Chapter 34 "MAY BISITA ka!" Napakunot nag noo niya. Wala namang sinabi si Ernie na dadalawa ang mga ito ngayong alanganing araw. kinabahan tuloy siya dahil baka may emergency kaya napasugod ito ng wala sa oras. Iniskortehan siya ng lady jail guard papunta sa visiting area. May mga mangilan-ngilang dumadalaw sinuyod niya ang lugar ngunit wala roon si Ernie. "Asan ang asawa ko?" tanong niya. "Hindi naman ang asawa mo ang bisita," sagot nito. Tinanggal nito ang posas sa kamaya niya. Pinigilan siya nito ng maglalakad na siya papasok sa visiting area "Doon ka sa VIP." Lalo siyang naguluhan at kinabahan. Para sa mga importanteng tao lang ang VIP room. Nacu-curious na tuloy siya kung sino ang dalaw niya. Nagtungo siya sa VIP. kinakabahan binuksan ang pintuan. Lamig ng aircon ang sumalubong