Chapter 15

1444 Words
THIRD PERSON'S POV Tila may parang hinihintay na dumating si Russel kaya siya nasa likod ng eskuwelahan nila. Nakasandal ito sa pader habang naninigarilyo. Sinigurado niyang walang ibang makakakita sa kanya dahil kapag nakita ng iba ang paninigarilyo niya ay baka magbago ang tingin sa kanya ng mga estudyante ng YG Academy. Kilala siya bilang magandang ehemplo ng paaralan kaya dapat lang na malinis at disente ang tingin sa kanya. Nang makita niyang papalapit na sa kanya ang taong hinihintay niya ay itinapon nito ang hawak niyang stick ng sigarilyo at tinapakan ito. "Good job. Ito na ang bayad. Ang linaw ng pagkakakuha mo." Sabi nito sa taong hinihintay niya saka iniabot ang pera ng palihim. "Salamat President, kung may kailangan ka ulit ay tawagan mo lang ako." sabi ng kausap niya. "Sige, umalis ka na baka may iba pang makakita sa atin." Sabi naman ni Russel habang lumilinga-linga ito sa paligid. Tumango naman ang kausap niya saka na ito umalis. Ang video na tinutukoy ni Russel na kinuhanan ng taong kausap niya ay iyong video ng paghahalikan nila ni Alanis sa rooftop ng YGA na ipinakita niya kay Julian sa locker room. Plinano niya ang lahat ng iyon. Ang paghalik niya kay Alanis at ang paghawak niya sa maselang bahaging parte ng katawan ng dalaga. Gusto niya na maging maganda ang kalalabasan ng video para tuluyang masaktan si Julian sa makikita niya. Umayon pa sa kanya ang tadhana dahil umamin si Alanis na gusto siya nito. Gusto niyang lubos na masaktan si Julian para lubayan na ang babaeng kinababaliwan niya. Ayaw niyang may ibang kahati sa atensyon ni Alanis. Gusto niya ay siya at siya lang. Dumiretso naman kaagad si Russel sa Editorial Room para tapusin ang naudlot niyang paperworks para sa YG Academy. In his whole life, he's spending his time for education and work. Ni minsan ay hindi siya naging masaya sa buhay niya. Ang gusto lang naman niya ay ipagmalaki siya ng mga magulang niya pero ano bang magagawa niya? Hindi siya mahal ng mga ito kaya nga inabandona siya sa tiyahin niya. Natuto siyang maging matatag para sa sarili niya dahil sarili na lang nito ang kakampi niya. "Russel, ito na ang iba pang reviews para sa article na kailangan." sabi ng Vice President ng Student Council na kasama nito na si Mark. Kinuha naman ni Russel ang envelope at tinignan ang papel na nasa loob na naglalaman ng mga impormasyon na reviews. "Hindi pa 'to pwede. Masyado nang common ang ginawa niyo. 'Di bale, ako na lang ang gagawa." sabi ng binata. Medyo nagulat si Mark sa sinabi ni Russel. Para kasi siyang nayabangan at nainsulto dito. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya iyon kay Russel. Kilala niya kasi itong nakaka appreciate ng mga gawa nila. Hindi na lamang siya umimik at nagpaalam nang umalis. Nakaabang naman sa labas ng Editorial Room ang isa ring Student Council member na si Aimee na katulong ni Mark sa paggawa ng reviews nila. "Ano? Nagustuhan ba ni Russel ang ginawa natin?" Ani Aimee. "Masyado na raw common ang reviews natin. Siya na lang raw ang gagawa." sabi ni Mark na napa cross-arms na lang. "Talagang sinabi niya 'yan? Pinaghirapan natin 'yon tapos masyado raw common at siya na lang ang gagawa? Ang yabang na niya, ha? Porke matalino siya ay mamaliitin niya na ang ginawa natin?" Sabi naman ni Aimee sa naiinis na tono. "Ewan ko lang, para na talagang nagbabago si Russel." ani Mark. Napatawa si Aimee at umiling. "Lumalaki na ang ulo niya kamo dahil Student School President siya dito at posibleng maging Valedictorian pa. Iba na talaga ang nagagawa ng kayabangan at pride." Sana nga dahil pati pagkilos at ang tono ng pananalita ni Russel ay nag-iba na. Sabi naman ni Mark sa isip niya. ALANIS POV Kakatapos ko lang kausapin si Lara at sinabi nito na dadalawin niya kami ni Uste kasama si Gio sa darating na sabado. Sayang nga at hindi raw makakasama si Inah dahil aattend ito sa debut ng pinsan niya. Namimiss na daw nila ako. Alam ko naman na dahilan rin si Uste sa pagluwas nila Lara dito sa Maynila. Sisiguraduhin ko naman na gagawin kong memorable ang pagpunta nila dito dahil talagang namimiss ko na sila. "Kuya!" Tawag ko kay kuya Travis na may hawak na libro at ballpen at naka eyeglasses pa ito. Papasok na ito sa kwarto niya. Nagrereview siguro. