Kabanata 3

1388 Words
EUSEV'S POV "Pre, nakakailang bote ka na ng alak. Tama na 'yan," Suway sa akin ni Henry at pilit inaagaw ang bote ng alak na hawak ko pero tinabig ko siya ng malakas kaya napaatras siya. "At sino ka para pagbawalan ako? Kaibigan lang kita at wala kang karapatang pigilan akong uminom!" Sigaw ko sa kanya at saka muling tinungga ang hawak kong beer. "Let him be, Henry. Hindi na natin siya mapipigilan pang uminom. He's very miserable and heartbroken right now. Lagi naman sa tuwing tinatanggihan siya ni Zelle." Naiiling naman na sabi ni William habang nagve-vape. Natulala nalang ako sa kawalan at hindi ko na mapigilang umiyak. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing tinatanggihan ako ni Zelle. Sa lahat ng babaeng nagkakandarapa sa akin ay siya lang ang walang interes na mapalapit sa akin. Gwapo naman ako at maraming maipagmamalaki pero bakit hindi niya ako magawang magustuhan? Bakit sa pinsan ko pang lampa at mahina siyang nagkainteres? Kay Zelle lang ako nagkakaganito at sobrang mahal na mahal ko siya. "Mahal na mahal ko si Zelle pero bakit ayaw niya sa akin? Gwapo naman ako, mayaman at sikat pa sa buong bayan na 'to kaya ano pang mahihiling niya sa akin?" Sabi ko at hindi ko na napigilang mapaiyak. Naramdaman ko naman na hinagod-hagod nila Joey at Benson ang balikat ko. "Bro. talagang mahal na mahal mo si Zelle, no? Ilang taon na ang nakalipas pero siya pa rin ang mahal mo. Pwede naman nating patahimikin si Yves para lang masolo mo na si Zelle." Sabi ni Benson na sinang-ayunan naman nila Joey. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Gago ka ba? Kahit gusto ko nang mawala sa mundo ang lalaking 'yon eh hindi ko magawa dahil malilintikan ako kina Mom at Dad. Si Yves ang magmamana lahat ng kayamanan ng pamilya nila at kailangan siya ng parents ko para sa partnership na gagawin nila sa kompanya namin. Kung may choice lang ako ay matagal ko nang pinatahimik ang atrebidang 'yon." Sigaw ko naman sa kanya. Natahimik lang siya sa sinabi ko at tumango pagkatapos. "So, ano nang plano mo niyan? Hangga't nandyan si Yves ay hindi ka makakaporma kay Zelle." Tanong ni Henry. Napahigpit ako ng kapit sa hawak kong bote ng beer at tinignan ito ng mariin. "Kung hindi ko maatake ang pesteng si Yves pwede ko namang atakihin si Zelle at sigurado ako na sa gagawin ko ay maghihiwalay na silang dalawa at sa akin na siya mapupunta." Napangisi naman ako. Napangiting umiling nalang ang mga kaibigan ko dahil alam na alam nila ang mga kaya kong gawin makuha ko lang ang gusto ko. JADE'S POV Nandito ako ngayon sa mini playground ng bukid at kasama ko ngayon si Clarence na busy sa pagguhit ng mga tanawin sa paligid namin. Kapatid ko si Clarence at mas bata lang siya sa akin ng isang taon pero hindi niya ako tinatawag na ate dahil hindi naman nalalayo ang edad namin. "Ang ganda ng panahon ngayon," Nakangiting sabi ko habang nakapikit. Iniisip ko na sana ay kasama ko ngayon si Ian at pareho naming ine-enjoy ang magandang tanawin ngayon. Hay Ian, kailan ka ba mapapasaakin? Kahit masungit at palagi mo akong dinededma ay mahal pa rin kita. "Sinabi mo pa. Perfect 'yung panahon ngayon para makaguhit pa ako ng mga magagandang masterpiece ko." Sabi naman niya habang busy sa pagguhit. Nagmulat naman ako ng mata at tinignan ang ginuguhit niya. Yung mismong lugar kung nasaan kami ang ginuguhit niya. Ang artistic talaga ng kapatid ko kahit kailan dahil sobrang ganda ng pagkaka drawing niya. Hindi na ako magtataka kung balang-araw ay malagay sa exhibit ang mga gawa niya. "May future ka talaga sa pagdrawing, Clarence. Bakit hindi ka sumali sa mga art contest online na viral ngayon sa social media?" Tanong ko sa kanya. "Nagpasa na ako ng isa sa mga gawa ko noong isang araw. Sana ay matanggap nga 'yon e," Sabi naman niya saka niya itinigil saglit ang ginagawa niya. Ginulo ko naman ang buhok niya. "Ano ka ba? Think positive lang! Matatanggap 'yan 'wag kang mag-alala." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. "Tama ka, Jade. Dapat ay maging positive lang ako." Sabi niya. Pagkatapos ay itinuloy na niya ulit ang ginagawa niya. Napangiti naman ako nang sa wakas ay dumating na rin sina Zelle at Winona. Paborito kasi naming tumambay talaga dito sa mini playground ng bukid noong mga bata palang kami. "Hello mga hangal!" Maingay na bati ni Winona at saka ito tumabi sa amin. "Ang ingay mo naman, babae! Kita mong nagfofocus ako sa pagdrawing e!" Reklamo naman ni Clarence kay Winona habang busy ito sa pagguhit. Tinawanan naman siya ni Winona. "Masyado namang serious ang buhay mo, Clarence. Kaya hindi ka pa nagkaka girlfriend niyan e, dahil daig mo pa ang babae sa pagkamasungit mo," Pang-aasar niya pa dito. "Hindi ko kailangan ng girlfriend ang kailangan ko ay magandang masterpiece para sa drawing ko kaya manahimik ka diyan." Sabi naman ni Clarence at itinuro pa si Winona gamit ang hawak niyang lapis. Nginisian naman siya ni Winona. "Talaga ba? Kahit si Zelle pa ang mag first move sa'yo?" Bigla namang namula ang buong mukha ni Clarence. "A-ano bang pinagsasabi mo dyan? T-tumigil ka nga." Hindi makatinging sabi nito at saka niya muling itinuon ang atensyon niya sa ginagawa niya. Natawa nalang kaming lahat sa naging reaksyon ni Clarence. Binalingan ko naman si Zelle na busy sa pagtingin sa tanawin. "Nasaan na pala si Yves?" Tanong ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin at ngumiti. Kahit babae ako feeling ko ay natitibo na rin ako kay Zelle. Kamukha pa niya ang kapatid niyang si Ian na love na love ko kaya hindi ko mapigilang hindi humanga sa babaeng ito. "Nandoon siya ngayon sa Maynila at tinutulungan ang parents niya sa business nila. Alam mo namang siya ang magmamana lahat ng kayamanan nila at kailangan na niyang ma-train para dun." Sabi niya. Tumango ako. Si Yves iyong tipo ng lalaking lahat ay gagawin para lang maging deserving siya sa lahat ng bagay. Mabait at masayahing tao si Yves at nakita ko kung paano niya mahalin at alagaan si Zelle noong mga bata palang kami. Mabait siya sa lahat ng tao dito sa San Vicente at wala akong masasabing pangit tungkol sa kanya. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ng mga kapatid ni Zelle dahil wala naman akong natatandaang nagkaalitan sila. "Kung sa bagay. Siya ang tagapagmana." Sabi ko at napahikab nalang. "Hindi ko alam na may half brother pa pala siya." Nagulat naman ako sa sinabi ni Zelle. "Talaga? Ang akala ko ba ay nag-iisa lang siyang anak?" Tanong ko. Ngumuso naman siya at pinaglaruan ang kamay niya. "Ayon rin ang akala ko pero aksidente kong nameet ang kapatid niya dahil nagkabungguan kami sa bar doon sa bayan nang ipakilala ako ni Yves sa mga kaibigan niya. Half brother sila at anak iyon ng Dad niya sa unang naging asawa nito. Hindi ko alam na 'yung nakabunggo ko ay kapatid pala niya. Hindi maganda ang naging trato ni Yves sa kanya doon at ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganon nang makita niya ang kapatid niya." Si Yves ay nagalit? Parang imposible yatang mangyari iyon dahil ang kilala naming Yves ay ni hindi man lang magawang magalit, sumigaw o gumawa ng masasamang bagay hindi katulad ng pinsan niyang si Eusev na salungat sa kanya. "Hmm. Siguro nga ay may issues silang dalawa sa isa't-isa kaya ganon. Ang ibig sabihin pala niyan ay nasa San Vicente lang rin ang kapatid niya?" Tanong ko. Tumango naman si Zelle. "Yeah at 'yung kapatid lang niya ang may issues sa kanilang dalawa. Siguro ay nagulat lang rin si Yves at hindi inaasahan na nandito na pala sa Pilipinas ang kapatid niya. Hinding-hindi nagtatanim ng sama ng loob si Yves sa isang tao at alam mo 'yan, Jade." Paninigurado pa ni Zelle. Sa sinabi ni Zelle ay parang medyo nag-aalangan ako. Hindi raw naging maganda ang trato ni Yves sa kapatid niya kaya ang ibig sabihin nun ay may issue rin si Yves dito? Hindi nalang ako muling nagsalita pa at tumingin nalang kay Zelle na lumapit sa namumulang si Clarence at tinignan ang drawing nito. Talaga bang kilalang-kilala na ni Zelle si Yves?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD