CHLOE'S POV
I'm here in the mall kasama ang mga friends kong sila Tania, Farah at Katie. This is my one way of moving on to Uste. I will accept what my destiny will bring on me.
After we shopped ay nagpunta kami sa isang restaurant inside this mall at kumain and after that ay nag-ikot ikot ulit kami. Nang mapagod na kami ay umupo kami sa isang bench at nagpahinga.
"Gosh! My feet really hurts!" Maarteng sabi ni Tania at hinilot nito ang isang paa niya.
"Sino ba kasing nagsabi na magheels ka, girl? Look at us nga oh? Naka-doll shoes lang kami." Sabi naman na Katie na sinang-ayunan ni Farah.
Tania rolled her eyes at inayos ang buhok niyang bagong rebond. "This is what you called Fashion, duh!"
"Fashion as if na pero baka magkakalyo ka na niyan sa paa sa kaka-fashion mong 'yan." Natawa naman kaming lahat sa hirit ni Farah.
My friends are so what you called maarte. Si Tania ay nasobrahan, si Farah ay medyo lang at si Katie naman ay ang pinakasimple sa amin.
Me? Half maarte and half hindi siguro pero kahit ganito kami ay hindi naman kami 'yung tipo ng mga mean girls na napapanood sa isang drama na inaapi ang isang bida. We're a good girls pero sa oras na may maaapi na isa sa amin lahat kami ay magkakampihan.
My friends are not plastic too, they are honest and trustworthy girls pero hindi talaga maiaalis sa kanila ang pagkakikay at pagkamaarte nila.
We're still talking and chatting to each other nang may biglang itinuro sa amin si Tania.
"Omg! Is this real? Neil and that Marinel are already dating?" Napalingon kaming lahat sa tinuturo ni Tania and we saw Neil and Marinel walking with holding hands and smiling to each other.
I don't know but I feel something strange inside me when I saw them together.
"Maybe? Hey, Chloe are you okay?" Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa nakikita ko kaya napansin iyon ni Farah.
I smiled. "Y-Yes, I'm okay."
Then Katie was suspiciously looking at me so I glance away.
"Kung nagdi-date sila? Aww! Marinel is so lucky naman to date a heartthrob guy while the one girl here looks so jealous." Parinig pa ni Katie pero alam ko naman na ako ang tinutukoy niya.
"Who's jealous?" Nakataas na kilay kong tanong at nagflip ng blonde hair ko. I love to dye my hair into a blonde one kasi ang Queen ko daw tignan dito.
Ngumisi lang silang tatlo at nagkibit balikat. When I look again at Neil and Marinel's side ay nagulat ako nang napatingin sa gawi ko si Neil.
Ang akala ko ay lalapitan niya ako at kakausapin katulad nang palagi niyang ginagawa since we we're kids but he ignored me at inakbayan nalang niya si Marinel saka sila naglakad papalayo.
Why am I so affected? Si Uste ang mahal ko e, but I can't deny that I'm jealous.
ALANIS POV
Katulad nga ng sinabi ni Russel ay pinalipat niya ako sa all girls section ng YGA nang hindi alam ng pamilya ko. Hindi ko na rin masyadong nakakasama si Marinel dahil sa paglipat ko ng ibang section. Nagtataka na siguro siya kung bakit lumalayo ako sa kanya. Hindi naman ako lumalayo sa kanya kundi sa mga kaklase kong lalake dahil ayaw na ni Russel na makipag-usap pa ako sa kanila.
I need to deal with him dahil alam ko na kaya niyang magpakamatay para lang hindi ko siya iwanan. I still like him for what he have done pero sa paglipas ng panahon ay nababawasan na ito dahil sa mga ipinapakita niya sa akin. He's not the same Russel that I've known since we met.
Marami nang nagbago sa kanya at pati na rin sa mga ikinikilos niya. Mabuti na lang rin at hindi siya pina-expell sa YGA dahil sa ginawa niya at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Siguro ay malaking kawalan talaga si Russel sa school namin.
I invited Russel to our house dahil gusto siyang makausap ni Kuya Travis. Tinanggap na ni kuya ang relasyon namin ni Russel na hinihiling kong mangyari sana noon pa pero parang nag-iba ang pag-iisip ko ngayon at masyado na akong naguguluhan.
Alanis, just focus!
Wala si mama sa bahay dahil may pinuntahan itong birthday party ng kaklase niya noong high school palang siya at si papa naman ay nagtatrabaho. Si Kuya Travis lang ang nasa bahay at nang makita niya kami ni Russel na papalapit sa kanya ay ngumiti siya.
"Mabuti at dumating na kayo. Halika Russel, maupo ka muna at mag-uusap tayo. Ikaw naman, Alanis ay pumasok ka muna sa kwarto mo. Man to man talk lang muna kami ni Russel." Napatango naman ako sa sinabi ni Kuya Travis at tinignan si Russel.
"Sa kwarto lang ako." Russel nodded at me and smiled.
Ano kayang pag-uusapan nila?
RUSSEL'S POV
Kaharap ko ngayon ang nakatatandang kapatid ni Alanis na si Travis at gusto raw ako nitong makausap.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Russel, I'm sorry kung hindi ko kaagad natanggap ang relasyon niyo ni Alanis. Hindi kasi ako madaling magtiwala sa isang tao para sa kapatid ko lalo na at lalake ka." Sabi niya.
Overprotective ka kasi sa kapatid mo at ayaw mong nilalapitan siya ng mga lalake. Feeling mo ay bata pa si Alanis at kailangan na nasa tabi mo siyang palagi.
You can't do that anymore, Travis dahil meron nang ako sa buhay niya.
Tumango lang ako. "Naiintindihan ko naman, Travis. Protective ka lang kay Alanis dahil nga nag-iisang kapatid mo lang siya." sabi ko.
"At ang sabi nga niya ay mabuting tao ka naman at hindi mo siya sasaktan kaya tinatanggap ko na ang relasyon niyo." sabi niya at nginitian ako.
Nagulat ako sa sinabi niya at lihim na napangisi.
Nakuha ko na rin ang tiwala ng buong pamilya ni Alanis at malapit ko nang maisakatuparan ang mga plano ko.
"Talaga? Salamat sa pagtitiwala mo sa akin, Travis. Ipinapangako ko na aalagaan at poprotektahan ko si Alanis." sabi ko. Tumango naman siya at tinapik ako sa balikat ko.
"Wag na 'wag mong sasaktan si Alanis dahil ako ang makakalaban mo sa oras na mangyari 'yon." Seryosong sabi niya.
Hindi ko maipapangako na hindi ko masasaktan si Alanis kapag nakipag-usap pa siya at lumandi sa ibang lalake. Gusto ko na sa akin lang ang atensyon at puso niya.
"Ipinapangako ko, hinding-hindi ko sasaktan si Alanis." At ngumiti ako.