ALANIS' POV
It's been 3 months since something came happened. Maraming mga pagsubok ang nangyari pero nakakaya ko namang malampasan ang lahat ng iyon. Lahat naman ng tao ay dumadaan sa pagsubok at problema, ang iisipin lang natin ay ito ang obstacles na ibinigay sa atin ng Diyos para maging matatag tayo.
Sa loob ng tatlong buwan ay hindi ko pa rin nadadalaw sa Mental Hospital si Russel dahil hindi pa ako handa na makita siya sa lagay niya pero ang sabi naman ni Uste ay nakikita na ang unti-unting pagbabago sa kanya. Araw-araw daw itong dumadaan sa therapy at pinapainom rin ng gamot para sa sakit niya. Natutuwa ako at nasa mabuting kalagayan siya. Sana ay magtuloy-tuloy pa iyon para gumaling na siya.
I still love him despite of what he had done to me. Minahal ko na siya sa mga pagkakamali at paghihigpit niya. Siya pa rin ang itinitibok ng puso ko at wala na yatang papalit pa sa kanya sa puso ko. I know he's my fate at sana sa paglipas ng panahon ay unti-unting magbabago at gaganda ang takbo ng mga buhay namin.
Russel is my everything, alam ko na kaya niyang magbago at maging matatag para sa sarili niya.
Si Julian ay kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na gusto pa rin talaga niya ako pero sinasabi ko sa kanya na sana ay maging magkaibigan na lang kami. Naiintindihan naman niya ako at sinusuportahan sa lahat ng gusto ko.
Nasa bahay ako ngayon at weekends na. Kasama kong kumakain ng dinner sila mama, papa at kuya Travis.
Napapansin ko na kanina pa tahimik si mama at hindi mapakali samantalang sina papa at kuya Travis naman ay sumusulyap-sulyap sa akin. I found them very weird kaya nagtanong na ako.
"May problema po ba? Parang ang weird niyo yata ngayon," Sabi ko at itinuloy ang pagkain ko.
Tumikhim naman si papa at biglang sumeryoso ang mukha niya. "Alanis, we have something to tell you."
Napatigil ako sa pagkain ko. "Ano po 'yon?"
Nagpakawala muna ng buntong-hininga si papa bago ito nagsalita. "We're going to live in Los Angeles in the next few days. Doon na na-assign ang trabaho ko and it's already permanent."
Hindi ako makapagsalita at parang maiiyak na. Doon na kami titira sa amerika?
Paano na ang mga kaibigan ko? Mga kakilala ko? at paano na siya?
"Are you serious, pa? Ayokong umalis dito sa pilipinas!" Tuluyan na akong umiyak. Dinaluhan na ako ni mama habang si kuya Travis naman ay tahimik lang na nakayuko.
"It's for you and your brother's future, Alanis. Kapag doon na tayo titira sa amerika ay mabibigyan ko pa kayo ng magandang kinabukasan. Ayoko man na tuluyan kayong ilayo ni Travis sa mga kaibigan niyo at kakilala niyo dito sa Pilipinas ay wala na akong magagawa dahil para naman sa inyo ito. Sana ay maintindihan mo ako, anak." Malungkot na sabi ni papa.
Napapikit ako at nagpunas ng luha. Bakit kailangan pang mangyari na umalis kami at lumayo?
Masaya na ako dito sa Pilipinas at ayokong iwan ang taong mahal ko, si Russel.
"Uuwi pa po ba tayo dito sa Pilipinas kapag umalis na po tayo papuntang amerika?" Tanong ko habang humihikbi.
Ngumiti naman si papa at tumango. "Oo naman. At alam naman namin na gusto mo pa rin siyang makita. Mahal mo pa rin si Russel, hindi ba?"
Ang pamilya ko, alam nilang sobrang laki ng kasalanan ni Russel sa akin pero naiintindihan nila ito at hindi hinuhusgahan.
Dahil mahal ko si Russel sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ay naniniwala rin silang magbabago ito. Masuwerte ako dahil may pamilya ako na katulad nila.
