Kabanata 1

1371 Words
ZELLE'S POV Summer na yata ang pinakamagandang panahon para sa akin dahil makakapagpahinga na ako sa mga nakakapagod at nakakasabog ng utak na school stuffs sa paaralan namin. At the age of 19 ay nai-istress na ako nang dahil lang dun at baka malosyang pa ako sa edad ko. Kawawa naman si Yves dahil ayokong magka girlfriend siya ng bata pa pero mukha nang matanda. Ako nga pala si Ryzelle Karimova Alvarez, 19 years old at isang 3rd year college student. I'm taking up Business Administration in St. Louis University. I'm half Filipina/Russian at nakatira ako sa bayan at probinsya ng San Vicente. Si Yves Altamirano ay kababata ko at boyfriend ko na ng 6 years. Masasabi kong siya na ang gusto kong mapangasawa. Mabait siyang boyfriend sa akin dahil ni minsan ay hindi pa niya ako pinagbuhatan ng kamay o nagalit man lang sa akin nang dahil lang sa maliit na bagay. Natalo pa nga niya ang isang anghel dahil sa sobrang kabaitan niya sa lahat. Gentleman, gwapo at higit sa lahat ay magalang pa siya kaya wala na akong ibang mahihiling pa. May mga kapatid ako na puro lalaki. Ang pangalan nila ay sila Kuya Gray, Kuya Ian at Elijah. pangatlo ako sa magkakapatid at masasabi kong sila ang mga kapatid kong overprotective sa akin. Hindi sila aprubado na makipagrelasyon ako kay Yves dahil hindi palagay ang loob nila dito noon pa man pero wala naman silang magagawa dahil mahal na mahal ko si Yves at ipaglalaban ko siya sa kahit na sino pa man. "Yung boyfriend mo pinagyabang na naman na girlfriend ka niya sa mga tropa niyang mayayabang sa kabilang bayan. Tsk!" Biglang pag-imik ni Kuya Ian habang nakahiga ito sa sofa at naglalaro ng moblie games sa cellphone niya. "Ano bang masama dun, kuya? Ibig sabihin lang nun ay proud siyang girlfriend niya ako!" Sabi ko naman at inirapan siya. "Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan mo sa Yves na 'yon, ate eh inagaw ka lang naman niya kay Kuya Mi-" Sabi naman ni Elijah habang nagbabasa ng libro pero naputol rin 'yong sasabihin pa niya nang biglang magsalita si Kuya Gray. "Itigil niyo na 'yan. Siya ang mahal ni Zelle kaya anong magagawa natin?" Sabi naman ni Kuya Gray at nginitian ako. Napailing lang ang dalawa kong kapatid dahil sa sinabi ni Kuya Gray. Mabuti pa itong kuya kong panganay, alam kong tutol rin siya sa pakikipagrelasyon ko kay Yves pero nirerespeto niya pa rin ang desisyon at gusto ko. Kaya siya ang pinakapaborito kong kapatid, e. "Saan niyo gustong magbakasyon? Mom and Dad are very busy right now sa business natin sa Russia kaya tayong apat lang ang makakapag unwine ngayon." Suhestiyon ni Kuya Gray sa amin. Nag-isip naman ako. Magbakasyon? So pwedeng isama ko si Yves? "No boyfriend allowed, Zelle. It's only a vacation trip for Alvarez siblings." Kaagad namang nabasa ni Kuya Ian ang nasa isip ko kaya napatahimik nalang ako at napasimangot. Tinawanan naman nila ako kaya inirapan ko nalang sila. "How about Barcelona, kuya?" Naeexcite na tanong ni Elijah. Umiling naman si Kuya Gray. "Masyadong malayo na 'yon, ja. Dito lang muna tayo sa pinas since may pakalat-kalat pang virus." Sabi naman niya. Bagsak sa balikat naman na tumango si Elijah. Habang nagdidicuss naman sila sa pupuntahan namin ay biglang tumawag sa phone ko si Yves kaya lumayo muna ako sa kanila saka sinagot ang tawag. "Hello, hon?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag. [Nasaan ka ngayon, hon?] Masiglang tanong niya sa kabilang linya. "Nasa bahay lang. Bakit?" Sabi ko. [Pupuntahan kita diyan ngayon. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.] Sabi niya. "Okay. Maghahanda lang ako." [See you later.] Sabi niya saka na ibinaba ang tawag. Nagpunta na ako sa kwarto ko at saka naligo at nagbihis. Nagsuot ako ng blue na ruffles top at itim na skirt at saka itinali ang buhok ko ng half pony. Naglagay rin ako ng light make-up at lipgloss at nagsuot ng white sneakers. Pagkatapos ay nagdala rin ako ng pouch. Makalipas ang isang oras ay nagtext na si Yves na nasa baba na siya ng bahay namin kaya dali-dali akong bumaba ng hagdan. Nang makita ko siya ay napatitig nalang ako dahil sa kagwapuhan niya. He's wearing a color black polo shirt and white jeans habang nakangiti ito sa akin. Lumapit ako sa pwesto niya at hinalikan niya ako sa pisngi. "Ang ganda naman ng girlfriend ko." Nakangiting sabi niya sa akin at tinitigan pa ako. I smiled him back. "At ang gwapo naman ng boyfriend ko!" Sabi ko at pinisil ang pisngi niya. Natawa naman siya sa ginawa ko. Akmang aalis na kami ni Yves nang biglang magsalita si Kuya Ian na nakasandal lang sa gilid ng pader habang nakapamulsa. "Curfew hours." Ayon lang ang sinabi niya at naglakad na ito paakyat sa kwarto niya. Napatahimik naman ako at tinignan si Yves na malungkot lang na ngumiti. "Hindi pa rin pala ako tanggap ng mga kapatid mo para sa'yo." Malungkot na sabi niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya. "I'm sorry..." Umiling lang siya saka muling ngumiti. "That's not important. Ang mahalaga ay kasama kita." Sabi niya at kaagad na akong hinila papalabas ng bahay namin at isinakay sa dala niyang kotse. Pagkatapos ng ilang minutong pagmamaneho ni Yves ay kaagad naming narating ang isang malawak na bar. Ito lang ang nag-iisang bar sa probinsya namin. Pumasok kami sa loob ng bar at nagtungo sa isang VIP room. Nakita ko naman ang mga lalaking sa tingin ko ay mga kaibigan niya. They are all good looking guys at halatang mayayaman rin katulad ni Yves. Medyo nailang pa ako dahil pagkapasok namin sa loob ng VIP room ay halos nakatingin silang lahat sa akin at hindi kay Yves na kaibigan nila. "Guys, I want you to meet my girlfriend, Zelle." Pagpapakilala sa akin ni Yves sa mga kaibigan niya. "Seriously, bro? Ito 'yung kababata mo? Big catch, huh?" Nakangising sabi nung lalaking matangkad at may kulot na buhok saka ito lumapit sa amin at nakipagkamay sa akin. "Nice to meet you, Ms. Beautiful. My name is Preston and I'm your boyfriend's closest friend." Sabi niya habang may malalagkit itong tingin sa akin. Tumango naman ako at alanganing ngumiti. Pilit na ngiti namang tinanggal ni Yves ang kamay kong hawak pa rin ni Preston na ikinatawa lang niya. "Possessive much, bro?" Nakangising sabi ni Preston. Pabirong sinamaan lang siya ng tingin ng Yves at pagkatapos ay hinatak niya ako papunta sa iba pang kaibigan niyang lalaki at nagpakilala sila sa akin isa-isa. His friends are very nice kahit na nakakailang ang mga titig nila sa akin. Mabait rin naman pala si Preston at sinabi niyang pinapagselos lang niya si Yves kanina. He's such a bully to his friend. Yves and his friends are drinking right now habang nasa tabi naman niya ako. Nagpaalam muna akong mag-ccr lang. Tumango siya at sinabi niyang bumalik kaagad ako. Umalis na ako at tinungo ang daan patungo sa washing area. Habang naglalakad ako ay may nakabunggo akong isang matangkad na lalaki na maraming tattoo sa braso. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagulat nalang ako dahil sa angking kagwapuhan niya. He had a strong features at mas lalo pang nakapagdagdag iyon sa appearance niya. He also had a dark hair, may matangos na ilong at tan ang kulay ng balat niya. He's one of the most gorgeous man that I've ever seen. Napatitig rin siya sa akin ng ilang segundo pero di kalaunan ay tumikhim siya na siyang nagpabalik sa katinuan ko. "I'm sorry. I didn't mean to bump you." Paumanhin ko. Ngumiti naman siya sa akin. Pati pagngiti niya ay nakakatulala. "It's okay, my name is Miguel. How about you?" Tanong niya sa akin. "I'm Zelle." Nahihiya kong sabi. Tumango lang siya at nginitian ulit ako. "It's nice to meet you, Zelle. Hindi ko alam na may ganito pa palang kagandang babae na nagpupunta sa bar na 'to." Sabi niya at tinitigan ulit ako. Napayuko ako sa hiya dahil sa sinabi niya. "Zelle!" Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Yves na papalapit sa amin habang nakatitig ng masama kay Miguel. Oh no. I have a bad feeling about this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD