Camila's POV "We're going to a party," ani ni Percy sa kanya. Nagbabasa siya ng magazine ng dumating ito. Sinulyapan niya lang si Selya na nilapag ang isang itim na box na may nakatatak ng isang kilalang brand ng isang botique. "Wala akong ganang sumama sa'yo depende na lang kung pauuwiin mo na ako," matabang na sagot niya dito. "Not now, bella." Napataas ang kilay niya nang tignan niya si Percy. Saka niya lang napansin ang pagod sa mukha nito. Nangangalumata rin ito. Biglang nawala ang pagtataray niya. "K-Kumain ka na ba?" di niya mapigilang tanong. Ngayon niya lang kasi narinig at nakitang pagod si Percy. Bumalik ang tingin niya sa magazine paraiwasan ang mapanuksong ngiti ng lalaki. Humakbang ito papalapit sa kanya at naupo sa paanan niya at nahiga sa mga binti niya. "I have not