Epilogue

2527 Words
After 5 years... ALANIS' POV I smiled and took a deep breath, I'm already here in my home country, The Philippines. It's been 5 years since I was here. Alam ko na marami nang nagbago dito sa Pilipinas. The structures, people, location and persons changed. Sobrang dami nang nagbago sa akin. I'm a fully grown woman at mayroon nang maipagmamalaki. Nakapagtapos ako ng BS in Interior Design sa Los Angeles at may trabaho na rin ako. I'm already 21 years old at matured na rin hindi katulad noon na cry baby at mahina pa ako. Masaya namang tumira sa amerika dahil marami akong mga nameet na mabubuting kaibigan doon pero iba talaga kung sa kinabisnan mong bansa ka lulugar ulit. My Kuya Travis is still dealing from his dream job to be a Psychiatrist. Nasabi ko na ba sa inyo na engaged na sila ni Lara? Yes. Kuya Travis courted Lara 3 years ago. Mga bata pa lang kami ay alam kong may pagtingin na si kuya sa bestfriend ko. Tignan mo nga naman, hindi man sila nagkatuluyan nung una ay sila pa rin talaga hanggang sa huli. Si Uste ay nasa U.K pa rin at may trabaho na ito. He took a Business Administration major in Management dahil sa kanya ipapamana ang kompanya ng mga magulang niya doon. He's the only son kaya sa kanya lahat mapupunta ang mga ari-arian at business ng pamilya niya. Kasama niya sa U.K ang girlfriend niyang si Chloe na kapatid ni Julian. Masaya ako at natutunan nang mahalin ni Uste ang babaeng matagal nang nandiyan para sa kanya. Si Lara naman ay isa nang Public Elementary Teacher sa Masbate. Paminsan-minsan ay dumadalaw si kuya Travis sa Pilipinas para makasama si Lara tuwing monthsary o anniversary nila. They are now happy at masaya rin ako para sa kanila. Si Inah ay teacher na rin kasama si Lara. May fiancé nga raw siya na ubod raw ng pagkamanyak na nameet niya noon sa Maynila. Hindi niya alam na ayon pala ang ipagkakasundo sa kanya ng pamilya niya. Sa katarayan ni Inah ay sigurado ako na titiklop kung sino man ang manyak niyang fiancé. Si Gio naman ay isa nang Engineer. Kahit noon pa man ay ayon na talaga ang pangarap niyang work sa buhay. He confessed before that he loves me pero tinanggihan ko siya. Hindi siya nagdamdam sa sinabi ko at lubos na naiintindihan ako kaya hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami. Si Marinel ay nandito na rin sa Pilipinas para umattend sa gaganapin na YG Academy Allumni Ball. Kasama niya siyempre ang kanyang boyfriend na si.. Neil. Yes, si Neil nga ang nakatuluyan niya. Ang akala ko nga ay si Denver ang makakatuluyan niya pero hindi pala. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero masaya na rin ako para sa kanila. Si Denver naman ay bigla na lang raw umalis ng Pilipinas nang nagkabalikan sina Marinel at Neil. Hindi ko naman siya masisisi doon dahil baka gusto niyang mag move-on at lumayo muna sa kanila. I feel sorry for Denver dahil alam kong mahal na mahal niya rin si Marinel. Julian is still my friend. Palagi kaming nagkakausap sa Skype at sinasabi niya palagi na miss na miss na raw niya ako. Isa na rin siyang tagapamahala sa YG Academy bukod sa pagpapatakbo nito ng kompanya ng mga magulang niya. He still loves me. Gusto ko na siyang mag move-on pero hindi pa raw niya kaya sa ngayon. Apat na taon na pero mahal niya pa rin ako. Nakakakonsensya nga dahil hindi ko siya magawang mahalin pabalik dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay sa iisang lalake pa rin tumitibok ang puso ko. Kumusta na kaya si Russel? Wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya dahil ang sabi nila mama at papa ay inilipat na raw sa ibang Mental Hospital si Russel simula nung magwala siya at muntik nang makasaksak ng isang pasyente sa unang Mental Hospital na pinagdalhan sa kanya na pinuntahan ko noon. Pagkatapos kong magpaalam sa kanya na aalis na ako ng Pilipinas ay saka niya ginawa ang bagay na iyon. Ano na kaya ang kalagayan niya ngayon? Okay lang kaya siya? Gumaling na ba siya sa sakit niya? Sobrang miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang makita balang araw. I saw my reflection in the mirror. I'm wearing a black fitted dress. Kung noon ay itim at straight ang buhok ko ngayon ay medyo wavy na ito at kulay brown na. Kung noon ay maputi ako, ngayon ay mas lalo pa akong pumuti. Medyo nagkalaman na rin ang katawan ko at mas lalo raw akong gumanda at sumexy. Nawala na talaga ang dating image ni Alanis na iyakin at inosente. Nasa bahay ako at nandito ngayon sila Lara, Gio at Inah. Kanina pa nila ako tinititigan na ikinaiilang ko. Hindi sila sasama sa YGA Allumni Ball dahil hindi naman sila sa YGA nag-aral pero lumuwas pa sila ng Masbate para lang makita ako. "Kanina pa kayo nakatitig sa akin, ha? Nakakailang na!" Sabi ko at tumingin sa ibang side. "Kung noon kasi ay maganda ka, Alanis. Ngayon ay mas lalo ka pang gumanda at sumexy. Nakaka insecure! Sana pala ay tumira na rin ako sa Los Angeles para ganyan na rin ako kaganda katulad mo." Kunwaring nagtatampong sabi ni Inah. "Oo nga, Alanis. Para ka nang artista. Mukha ka nang Korean actress at Kpop Idol na si Kim Jisoo." Sabi naman ni Lara. Kim Jisoo? Sino iyon? Tumingin naman ako kay Gio. Nakatitig lang siya sa akin ng malalim kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit parang may nag-iba na dito kay Gio? Pero seriously, mas lalo pang gumwapo itong si Gio. Sigurado ako na pinagkakaguluhan na siya ng mas marami pang mga kababaihan ngayon. Tumayo na lang ako at nagpout. "Nacoconcious tuloy ako sa mga pinagsasabi niyo. Ako-" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang may nagdoorbell. Nandyan na yata si Julian na siyang maghahatid sa akin sa YGA. "Nandyan na ang gwapo mong sundo." Mapanuksong sabi ni Lara. I just glared at her fakely na ikinatawa lang niya. Nasaan na ba kasi si kuya Travis at bakit wala pa siya dito sa bahay? 'Yung fiancé niya tuloy ay inaasar ako! Nagtungo na ako sa gate namin at pinagbuksan ang taong nagdoorbell. Pagkabukas ko ng gate ay si Julian ang bumungad sa akin. He is wearing a black tuxedo with a white necktie. Naka brush-up ang buhok niya at may white wristwatch sa kanang kamay niya. He looks so different now. Mas lalo pa siyang gumwapo at tumangkad. Mukha na nga siyang isang Supermodel kung titignan. When he saw me ay napanganga siya at tinitigan ako. Nakakailang ang mga titig niya. "s**t. You're really damn beautiful and gorgeous, Alanis," Sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin. I just smiled at yumuko. Bigla yatang pumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "S-Salamat. Halika, pasok ka." Nahihiya kong sabi at hinila na papasok ng bahay si Julian. When we entered the house ay nakita ko pang napanganga at mukhang namangha sina Lara at Inah pagkakita nila kay Julian. Talaga naman kasing gwapo si Julian kaya hindi ko masisisi kung bakit natulala ang mga kaibigan ko sa kanya dahil sa angking kagwapuhan niya. Si Gio naman ay narinig kong nag 'tsk' at nanahimik na lang. What's happening to Gio? Bakit parang may iba na sa kanya? "Hi sa inyo!" Nakangiting bati ni Julian sa mga kaibigan ko. Nagniningning naman ang mga mata nina Lara at Inah na tumango. Nako! Kapag nakita talaga ito ng mga fiancé nila ay sure ako na mabubugbog si Julian ng 'di oras. Nakangiting bumaling sa akin si Julian at inoffer ang isa niyang kamay sa akin. "So, let's go?" I just smiled and nodded at him then I take his hand at bumaling na sa mga kaibigan ko. "Paano, aalis na kami ni Julian. Mag-usap na lang tayo mamayang gabi." Tumango naman sa akin ang mga kaibigan ko. "Mag-iingat kayo!" Sabi nina Inah at Lara. Tumango lang si Gio at nginitian ako. Tumango naman kami ni Julian at lumabas na ng bahay pagkatapos ay pinasakay niya na ako sa dala niyang kotse. Ako ang nasa front seat habang siya naman ay nasa driver's seat. Kahit nasa loob na kami ng kotse ay nararamdaman ko pa rin ang pagtitig niya sa akin. "Don't stare at me like that," Nahihiya kong sabi at iniwas ang tingin ko sa kanya. Julian just chuckled. "Ang ganda mo lang kasi talaga and I can't stop myself staring at you the whole time." Sabi pa nito at pinaandar na ang kotse niya. Natahimik lang ako at hindi makapagsalita. Pulang-pula na talaga ang mukha ko panigurado! Mabilis rin kaming nakarating sa YGA at bumaba na ng kotse ni Julian. When we entered in our school ay maraming mga kabatch namin ni Julian ang nandito at sa amin sila lahat nakatingin habang naglalakad kami sa red carpet na nilagay bilang entrance ng mga dating estudyante ng YGA. Napakapit pa akong lalo sa braso ni Julian at bumulong. "Sa atin sila lahat nakatingin. Nahihiya ako." sabi ko ng pabulong. Julian smiled. "Don't mind them. Talagang nagagandahan lang sila sa'yo." "Baka nagaguwapuhan sa'yo!" Sabi ko at pabirong umirap sa kanya. Umiling lang siya at napangiti. Nang nasa may mga reserved tables na kami ay nakita ko kaagad si Marinel kasama si Neil. Lumapit naman kami ni Julian sa puwesto nila. Nang mapansin kami ni Marinel ay kaagad nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin. "Oh my god! Ikaw na ba 'yan, Alanis? Wow! Ang ganda ganda mo na talaga!" Sabi ni Marinel at kaagad akong niyakap. I hugged her too. "Ako na nga 'to, Marinel. Namiss kita!" Sabi ko. Hinarap niya ako sa kanya at nginitian. "Hay nako! Natalbugan mo na naman ang beauty ko. Nung wala ka dito ay ako ang Diyosa ng kagandahan pero nandito ka na naman kaya mai-ichapwera na ang beauty ko nito!" Pabirong sabi niya. Natawa na lang ako. "Sira!" Marinel just laughed at bumaling naman ako kay Neil. He shake his hand to me at nginitian ako. Gwapo pa rin at attractive si Neil kaya talagang bagay sila ni Marinel. "Long time no see, Alanis. Welcome." bati niya. "Salamat, Neil." Sabi ko. Bigla namang tumikhim si Julian kaya kaagad ko nang binawi ang kamay ko kay Neil. Neil laughed. "Seloso ka naman, bro!" Neil said. Umiling lang si Julian at tinitigan ng masama si Neil. Tinawanan lang namin ulit siya. The party started. May kantahan, sayawan, pa-games at kainan rin. Maraming napapatingin sa akin pero dahil kasama ko si Julian ay umiiwas kaagad sila ng tingin sa akin. Nang maging slow dance na ang sayaw ay kaagad akong hinila ni Julian paakyat ng stage kaya napatigil ang lahat ng mga ka-batchmate namin sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa amin. "Julian, anong ginagawa natin dito?" Nagtataka kong tanong. Julian held my both hands at ngumiti siya ng malungkot. "I guess this is my last time to say that.. I love you. Alam kong apat na taon na ang nakalipas pero siya pa rin ang mahal mo. Masyadong maraming nangyari sa loob ng apat na taon at wala ka nang balita sa mga nangyayari sa kanya. Fate will bring you and him here, Alanis.." Naluluha na ako sa mga pinagsasabi ni Julian. "Bakit mo sa akin sinasabi 'to?" I cried at pinunasan ang tumutulong luha sa mga mata ko. I saw Julian is about to cry pero pinipigilan niya lang iyon. "J-just be happy, Alanis. Goodbye.." Sabi nito at binitawan na ang mga kamay ko at bumaba na sa stage. Naiwan ako habang ramdam ko pa rin na nasa akin lahat ang atensyon ng mga tao. The slow music stopped at nawalan ng ilaw ang buong paligid. Bigla namang lumiwanag ang isang pintuan malapit sa stage na katapat ko lang at lumabas doon ang isang lalake na gustong-gusto ko nang makita at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. He is wearing a white tuxedo and holding a bouquet of roses while looking at me. His face is still the same but more in a handsome, gorgeous and sexy way. Messy ang buhok niya na mas lalo pang nagpabagay sa kanya. May eyeglasses na rin siya sa mata na mas lalo pang nagpa-attract sa itsura niya. He looks taller than before and have a lot of charisma. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko habang papalapit siya sa akin. My feet was stuck on the floor at hindi ko na iyon maigalaw pa. Tell me, Am I dreaming? My Russel. He's here. He's infront of me. Inabot niya sa akin ang bouquet of roses na hawak niya at nginitian ako. "Welcome back, baby." He said. And I cried. Nagbago siya para sa sarili niya. Masaya ako na gumaling na si Russel at ngayon ay nasa harapan ko na siya. He hugged me. "I really miss you, baby..." he said. Kumalas siya ng yakap sa akin at iniharap ako sa kanya. I saw in his eyes that he's not the Obsessed Guy Pretender that I knew before. He became more real. "I miss you too, baby..." Sabi ko naman at nginitian siya habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Nagliwanag na ang buong paligid at nagpalakpakan ang lahat ng tao dito sa loob ng YGA. Laking gulat ko nang makita ko sa table namin nila Marinel si mama na umiiyak habang nakangiting nakatingin sa amin ni Russel. Si papa na tumango lang habang nakangiti rin. Si kuya Travis na kaakbay si Lara. Si Inah na kayakap yung.. teka? 'Yung kapatid ni Russel na si Ruan 'yon 'di ba? Don't tell me na siya ang fiancé ni Inah na tinutukoy niya sa akin? At si Gio na naka cross-arms lang at tumango sa akin but he's still weird for me. Napatingin ulit ako kay Russel at laking gulat ko nang lumuhod siya sa harapan ko at may kinuha mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Napatakip na ako ng bibig ko at nagsimula nang maghiyawan ang lahat. "Alanis, dumaan man tayo sa maraming pagsubok. Nabaliw man ako dahil sa pag-ibig ko sa'yo. Sinaktan man kita o pinagbawalan sa lahat ng gusto mo. Nagkalayo man tayo at matagal na hindi nagkita. Ginawa ko ang sinabi mo, nagpagaling ako at binago ko ang sarili ko. Gusto ko na ipagmalaki mo ako at mahalin ka ng may kalayaan sa akin. Mahal kita kaya ginawa ko 'yon. And this time, I want to be the guy that can love you endlessly. A guy that will understand and protect you at all times. A guy that will take care of you until our last breath and a guy who's no longer obsessed with you. Alanis Vien, will you marry me?" He said at may inilabas itong isang kumikinang na bagay. It's a diamond ring. My whole world suddenly stopped at halos hindi na makapagsalita pa kaya tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kanya. He smiled at isinuot nito ang singsing sa akin. Tumayo siya saka niya ako niyakap nang mahigpit. "You're now my Mrs. Madrid.." Then he kissed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD