Chapter 22

1381 Words
USTE'S POV Linggo ngayon at napagpasyahan ko na puntahan si Lara sa Masbate. Gamit ang helicopter na iniregalo sa akin nila Mom at Dad ay ginamit ko ito para bumiyahe papuntang Masbate. Kahit malayo sa akin si Lara ay ginagawa ko ang lahat para magtagal ang relasyon namin at hindi siya magsawa sa akin. Sa ginagawa kong ito ay alam ko na si Travis pa rin ang mahal niya. Dapat nga siguro ay pinakawalan ko na noon pa si Lara pero wala akong magawa dahil mahal na mahal ko siya kaya sapat na sa akin na alam kong mahal niya rin ako kahit pa na mas mahal niya si Travis. Nang makarating na ako sa Masbate ay nagbus na lang ako papunta sa eskwelahan nila Lara sa Masbate National High School. May pasok sila ngayon dahil may event na ginaganap ang buong MNHS. Pagkapasok ko sa loob ng school nila ay sakto namang nakasalubong ko sina Gio at Inah. Mukhang nagulat pa sila nang makita ako. "Uste! Nandito ka pala!" Gulat na tanong ni Inah. Ngumiti ako. "Siyempre, dinadalaw ko yung.. alam niyo na kung sino." Tinapik naman ako sa balikat ni Gio. "Si Lara ba? Nando'n siya sa classroom nila. May sinusulat na script para sa play nila ng buong klase nila." sabi niya. "Ganon ba? Sige, pupuntahan ko lang siya. Kayo ba, saan kayo pupunta?" Tanong ko. "Ah, aasikasuhin lang namin 'yung mga seats at stage para mamaya sa banda." Sagot ni Inah at inayos ang suot niyang eyeglasses. Tumango lang rin si Gio. "Okay. Magkita na lang tayo mamaya!" Sabi ko habang nakangiti. "Oh, puntahan mo na ang love of my life mo." Tumawa lang ako sa sinabi ni Inah saka tinungo na ang classroom nila Lara. Pagkarating ko doon ay pumasok kaagad ako sa loob nito. Napatili pa nga 'yung mga kaklase niyang babae pagkakita sa akin habang siya naman ay nakaupo lang sa isang upuan at busy sa pagsusulat. "Ang gwapo talaga ng boyfriend ni Lara! Nakakainggit!" Sabi ng isa sa mga kaklase niya. "Ang swerte talaga ni Merced!" Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi nila at nilapitan na lang si Lara. "Hon.." Napaangat ito ng tingin sa akin at nagulat pa siya nang makita ako. "Uste?" Tumayo siya at itinigil ang ginagawa niya. "Ako nga. Did you missed me?" Ngumiti ito pero parang hindi iyon isang tunay na ngiti niya. "O-oo naman," Sabi niya. Kahit nagtataka ako sa inaasal niya ay hinila ko siya ulit papaupo at tumabi naman ako sa upuan na katabi lang niya. "Mukhang busyng-busy ang girlfriend ko, ah?" Ngumiti siya saka itinuloy ang pagsusulat niya. "Ang dami kong kailangang tapusin dito." Inakbayan ko naman siya at hinalikan sa pisngi na ikinagulat pa niya. "Kaya mahal na mahal kita e, kasi masipag ka, mabait, maganda at higit sa lahat ay mahal na mahal ko." "M-Mahal rin kita Uste," Pero mas mahal mo siya. "Huwag kang makikipagbreak sa akin, ha? Dahil kapag ginawa mo 'yon ay magpapakamatay ako," Pagbibiro ko pa but I mean it. I don't want to lose Lara. Para naman siyang natigilan sa sinabi ko. "H-hindi naman ako makikipaghiwalay sa'yo." Sabi nito at bumuntong-hininga. "Good." Sabi ko at nginitian siya. Don't you dare to broke-up with me, Lara dahil marami na akong isinakripisyo para sa'yo. Kapag ginawa mo iyon at narealized mo na si Travis ang gusto mong makasama na lang ay guguluhin ko ang buhay ninyo. Sa akin ka lang, Lara. Just like what Russel said to me na kung nasa'yo na ang isang taong mahal na mahal mo ay huwag mo na siyang pakakawalan pa at huwag magpapadehado sa kalaban. ALANIS POV Dalawang linggo na simula nang nabugbog si Julian at nag-away naman kami ni Russel. Day by day ay napapansin ko na ang sobrang pagka possessive ni Russel. Bawat kilos ko at galaw ko ay dapat na ipaalam ko pa sa kanya. Hindi naman ako makatanggi dahil ayoko na mag-away pa ulit kami. Si Julian naman ay nakalabas na ng ospital. Medyo magaling na rin ang sugat at mga pasa niya sa katawan. Hindi niya ikinalat ang video namin ni Russel pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagpapaalala sa akin na mag-iingat daw ako kay Russel. Talagang ayaw niya akong tigilan! Hindi pa ba sapat na siraan niya si Russel? Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa ginagawa niya. Nasa Cafeteria ako ngayon kasama sina Russel at Marinel. Si Marinel ay napapansin kong panay ang text sa cellphone nito at ngumingiti pa ng mag-isa. Sino naman kaya ang katext nito at kung makangiti siya ay wagas? "Hoy, Marinel! Sino ba 'yang katext mo at parang kinikilig ka pa at ngumingiti nang mag-isa? Ilang araw ka nang ganyan, ah?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. She just smiled. "Si Neil.." Nagulat ako sa sinabi niya. "Si Neil? Close na kayo? Kailan pa?" Paano na si Denver kung nagkakamabutihan na sina Marinel at Neil? "Last 2 weeks pa. Basta ikukwento ko sa'yo mamaya o bukas. May pupuntahan pa pala ako. Maiwan ko na kayo ni Russel, ha? Babush!" Sabi nito at tumayo na at nagmadaling umalis. Bakit ba nagmamadali siyang umalis? Hays. "Baby, kumain ka lang." Sabi ni Russel at nilagyan ng spaghetti ang plato ko. Maasikaso talaga siya sa akin at mukhang alam na yata ng buong YGA na kami na dahil sa way ng pagtrato niya sa akin dito pero wala na akong pakialam pa kung malaman pa nila. Gusto ko naman si Russel. "Thanks, baby." Ngumiti ito pero biglang napawi ang ngiti niya at tumingin sa likuran ko. Humarap ako sa tinitignan niya at si Julian ang nakita ko. Messy ang buhok nito at medyo magulo ang uniform na suot niya pero kahit na ganon ay hindi pa rin iyon nakabawas sa gwapong itsura niya. "Julian?" banggit ko. Lumapit ito sa akin at hinila ako papatayo. "Alanis, Makinig ka sa akin. Kanina, narinig kong nag-uusap si Russel at ang kapatid niya sa cellphone nito doon sa field . Sinabi niya na kukunin ka raw niya sa pamilya mo at ilalayo ka. Lumayo ka kay Russel! Baliw na siya sa'yo!" Napatingin naman ang mga estudyante sa amin na nandito lang rin sa Cafeteria at nagbubulungan na tungkol sa sinabi ni Julian na narinig nila. "Anong sinasabi ni Julian?" "Ewan ko, baliw na yata. 'Di ba may gusto siya kay Alanis? Baka sinisiraan niya lang si President." Iyan ang mga naririnig kong bulong-bulungan sa paligid. Hindi na yata bulong dahil naririnig ko na ang pinag-uusapan nila. Tumayo rin si Russel saka ako hinila papalayo kay Julian. "Talagang desperado ka na dahil hindi mo matanggap na kami na ni Alanis. Itigil mo na 'yang kahibangan mo, Julian." Seryosong sabi niya. Umiling si Julian at dinuro nito si Russel. "Hindi ako nahihibang, Russel dahil ikaw ang nahihibang sa ating dalawa! Kung anuman ang balak mo kay Alanis ay itigil mo na 'yan dahil poprotektahan ko siya mula sa'yong baliw ka!" Sigaw nito at kaagad lumapit kay Russel saka ito sinuntok. "Russel!" Napaupo ito sa sahig at nagdugo kaagad ang labi dahil sa suntok ni Julian. Lumapit naman ako kay Russel at inalalayan siyang tumayo. "Ayos ka lang ba?" Naluluha kong tanong. Tumango lang ito at pinahid ang dugo sa labi niya gamit ang palad niya. Mukhang nagulat ang lahat sa ginawa ni Julian kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Tumigil ka na sa paninira mo kay Russel! Tama na!" Galit kong sabi na ikinagulat ni Julian. "P-pero, Alanis-" Kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya saka siya sinampal. Narinig ko pa ang pag 'ow' ng mga estudyante dahil sa ginawa ko kay Julian. "Hinding-hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi mo. Minsan mo na akong minanipula kaya hindi ko na hahayaan pa na gawin mo ulit 'yon sa akin!" Biglang nangilid ang mga luha niya pero hindi ko iyon pinansin dahil mas nangingibabaw 'yung galit ko sa kanya. "Sorry, Alanis..." Malungkot niyang pagkakasabi. Umiling ako at lumapit ulit kay Russel saka siya inalalayang tumayo. "Dadalhin kita sa clinic." Tumango lang si Russel sa sinabi ko. THIRD PERSON'S POV Umalis na ang magkasintahan sa Cafeteria pero bago pa man iyon ay nadaanan nila Alanis at Russel si Julian. Nginisian naman ni Russel si Julian ng palihim. "Buti nga sa'yo." Ani Russel mocking Julian na nakatingin lang sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD