Chapter 2

1099 Words
Agad akong sumakay sa aking mahiwagang walis at ibinalanse ang katawan. Pinitik ang aking daliri, upang makalipad nang mabilis papunta sa ibang mundo— sa mundo na Verdona. May ilan akong mga kasabayang mga ibang witches, pero hindi ko na sila pinansin at madaling pinagana pa ang aking mahika. Sumabay ako sa malakas na hangin paitaas. May namuong isang itim na usok sa ere, iyon ang nagsisilbing portal patawid sa aming mundo. Ang aming sekretong lagusan ay ang liwanag ng buwan na binabalutan ng itim na ulap at usok. Pagkapasok sa lagusan, ramdam ko ang pagbilis ng hangin na tinangay kami papunta sa isang isla. Pagkaraan ng ilang sandali, natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakatayo sa gitna ng bulwagan habang ang ilan na sa aking mga kasama ay nakipagsabayan sa pagdiriwang. Alam kong hindi lamang kaming mga witches ang naririto, kundi may iba pang mga elemento ang naligaw. Imbetado ang lahat ng nilalang mula sa apat na dimension kapag may ganitong pagdiriwang na gaganapin. Ngunit, iilan lamang ang pumupunta dahil abala rin sila sa kanilang mga tungkulin. Kaya't nakapagtataka kung bakit marami ang dumalo sa bulwagan. I sighed in disbelief. This is just a tiring day again. Napapalibutan ako ng mga mahihina at mga tangang nilalang. Umupo ako sa bakanteng mesa. Kumuha ng isang inuming alak na gawa sa sariwang ubas. Pinagmasdan ko ang mga kasama at ang ibang nilalang na nag-uusap. Hindi ko alam kung ano na ang nagaganap, masyado ko yatang naigugol ang buong oras sa mundo ng tao at ang pagtuturo kay Alesa. Hindi ko na alam kung ano ang nagaganap sa mundo ng Verdona. I sipped from the glass of wine. The hall was surrounded by witches, sorcerers, dragons and fairies. I smell something fishy about this party. Inubos ko ang laman ng baso, bago tumingin sa pinuno namin na nakaupo sa ibabaw ng isang malaking puno. She is an ancient witch; her hair was all white and she had a pale skin. She cannot move her body; hence, she choose to be with the big tree, in that case, she still watched us here below. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin niya binibitiwan ang pagiging isang pinuno ng mga mangkukulam. Sa totoo lamang, hindi na niya kami mapamunuang lahat, mahina na ang kapangyarihan niya. Ewan ko, kung ano ang trip ng matanda at pinapahirapan pa ang sarili niyang pangalagaan kami. Kapag ang isang tumatanda nang nilalang sa mundo ng Verdona at sumuko na sa sariling buhay, may karapatan siyang pumili kung anong hayop o likhang kalikasan man sa mundo ang gustuhin niya. At sa kaso ng pinuno namin, alam ko na kung ano ang naging pasya niya. Kung bibitawan man niya ang kanyang tungkulin, magiging isang malaki, matibay at maganda siyang puno na namumulaklak ng puti. Hindi ko pa naiisip kung ano ang gusto kong bagay, likas na yaman o hayop ang maging gusto ko kapag mamatay. Dahil dadaan pa ang isang dekadang taon bago mangyari iyon. Mahaba pa ang lalakbayin kong daan, hindi pa matanaw ang dulo. Nilibot ko ulit ang paningin sa paligid. Abala ang lahat, samantalang ako ay nakamukmok dito sa isang mesa habang nag-iisa. Hindi ako ang tipo na makipagsalamuha sa mga kalahi ko at sa iba pang nilalang ng Verdona. Mahirap ang magtiwala sa kanila, hindi ko alam kung sino ang kalaban, nagbabalat-kayo at mapagpanggap. I do not know, why I am like this. Maybe I just want to cage myself and lock for having interaction with anyone. Mahirap na ang mahulog, saka iiwan naman sa huli. I am used to it, yet, I don't want to happen it again. Baka hindi ko ulit kayanin ang sakit; ang pakiramdam na hindi alam kung ano ang nagawang kasalanan at bigla na lamang silang nagsi-alisan sa buhay. I love to have an interaction with them, but not that too close. I simply say 'hi' and quick talkings, and then, said goodbyes. On the other day, it was as if a stranger that does not know each other. One day or one evening is enough for friends and clan. I sipped from the glass then stood up. I need to work for my intentions why I am here. Kailangan kong maisagawa ang lahat nang pinagpaguran ko't timarabaho. Ang ilan sa mga nakakasalubong ko ay bumabati at nangungumusta. Hindi naman ako ganoon talaga kasama, I smiled back and say 'hi' too. Pero pili lamang iyon at hindi malakas. I was searching for the person I want to talk with, when someone grabbed my arms. “Elenor, I was looking for you,” she said, when I faced her. I rolled my eyes. “Hahanapin na rin sana kita. I have something to talk about with you,” I declared, as I sat again on the black wooden chair. Inilakbay niya muna ang paningin sa paligid. Pinasadahan ko siya ng tingin. She's wearing a gray tube dress, with a small hat on her hair— maybe a hair clip. “Is it about your plan? Sigurado ka na ba roon?” bulong niya, iniingatan ang bawat salita para hindi marinig ng kung sino man sa aming paligid. “Let's talk about it somewhere. Not here.” I stood up and then grabbed her out of the hall. We ended up in the grand garden. Dala-dala ko pa rin ang goblet na hindi ko pa nauubos ang laman. “So? Did you bring the thing I was asking for?” I asked her, before sipping on the crystal goblet. Tinaasan niya ako ng kilay. Wari bang pinapaalala sa akin, na baka may makarinig sa aming pinag-uusapan. The edge of my lips twisted. “Do not worry, I put barrier, earlier. Hurry up, magsisimula na ang bulwagan maya-maya.” She rolled her eyes in disbelief. “You are unbelievable, Elenor.” “Claudia. . .” I called out her name, it was a hint that I do not have a lot of time to make fun with her. Time is important for me, hindi ko gustong napupunta sa walang importanteng bagay ang oras ko. But what Claudia's have is essential. “Okay.” Pinitik niya ang kanyang daliri at agad na lumutang ang mahiwagang bagay sa ere na namamagitang espasyo sa aming dalawa. “Here.” Mabilis iyong lumipad papunta sa aking harapan. Napangiti ako, hindi maiwasan ang kasiyahang nararamdaman. Sa wakas, kompleto na ang sangkap para sa gagawin kong plano. “Claudia, you already know what you need to do.” I reminded her. Tumango agad siya saka ikinumpas ang kanang kamay. “Oo na, I know. Good luck.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD