Camila's POV
10 years ago...
"Kailan mo ba ko sasagutin?" namumungay ang mata na tanong ni Ernie. Kanina pa ito parang bangag sa m*******a kung tumingin sa kanya. Nakakaadwa! Akala ata nito natutuwa siya sa pagpapa-cute nito. Tsura!
"Kapag pinamana na sayo ni Ka Ernesto ang koprahan at palayan niyo!" diretsang sagot niya dito.
"Eh mas malakas pa sa kalabaw ang Tatang," kakamot-kamot na sagot nito.
Tatay nito si Ka Ernesto ang may pinakamalaking koprahan at tubahan sa bayan nila. Umaangkat siya dito ng mga lambanog na itinitinda naman ng Inay niya sa may paradahan. Siya lagi ang nagpiprisinta na umangkat kina Ernie dahil malakas ang tama nito sa kanya, bukod pa sa natural na uto-uto ito. Lagi niya itong nauuto na baguhin ang break down sa resibo ng mga inaangkat niya kaya naman nakukupitan niya ang Inay niya.
"Yun lang, dun tayo nalungkot." Nagkibit-balikat siya. "Oh, gawan mo na ko ng resibo. Discount ko ha," aniya saka kumapit sa braso nito at idinikit ang dibdib dito. Nagkanda duling naman ang kumag sa pagtingin sa clivage niya na litaw na litaw sa suot niyang sando.
Tuwang-tuwa siya nang makitang halos nasa limandaan ang ibinawas nito sa resibo. Napaisip siya kung may kinikita pa ang mga ito. Sa kanya pa lang malulugi na ang mga ito. Buti na lang konti lang order ng inay niya kung hindi bagsak ang negosyo ni Ka Ernesto.
Inabot niya dito ang bayad niya. Napangisi siya ng binawasan nito iyon ng tatlong daan at isiniksik sa suot niyang miniskirt.
"Pang meryenda," anito.
"Sweet mo talaga," aniya saka pinisil ang pisngi nito. Ito ang gusto niya dito, galante. Bukod sa malaki magbigay ng discount sa kanya may pa meryenda pa. Gwapo sana si Ernie kaya lang di niya type. Payat ito at halos magkasing tangkad lang sila. Lagi pa itong naka-polo shirt na hanggang leeg ang pagkaka butones. Minsan gustong-gusto niya na itong tanungin kung nakakahinga pa ba ito. Nakakainis lang ito lalo na kapag nagpapa-cute ito, mukha kasing timang na trying hard. "Oh pano babye na next time uli ha?" paalam niya dito.
Naglakad na siya papunta sa owner type jeep na kakarag-karag. Pagmamay-ari pa yon ng tatay niyang sumakabilang-bahay na. Kumaway pa siya kay Ernie ng paandarin niya na ang owner.
Pagdating sa paradahan agad na nagpaswitan ang mga tricycle driver doon na nakapila nang makita siya. Nakangiting kinawayan niya ang mga ito. "Mga pogi baka naman pwedeng patulong ibaba yung mga bote ng lambanog?" malambing na pakiusap niya sa mga ito.
"Oo naman. Ikaw pa Camila, nanginginig pa!" sigaw ni Tasyo saka nakipag-unahan dun sa dalawang tambay na nagmagandang loob na magbaba ng mga lambanog na paninda ng Inay niya.
"Ikaw talaga! Kapag inaway ka na naman ng mga asawa ng mga iyan!" sermon ng Inay niya with hampas at kurot sa braso niya.
"Aray naman 'Nay!" reklamo niya saka inirapan ito. "Nakisuyo lang ako."
"Ikaw ha, tigil-tigilan mo yang pang-uuto mo sa mga lalaki dito. Kaya ka nasasabihang kiri!"
Naipaikot niya na lang ang mga mata niya. "Inggit lang sila sa ganda ko! Pinag-iintindi niyo yung mga yon."
Madalas kasi siyang mapag-tsismisan ng mga kababaryo nilang kulang sa aruga, kaya buhay ng may buhay ang pinagdidiskitahan.
"Kuu! Wala nang sinabi sayong hindi ka nangatwiran! Lumayas kana nga dine!" pagtatamboy nito sa kanya.
"Tss di lumayas."
Muli na siyang sumakay sa owner.
"Nay, gagabihin ako ng uwi!" sigaw niya nang mapaandar niya na ang makina. Iwinasiwas lang nito ang kamay sa ere. Balak niyang pumunta kina Blesilda, dating kamag-aral niya na ngayon ay nagtatrabaho na sa Manila. Balak niyang makiusap dito na tulungan siyang mag-apply para makapag-manila na rin siya. Gustong-gusto na niyang makaalis sa lugar na ito. Gusto niyang maranasan ang buhay sa Manila.
Maghahanap siya ng trabaho dun at kapag nakaipon magkokolehiyo siya. Wala siyang balak na tumandang mang-mang gaya ng Inay niya.
Grade 3 lang ang natapos ng Inay niya - at yun ang nakikita niyang dahilan kung bakit ito naloloko. Katulad na lang ng Itay niya. Tiwalang-tiwala ang Inay niya na nagtatrabaho ang Itay niya sa Manila, yun pala may iba ng tinatrabaho ito. Umuwi na lang ito na kasama ang kabit nito na higit na mas bata sa Inay niya at ang sanggol na kapatid niya sa ama. Sa sobrang tanga ng Nanay niya, nagpabola sa Tatay niya at hinayaang magsama-sama sila sa iisang bubong. Naging alila ang Inay niya ng Tatay niya at ng bagong asawa nito.
Bata pa siya noon kaya kahit gusto niyang ipagtanggol ang Inay niya, hindi niya magawa. Siya ang nasasaktan kapag lihim na umiiyak ang Inay niya sa kusina habang pinagluluto ng hapunan ang mga Itay niya at kabit nito.
Sabi ng mga kapit-bahay nila, kulang daw sa pinag-aralan ang Inay niya kaya pumapayag lang sa lahat ng sabihin ng Itay niya.
Pagkalipas ng tatlong taon, naghiwalay ang Itay niya at si Lucinda. Nag-alsa balutan si Lucinda at iniwan si Popoy sa kanila. Ang tatlong taong gulang na kapatid niya sa ama.
Akala niya noon mabubuo na uli ang pamilya nila. Pero ilang buwan lang nabalitaan nilang nag-asawang muli ng iba ang Itay niya. Kitang-kita niya kung paano umiyak at naglasing ang Inay niya.
Hanggang sa nakilala nito si Tyong Gaspar. Nagmamay-ari ng mga pasugalan sa bayan. Akala niya aayos na ang buhay nila dahil nang nanliligaw pa lang si Tyong Gaspar sa Inay niya galante ito. Pero ng magsama ang dalawa lumabas ang tunay na kulay. Kulay itim - itim na itim!
Sinasaktan ng Tyong Gaspar niya ang Inay niya at silang magkapatid. Maramot din ang tinamaan ng magaling at nuknukan ng batugan! Daig pa ng Inay niya ang nakakuha ng lubid na isasakal nito sa sarili.
Ilang beses na niyang kinausap ang Inay niya na hiwalayan na nito si Tyong Gaspar pero kinagagalitan lang siya nito. Kaya hinayaan niya na lang din.
Hindi na lang siya masyadong naglalagi sa bahay nila para hindi niya laging nakikita ang amain niya. Nakakadiri kasi itong tumitig, parang laging hinuhubaran siya.
Ipinarada niya ang owner sa likod ng isang pick-up na nakaparada sa harap ng bahay nila Blesilda.
"May bisita pa ata."
Pumasok siya sa bakuran. Ang laki na nang pinagbago ng bahay nila Blesilda. Ang dating kalahating pawid at kalahating bato na kubo noon ay isa ng konkretong bato na ngayon, pati ang bubong ay pang sosyal na rin. May terace na rin sila Blesilda na may sala set na gawa sa narra.
Maganda raw kasi ang naging trabaho ni Blesilda sa Manila. Ang kwento nito sa kanya ng nakaraan sa isang exclusive club ito nagtatrabaho bilang receptionist at malalaki raw mag-tip ang mga costumer don. Baka makakita siya dun ng matandang mayaman na madaling mamatay, e di instant yaman siya?
"Magandang araw po," nakangiting bati niya sa Ina ni Blesilda na nagwawalis sa terrace.
"Oh, Camila. Nagpasyal ka? Teka tatawagin ko lang si Blessy," anito na nakangiti sa kanya. "Anak! Nandito si Camila, mangungutang ata!"
Napangiwi siya sa sinabi nito. Kung hindi lang siya hihingi ng pabor sa anak nito baka isinampal niya na dito ang tsinelas niya.
Bumaling uli ito sa kanya saka nginitian siya. Ni hindi man lang siya pinatuloy sa terrace ng mga ito. Imapakta talaga.
"Cams!" tawag sa kanya ni Blesilda. "Pasok ka!" Agad na lumapit ito sa kanya at hinila siya paupo sa sofang narra. "Nay, labas ka nga ng meryenda!" sigaw nito sa Ina nito na nasa loob ng bahay ng mga ito.
"Wag na, baka duraan pa ng Nanay mo este baka ma-abala pa ang Nanay mo saka busog pa ako," aniya dito sabay tawa.
Nahinto ang pagtawa niya ng mula sa likuran ni Blesilda ay lumabas ang isang lalaking nakahubad baro. Tumatagktak ang pawis nito sa noo na tumutulo sa pisngi nito pababa sa leeg nito hanggang sa matitipuno nitong dibdib.
'Eng sherep ni Kuya! Shet!'
Nandudumilat ang mga mata niya sa pagtitig sa napakaganda nitong katawan. Napalunok siya ng sunod-sunod lalo na ng dumako ang mata niya sa umbok na nasa pagitan ng dalawang hita nito.
'Bakat na bakat! Kanin! Extra rice!' - sigaw ng malanding isip niya. Kanin na lang talaga pwede ng ulamin ang lalaking nasa harap niya.
Umangat ang tingin niya sa abuhing mga mata nito na puno ng amusement habang nakatingin sa kanya. Ngumiti ito kaya naman lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin.
"Bless, ok na yung shower mo," pukaw nito kay Blesilda.
"Ay salamat kuya Percy. Wait lang kukuha lang ako ng pambayad," ani ni Blesilda at iniwan silang dalawa ng masarap na lalaki.
"Hi," Bati nito sa kanya.
"H-Hello..."
Gusto niyang dagukan ang sarili niya dahil sa pagkakabulol niya.
Muling ngumiti ito at tila naaaliw sa kanya.
"Ako si Percy, ikaw anong pangalan mo?" tanong nito at inilahad pa ang kamay sa kanya.
Nanginginig na inabot niya ang kamay nito. Matigas iyon pero hindi naman puro kalyo katulad ng ibang mga lalaking nagpapakilala sa kanya. Mainit din ang palad nito at parang may kuryente ng dumadaloy sa kamay nito papunta sa kamay niya. s**t!
"C-Camila, ako si Camila."
To be continued...