ama."
"Matagal ko hinihintay 'yang anak mo, ewan pero after all this year's l still love him," gusto niyang idagdag pero tinikom niya na lang ang bibig baka magtaka ito.
Nakangiting pinagmasdan siya nito saka ng salita.
"Ang ganda mong bata at sobrang mabait, maalaga ka pa swerte siguro ng nobyo mo sa iyo," sabi nito pag matapos siya nito suriin.
Nahihiya namang sumagot naman siya. "Salamat po, wala po akong boyfriend."
"Ahh gano'n ba? Pero alam mo, iha noong pinakilala ka sa akin ng anak ko akala ko girlfriend ka niya," dagdag pa nito.
"Ahmm gano'n po ba, pero hindi po kami," nakangiting tugon niya.
"l wish nga girlfriend niya ako! Aba! Ang harot mo self!"
"Sayang nga eh!" mahinang sabi ng Ginang
"Po?" tanong niya.
"Ah, wala ay teka ng text na ang anak ko, lumabas ka na raw at hintayin mo siya sa harap ng hospital," anunsyo ng Ginang.
"Ahh, gano'n po ba sige po una na po ako Tita," pamamaalam niya sabay tayo at lumapit kay Kian ay humalik sa noo ng bata na mahimbing na natutulog na parang wala lang nangyari kaninang tanghalian sumuka kasi ito at hinang-hina sobra ang kaba at pag alala nararamdaman niya kanina habang inaalo ito ng ama. Binuksan na niya ang pinto at kumaway sa Ginang.
***
SA LABAS ng ospital tahimik na naghihintay si Mary sa pagdating ng binata, malalim ang iniisip niya ng biglang may bumusina na kotse sa harap niya. Pagka-angat niya ng tingin sakto naman bumaba si King galing sa kotse nito, pakiramdam niya parang ng slow motion ang oras at galaw nito, tulalang pinanood niya ito.
"Ang gwapo," wala sa sariling na usal ni Mary
Nagising diwa niya ng may tumapik sa balikat niya.
"Mary! Mary!" tawag nito sa atensyon ng dalagang nakatulalang nakatingin sa kanya medyo may maliit na patak ng tubig sa gilid ng labi nito.
"Ay, my loves!" gulat na sigaw nito.
Naaliw na pinagmasdan ni King si Mary na namumulang nakatingin sa kanya.
"Ahhmm aherm, Mary hmmm my laway sa gilid ng labi mo," seryoso sabi niya.
Mas lalong namula ang dalaga at natarantang pinunasan ito saka ng salita.
"A-ahmm a-alis na tayo," medyo bulol na anyaya nito.
"Sige, tara," sagot naman ng binata.
"Kakahiya ka, Mary, tulo laway ka pa talaga," kastigo ni Mary sa sarili.
Hindi niya na malayan nabuksan pala niya ang pintuan ng backseat nagulat siya ng may humawak sa braso niya pag lingon niya muntik na magdampi ang labi nila ni King ilang hibla na lang ang layo umatras naman siya gano'n din ito. Sobrang bilis ng takbo ng puso niya na 'di na siya halos makahinga.
Bigla ng salita ang lalaki. "l'm sorry if nagulat kita, dito ka sa harap umupo magmumukha akong driver mo ko 'pag sa likod ka," seryosong sabi nito.
Tumango na lang si Mary sabay lakad sa kabila binuksan naman ng lalaki ang pintuan.
"Wow gentleman," mahinang bulong ni Mary
"Ha?" takang tanong nito.
"Ah wala-wala hehe"
Tumango na lang ito at umikot papunta sa driver seat.
***
"GUSTO mo ba ng kausap? Makikinig ako promise," 'di makatiis na tanong ni Mary sa lalaki na pansin niya kasing problemado ito. Saka sino naman hindi, pag nakita mo anak mo na hihirapan, kahit nga siya nalulungkot pero 'di siya pwede maging mahina, sino na lang ang alalay sa lalaki pag nagkataon.
"Hindi okay lang ako," sagot nito at pilit na ngumiti sa kanya.
Napabuntonghininga si Mary. "'Di mo man sabihin alam kong iniisip mo ang nangyari kanina pero please 'wag ka mawalan ng pag-asa, 'di niya papabayaan may mangyaring masama kay Kian," pampalakas niya sa loob nito.
Napatingin naman si King kay Mary saka tumaas baba ang balikat nito.
"Hindi ko na alam kung ano ang magyayari sa akin paglumala pa ang nararamdam ni Kian, siya na lang natira sa akin Mary, mahal na mahal ko 'yang anak ko kaya natatakot ako baka mawala siya," laglag balikat na pahayag ni King.
"'Wag ka mawalan ng pag-asa, dapat magpakatatag ka para kay Kian, malakas 'yang si Kian, alam ko 'di siya susuko kaya sana ikaw din," malumanay na payo niya.
"Hmm...tama ka malakas nga siya pero baka 'di niya kayanin unti-unti na siyang nanghihina," mahinang pagkasabi nito na punong puno ng lungkot at takot.
"Pero hindi ba ang sabi ng Doctor malaki ang pag-asang gumaling si Kian pag na pa-stem cell transplant siya?"
Tumigil na ang kotse sa harap ng condominium nila hindi na malayan ni Mary na dito na pala sila.
"Gusto mo bang magkape muna o kumain ipaghahanda kita?" tanong niya rito ng hindi ito sumagot sa tanong niya.
Tumingin muna ito sa kanya na para bang sinusuri siya, namumulang nagbaba siya ng tingin.
"Pero kung ayaw mo.......okay lang," bawi niya at saka binuksan ang pinto.
Pagkababa niya lumingon siya rito. "Sige una naku, salamat sa paghatid," pagmamaalam niya at saka tumalikod na ng biglang may humawak sa braso niya.
Napatigil naman siya at tumingin sa may-ari ng kamay.
...
Binibining mary ✍️