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa sofa na inuupuan ko. "Bakit, Princess?" "Pupunta sina Lara at Gio dito sa sabado." Nakangiti kong sabi. Natigilan naman ito sa sinabi ko. "Ganon ba? Mabuti naman." Sagot niya saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro niya. "Kuya," "Ano 'yon?" tanong niya na hindi pa rin inaalis ang mata niya sa binabasa niyang libro. "May gusto ka ba kay Lara?" Natigilan na naman ito at halatang nagulat dahil sa sinabi ko. Hindi naman siya nagsalita. Hinawakan ko si kuya Travis sa balikat niya. "Kaya ba may alitan kayo ni Uste ay dahil 'yon kay Lara?" "Ang galing mo talagang kumilatis, Alanis. Kapatid nga talaga kita." Umiling na sabi nito. Matagal ko nang napapansin kay kuya Travis na gusto niya sa Lara. Nahuhuli ko kasi siya minsan na nakatitig dito. "Kuya, paano kayo nagkaalitan ni Uste? Pwede ko bang malaman? Mapagkakatiwalaan mo naman ako, e." Pangungulit ko sa kanya. "Basta malalaman mo rin," Tanging sagot lang niya at tumayo na para magpunta sa kwarto niya. "Kuya naman!" "Goodnight, Princess." sabi nito at pumasok na sa loob ng kwarto niya. Bakit ba ayaw sabihin ni kuya Travis ang dahilan? Kahit si Uste ay ayaw rin sabihin iyon sa akin. Kailan ko naman kaya malalaman ang dahilan ng alitan nila? Nawala ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. May tumatawag na unknown number kaya sinagot ko ito. "Hello?" (Hi!) Boses pa lang niya ay alam ko na kaagad kung sino siya. Hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari sa amin sa rooftop. Muntik nang may mangyari sa amin kung hindi ko pa siya napigilan at napaamin tuloy ako ng feelings ko sa kanya nang di oras. "Russel?" Rinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina sa kabilang linya. (You already recognized my voice that fast. I like it.) sabi niya. "Ahm.. Oo." Sagot ko na lang dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Marerecognize ko talaga ang boses niya dahil siya lang naman ang lalakeng palagi kong iniisip. Saan kaya niya nakuha ang number ko? Wala naman akong matandaang ibinigay ko ang number ko sa kanya pero siguro ay nakuha niya ito kay Uste kaya hindi ko na lang itatanong. (Alanis, are you free this Saturday?) Saturday? Luluwas nang Maynila ngayong sabado sina Lara at Gio. "Kasi, darating sa bahay 'yung mga kaibigan ko sa Masbate. Kailangan ko silang asikasuhin." sagot ko. (I'll go to your house in Saturday. Pwede ba?) Teka? Pupuntahan niya ako dito sa sabado? Mamemeet niya sila kuya Travis at mama pati na rin ang mga kaibigan ko 'pag nagkataon at nahihiya ako! "A-anong gagawin mo dito?" Nahihiya kong tanong. (Sasabihin ko sa kanila na girlfriend na kita. Siguro naman may karapatan na ako sa'yo dahil ilang beses na tayong naghalikan. Gusto mo ako at gusto rin kita kaya tayo na) Nabigla naman ako sa mga sinabi nito. "Russel, para naman yatang masyadong mabilis na tayo na." Narinig ko na napamura ito sa kabilang linya. "Bakit Alanis, kinakahiya mo ba ako sa pamilya mo? Dahil wala na akong mga magulang at ulila na ako?" Tumaas na ang tono ng boses nito na ikinatakot ko. "H-hindi naman sa ganon pero kasi Russel, ilang linggo pa lang tayong magkakilala tapos tayo na kaagad? Mabibigla sila." Natahimik ito sa kabilang linya na ikinabahala ko. "Russel naman.." (Do you like me?) Tanong nito at medyo bumaba na ang tono ng boses. "I-I like you of course." (If yes then you will allow me to go to your house) Napabuntong-hininga na lang ako. Bahala na! "Fine. Ipapakilala na kita sa kanila." pagsuko ko. Tila nabuhayan naman ito dahil sa sinabi ko. (Thank you, baby) Napangiti ako. He called me baby pero nangangamba pa rin ako sa magiging reaksyon nila kuya Travis kapag nalaman nila na may boyfriend na ako pero wala naman sigurong masama do'n. Gusto ko naman si Russel at gusto niya rin ako. (Alanis, pinasaya mo ako ngayong gabi at pangako ko na hinding-hindi na kita pakakawalan. Akin ka lang ha?) Hindi ako nakapagreact sa sinabi niya kundi nakaramdam ako ng takot dahil doon. Para kasing inaako na niya ako na sa kanya lang talaga. (I love you, baby. See you tomorrow!) Then he ended the call. Tama ba talaga na naging kami kaagad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD