Camila's POV HININTAY nga siya ni Katharina na makapagbihis, inalalayan din siya nito. Nag-aalala siya na baka mahirapan ito sa pagalalay sa kanya sa pagbaba pero may elevator naman pla! Sa loob ng bahay! Bahay na kasing laki na ata ng city hall nila. Mahabang pasilyo ang dinaanan nila. Maraming painting ang nakasabit. May pintuan din silang nadadaanan, katulad ng pinto ng silid na pinanggalingan niya. Para siyang ipinapasyal ni Katharina sa isang museum. Namamangha siya sa karangyaang nakikita niya. At may sundot ng konsensiya siyang nararamdaman. "Asan nga pala si Percy?" tanong niya kay Katharina. Bakit ba wala ang lalaking iyon? Nilingon siya nito at nginitian. "Na sa pool sila," sagot nito. Lumiko sila paglabas ng elevator sa hallway pagkalabas nila ng elevator. Pagkatapos bayba