Camila's POV 10 years ago.... "Camila..." Tawag ni Ernie. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. Susukot-sukot sa gilid niya. Kanina niya pa napapansin ito pero dinededma niya lang. Madalas naman kasi na magdrama si Ernie. "Ano? Natatae ka ba?" inis na tanong niya. Napakamot naman ito sa batok. "Totoo ba?" malungkot nitong tanong. "Totoo ang alin?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Konti na lang mababatukan niya na 'tong si Ernie. "Na... ikaw at yung dayo, m-magkarelasyon?" tanong nito na halos pabulong na lang, parang pumiyok pa nga. Natigilan naman siya, at mas lalong tumaas ang kilay niya kay Ernie. Nakarating na pala dito ang balita. Sabagay, maliit lang naman ang baryo nila, hindi imposible na mapagtsismisan na naman siya. Paborito pa naman siya ng mga tsism