Tumango ako at ngumiti. "Mahal na mahal ko po siya, papa.." Si mama naman ay napangiti sa sinabi ko at sinapo ang buong mukha ko.
"Princess, balikan mo dito si Russel kapag isa ka nang matured at fully grown woman. Kung siya lang talaga ang makapagpapasaya sa'yo ay hindi ka namin hahadlangan sa gusto mo. Ang lahat ng taong mahal mo ay mamahalin rin namin."
Tama si mama. Babalikan ko si Russel kapag isa na akong buong Alanis Vien at sana sa oras na balikan ko siya ay nagbago na rin siya.
Tumayo bigla si kuya Travis at niyakap ako. "Wala naman akong magagawa kung mahal mo pa rin si Russel basta ang sa akin lang ay iingatan mo palagi ang sarili mo." sabi ni kuya. Tumango ako.
"Opo kuya, maraming salamat sa pagsuporta mo sa akin." Kuya Travis just smiled.
***
Nandito ako ngayon kasama si Julian sa Veranda ng kwarto ko. Sasabihin ko na sa kanya ang pag-alis ko ng Pilipinas sa susunod na araw. Alam kong mabibigla siya sa sasabihin ko pero kailangan niya itong malaman.
"Ano bang sasabihin mo sa akin, Alanis at pinatawag mo pa ako dito sa bahay niyo para lang makausap ng personal?" Nakangiting sabi ni Julian habang nakaupo sa railings ng veranda ng kwarto ko at ako naman ay nakatayo lang sa tabi niya.
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "K-kasi Julian, sa amerika na kami titira ng pamilya ko.. Doon na na-assign ang trabaho ni papa kaya kailangan na naming lumipat doon."
Tumawa naman siya. "Nagbibiro ka lang, right?"
Umiling ako.
"Hindi, Julian. Nagsasabi ako ng totoo. Sa makalawa na ang alis namin." Bigla naman siyang natahimik kaya nilingon ko siya. Nakatingin lang si Julian sa malayo at napangisi.
"Bakit kailangan mo pang lumayo? Hindi ba pwedeng hindi ka na lang sumama doon?" Sabi niya at humarap ito sa akin.
I was so shocked when I saw him crying. Iniiyakan niya ako, ni Julian Saavedra.
I hugged Julian at umiyak na rin. "K-kailangan kong sumama, pati sila kuya Travis at mama ay kasama ko rin doon."
Masakit makita na maiiwan ko ang mga taong naging importante na sa buhay ko. Mabuting tao at totoong kaibigan si Julian kaya sobrang hirap na hindi ko na siya muling makakasama pa.
Inihirap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. "Paano na ang pag-aaral mo? Paano na ang mga kaibigan mo? Paano na ako?" Naging garalgal na ang boses ni Julian at pinipigilan ang pagtulo ulit mga luha niya.
I'm hurting him slowly.
"M-magkikita pa rin naman tayo e. Basta 'wag mo lang akong kakalimutan. May video chat naman, hindi ba? Kaya magkikita pa rin tayo." sabi ko. Umiling lang siya at ngumiti ng peke.
"Ikaw ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Hindi na nga naging tayo tapos malalayo ka pa sa akin. Ang malas ko naman!" Tumawa pa ito at umiling ulit.
"I'm sorry, Julian.." Tanging nasabi ko na lang. Pagkaraan ay tumango lang siya at nginitian ako.
"Basta mag-iingat ka doon, ha? 'Wag na wag kang magpapalipas ng gutom, magpapakapagod at maghanap ng ibang gwapong kaibigan bukod sa akin." Natawa naman ako doon kaya hinampas ko siya ng pabiro sa braso niya.
"Syempre naman. Ikaw pa ba." Ngumiti siya pagkaraan at biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Paano na siya?" Napahinto ako at hindi makapagsalita.
Paano na nga ba siya? Ang lalakeng mahal na mahal ko at importante rin sa akin.
I just closed my eyes.
"Fate will bring us together soon, Julian."