Chapter 38

1136 Words
ALANIS' POV Tinitigan niya ako hanggang sa buong katawan ko na ang tinititigan niya na ikinailang ko naman. "You're so beautiful, Alanis. Please make love to me. I want you to be officially mine.." Then he kissed me. Hindi kaagad ako nakapagreact sa ginawa ni Russel. Nang hindi pa ako tumutugon sa mga halik niya ay kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napaawang ang bibig ko at nahalikan ko na siya pabalik. Napaisip akong bigla, I'm only 16 years old for pete sake! Oo nga at boyfriend ko si Russel at mahal ko na siya pero kung gagawin kaagad namin ang bagay na iyon ay wala na kaming patutunguhan pa at para ko na rin sinira ang tiwala ng pamilya ko. Sinabi sa akin ng pamilya ko na bago namin gawin iyon ay dapat na mahal ko ang isang tao at kasal na kami. I don't want to dissappoint my parents and my brother. Naitulak ko si Russel palayo sa akin na ikinagulat niya. Nakikita ko ngayon sa mga mata niya ang galit at pagnanasa. "Why did you do that?!" Sigaw niya sa akin at hinablot ang braso ko. Napadaing naman ako sa sakit ng pagkakahawak niya. "R-Russel, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na gagawin lang natin ang bagay na iyon kapag naikasal na tayo?" Matapang kong sabi kahit natatakot na naman ako sa kanya. Binitawan niya ako na ikinahinga ko ng maluwag saka siya tumayo at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. Lumapit siya sa akin at sinampal ako. Yes. He slapped me. Russel slapped me for the first time. Napaluha na ako habang hawak ko ang pisngi kong sinampal niya. "Ako naman talaga ang pakakasalan mo, hindi ba? Uunahan lang natin ang oras na 'yan! Pwede naman tayong magsex bago ikasal, e. Bakit ba ayaw mo? May iba ka na bang nakatalik, ha? Sino? Si Julian ba o 'yung pesteng Gio na iyon? Sabihin mo at nang mapatay ko sila!" Sigaw niya ulit kasabay ng pagtabig niya ng monoblock chair na nasa isang sulok. Napahagulgol na ako at sobra nang natatakot sa kanya. He's accusing me for cheating. Dinamay pa niya sina Julian at Gio na kaibigan ko lang. Umiling lang ako ng paulit-ulit at napahikbi. "H-hindi ko 'yun magagawa..." He laughed sarcastically. Makakaya ko pa bang magstay sa tabi ni Russel? Kung wala naman siyang tiwala sa akin at sinasaktan na niya ako ng paulit-ulit? Never in my life na may sumampal sa akin, even my parents can't do that to me pero iyong lalakeng mahal ko ay sinaktan ako dahil sa mga akusasyon niyang hindi naman totoo. Hindi niya ako iniintindi, ang nararamdaman ko, he only cares for himself. He didn't love me but instead he's obsessed with me. "Iniiyakan mo na naman ako, Alanis. Dahil ba sa sinampal kita? Putangina lang! Kung importante ako sa'yo ay papayag kang magtalik tayo pero may duda ka pa rin! Binibitin mo ako sa mga halik mo. Gusto ko na higit pa doon ang gawin natin. Lalake lang ako at may pangangailangan. Pinagpapantasyahan ka nga ng ibang mga gagong lalake diyan ako pa kaya na boyfriend mo?" sigaw niya. Gusto ko siyang sigawan dahil sa mga masasamang salitang pinagsasabi niya. Papaano nasasabi 'to ni Russel? Pero kailangan ko nang tatagan ang sarili ko. Hindi pwedeng ganito na lang palagi. Ayokong kinokontrol ako ng isang tao. Kung totoong mahal niya ako ay hindi niya 'to gagawin sa akin. Napapagod na ako, pati puso at isip ko ay pagod na rin. "Hindi mo ako maintindihan, Russel. B-bakit mo ginagawa sa akin 'to? Bakit wala kang tiwala sa akin? Sa relasyon natin ay hinayaan ko na ikaw ang masunod. Ginawa ko ang lahat para sa'yo kahit ang kapalit pa nun ay ang kalayaan ko. Hindi kita iniwan dahil alam ko ang hirap at sakit na pinagdaanan mo noon pero hindi sapat 'yon para saktan mo lang ako ng ganito. R-Russel. Napapagod na ako..." Hindi ko na kinaya pa at napaupo na ako sa sahig at napahagulgol ng iyak. Tila natigilan naman si Russel at hindi makapagsalita. "I-I'm already in love with you, Russel pero.. sinaktan mo ako." I said while still crying. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "Baby," Sabi niya na parang naluluha na at akmang lalapitan na sana niya ako nang umiwas ako. "Its our 2nd monthsary tomorrow but I think let's break up.." Masakit man pero hindi ko na kaya pa. We need space. Kailangan niyang matutunan na ang pagmamahal ay hindi lang sa pansariling kagustuhan at pagdedesisyon niya lang kundi dapat ay may tiwala kami sa isa't-isa. Nakita kong umiiyak na si Russel at umiling ng umiling ito. "Hindi, Alanis! 'Wag mong gawin sa akin 'to. Ikakamatay ko kung mawawala ka sa akin..." Ang sakit makita na iniiyakan ka ng taong mahal mo pero mas masakit kung ipagpapatuloy pa namin ang relasyong walang pagtitiwala sa isa't-isa. Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko at sinuot ang coat ko. Akmang aalis na ako nang hinawakan ako sa kamay ni Russel at lumuhod sa harapan ko. Umiiyak siya. Si Russel na mahal ko.. Iniiyakan ako. "Baby, patawad sa mga nagawa ko sa'yo. Sarili ko lang ang inisip ko at hindi ang nararamdaman mo. Patawarin mo ako, magbabago na ako para sa'yo basta 'wag mo lang akong iiwan..." pagmamakaawa niya. Kahit masakit ay tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko at tinalikuran siya. Tumakbo na ako papalabas habang nararamdaman ko na sumusunod siya sa akin. "Alanis, 'wag mo akong iwan!" Sigaw niya nang hindi ko namamalayan na nasa tabing kalsada na pala kami. Hindi ko na lang iyon pinansin at pumara na ng taxi bago pa niya ako maabutan. Nang makapasok na ako sa loob ng taxi ay naabutan ako ni Russel at kinatok ang bintana ng taxi. "Alanis! Mag-usap tayo, magbabago na ako! Please..." Magbago ka Russel, at kung tayo talaga ang para sa isa't-isa ay magiging tayo pa rin hanggang sa huli. Nagpahid ako ng luha at iniwasan na hindi tignan si Russel. "Manong, umalis na po tayo." Tumango lang sa akin 'yong taxi driver kahit parang naaawa rin siya kay Russel. Tuluyan nang pinaandar ng driver ang taxi na sinasakyan ko. Nang tumingin ako sa likod ng bintana ng taxi ay nakita ko si Russel na nakaluhod sa gitna ng daan habang nakayuko at umiiyak. Napatakip na lang ako ng bibig ko at humagulgol. I'm sorry, Russel pero kailangan mong matuto sa mga pagkakamali mo. RUSSEL'S POV Iniwan na niya ako. Ang nag-iisang taong nagparamdam sa akin ng pagpapahalaga at pagmamahal ay iniwan na ako. Pero, hindi! Hindi ako makakapayag na mawala si akin si Alanis ng basta-basta. Babawiin ko siya. Magbabayad ang lahat ng taong humadlang at naging dahilan para iwanan niya ako. Sa akin lang si Alanis, akin lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD