Camila's POV NAKAHALUKIPKIP siya habang nakaupo sa kama. Kinailangan simentuhin ang paa niya. Napabuga siya ng hangin lalo na siyang nagkandaletse-letse. Bakit ba kasi naispian niya pang akyatin ang ceiling? "Peste..." mahinang bulong niya. Hindi siya maaaring magtagal dito. May mga umaasa sa kanya. Kung magtatagal na wala siya baka mamatay na sa gutom ang mga naiwan niya sa bahay. Wala namang ibang maasahan ang mga iyon kundi siya. Bumukas ang pinto ng banyo at niluwa niyon si Percy na nakatapis lang ng itim na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Humahalimuyak ang mamahaling bath soap na ginamit ni Percy. Kinukuskos nito ng basang buhok, at habang ginagawa nito iyon lumulitaw ang mga muscle nito sa braso. Napalunok siya habang pinapasadahan ng mga tingin ang katawan nito. "Lu