Camila's POV TULALA si Camila habang nakahiga sa kama ni Percy. Katabi niya ang kapatid na ngayon ay nakatulog na. Yakap-yakap niya ito. Pagod na siya, ramdam niya iyon, pero hindi niya magawang pumikit dahil nakikita niya ang duguang katawan ni Gaspar na nakahandusay sa sahig. Wala siyang ideya kung namatay ba ito o nadala pa sa ospital. Hindi niya rin alam kung nasaan na ang Inay niya. May bahagi niya ang nasasaktan dahil ni hindi man lang ito nagpakita nang malasakit sa kanya. Kung nagkataon na hindi dumating si Percy malamang na nahalay na siya ng demonyong Gaspar na iyon, at ano kaya ang gagawin ng Inay niya kung ganoon ang nangyari? Lalapitan din ba siya nito? Iiyakan gaya nang ginawa nitong pag-iyak kanina nang makita nitong nasasaktan ang asawa nito? "Kumain ka muna..." Nilingon