INAH'S POV
Ngayong araw na ito ay pupunta ako ng Maynila at aattend sa kasal ng tita ko. Si mama ang inatasan na pumunta pero ako na lang ang aattend dahil hindi niya na raw kayang bumiyahe ng malayo dahil matanda na raw siya at madaling mapagod.
Jusko! Ang sabihin lang niya ay tinatamad siyang umalis ng bahay. Ako kasi palagi ang pinapa-attend niya sa mga gatherings o lakad ng pamilya namin kapag busy o tinatamad siya. Kaya nga minsan ko na lang makabonding ang mga kaibigan ko dahil doon pero kahit puro reklamo at utos sa akin ang mama ko ay mahal na mahal ko iyon.
Kaming dalawa na lang kasi ang magkasama sa buhay dahil may asawa na ang kuya ko habang nasa ibang bansa naman ang papa ko at doon nagtatrabaho. Gusto ko sanang puntahan si Alanis sa kanila kaso ay kukulangin na rin ako sa oras dahil isang araw lang naman ako magtatagal sa Maynila at uuwi na kaagad ako sa Masbate. Kami nga na mga kaibigan niya ay wala nang balita sa kanya.
Nakalimutan na ba kami ni Alanis dahil may bago na siyang mga kaibigan sa Maynila? Sana ay huwag naman.
I arrived in Manila safely at 1:30 pm. Maganda at commercial city talaga dito pero mas sariwa ang hangin at tahimik lang sa Masbate. Sinend na sa akin ni mama ang address ng church kung saan gaganapin ang kasal. Nag commute lang ako at ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa harap mismo ng simbahan.
Lalakad na sana ako papasok nang simbahan nang marinig kong may sumisipol sa akin. Napakunot-noo ako at lumingon sa pinanggagalingan ng ingay na 'yon.
Pagkalingon ko ay may isang matangkad at gwapong lalake ang nakangsi sa akin habang nagli-lipbite pa. Nakasandal siya sa railings ng hagdanan ng simbahan.
Aba! Ang bastos naman ng lalakeng ito para sipulan ako. Bakit pa kasi ako nagsuot ng puting sleeveless dress? Dahil tuloy dito ay nae-expose ang buong balikat ko.
Gwapo nga siya pero ang bastos naman!
Tinitigan ko siya ng masama at lumapit sa kanya. "Anong problema mo?" Mataray kong tanong at nanggigigil na dahil hanggang ngayon ay nakangisi pa rin siya.
Mukha siyang chinese o hapon dahil singkit ang mga mata niya. Medyo kamukha nga niya 'yung boyfriend ni Alanis sa picture na ipinakita sa akin ni Lara na si Russel pero mas maputi itong si bastos at mas singkit.
Tumawa lang ang lalakeng ito at napansin ko na nakaputing polo shirt siya at black pants. Aattend rin siguro siya sa kasal ng tita ko. Baka kamag-anak niya o kakilala nito 'yung mapapangasawa ni tita.
"Wala. Ang sexy mo lang kasi kaso maliit ka at ayoko ng maikli ang buhok sa isang babae kaya hindi kita type." Umiling pa siya at kinindatan ako.
Ano daw? At teka.. Nilait ba ako ng lalakeng ito? Nilait ang height at hairstyle ko?
Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang kanyang munting sandata kaya napaluhod siya sa hagdanan ng simbahan habang namimilipit sa sakit. Buti nga sa kanya! Ang bastos na nga tapos nanlalait pa?
Hindi man ako kasing ganda nina Alanis at Lara pero cute naman ako at malakas ang karisma!
Siya naman ang tumitig sa akin ng masama. "Bakit mo sinaktan ang junior ko? Alam mo ba na kapag nawala ang bisa nito ay maraming iiyak na babae dahil sa panghihinayang? Sa gwapo kong 'to ay hindi pwedeng mabaog ako!" Sigaw niya.
Napalingon ako sa paligid at nakita kong pinapanood na pala kami ng mga tao at ang iba sa kanila ay nagpipigil ng tawa habang ang mga babae naman ay nakatingin sa akin ng masama.
Ano bang ginawa ko sa mga babaeng ito? Tusukin ko ang mga mata nila eh!
Bastos na nga, laitero na tapos mayabang pa. Sayang ang kagwapuhan niya kung ganito lang siya. Lahat ng pangit ay nasa kanya na!
Ngumiti lang naman ako ng mapang-asar at binelatan siya. "Buti nga sa'yo. Hambog!" Sabi ko at nagsimula nang maglakad papasok ng simbahan pero bago pa man iyon ay sumigaw siya na hawak pa rin ang junior niya habang namimilipit ito sa sakit.
"Humanda ka sa akin babae ka! Matitikman mo ang paghihiganti ng isang Ruan Madrid. Tandaan mo 'yan!" Umirap lang ako at kumaway sa kanya saka pumasok sa loob ng simbahan.
Ruan pala ang pangalan niya. Ang ganda ng pangalan pero ang pangit naman ng pagkatao!
ALANIS POV
Hindi ko na masyadong pinapansin ang mga mapanuring tingin sa akin ng mga estudyante dito sa YGA. Wala na akong pakialam pa kung pag-usapan man nila ako. Ayoko na silang alalahanin pa.
Lumipat na ulit ako sa tunay na klase ko kaya kinamusta ako ng mga kaklase ko kabilang na doon sina Marinel at Denver. Napansin ko naman na absent si Neil.
Pero masaya na rin ako para sa kanilang dalawa. Alam ko naman kasi na mahal ni Denver si Marinel at hindi niya sasaktan ang kaibigan ko hindi katulad ng ginawa ni Neil.
"Nadalaw mo na ba si Russel sa Mental Hospital?" Tanong sa akin ni Marinel.
I sighed. "Hindi pa." Tumango naman siya.
"Ngayon na alam mo nang baliw at obsessed na pala sa'yo si Russel.. ano nang gagawin mo?"
"Gusto ko na tuluyan na siyang gumaling. Ipapagamot siya ni papa sa Mental Hospital na pinagdalhan sa kanya. Patay na rin si Don Fiñero kaya wala nang sasagot sa mga gastusin niya do'n." sabi ko.
Ayon lang naman ang gusto ko. Ang magbago at gumaling si Russel.
Marinel smiled. "Mahal mo na ba siya?"
I shyly nodded.
"Kahit na ganon si Russel ay minahal mo pa rin siya?" Gulat niyang tanong.
Tumango ako. "Oo Marinel, hindi ko alam kung bakit. Nakita ko kasi sa kanya ang mga bagay na dapat kong gawin para maging independent ako. Maging mapagmahal sa kung sino at ano ako at magtiwala lang sa sarili ko. Hindi siya masamang tao at nararamdaman ng puso ko 'yon. Alam ko na kaya niyang magbago. Russel is the bravest man that I've known. Marami man siyang nagawang kasalanan sa atin ay ramdam ko na magsisisi siya."
Tama nga ang sinasabi nila na love is unconditional. Pwedeng magmahal ang pangit sa maganda, mataba sa payat, lalake sa babae, babae sa babae, lalake sa lalake, bakla sa lalake o tomboy sa bakla. Walang pinipili ang pagmamahal. Kaya siguro kahit ilang beses na akong sinaktan ni Russel ay mahal na mahal ko pa rin siya.
Ako naman ang tumingin kay Marinel. "Ikaw, okay ka na ba, Marinel?" May pag-iingat kong tanong.
Ngumiti lang siya ng malungkot. "Okay na ako. Nandiyan naman si Denver na new friend ko para sa akin."
Denver will never hurt you, Marinel.
Pagkatapos naming mag-usap ni Marinel ay lumapit sa akin si Julian na parang natetense at kinakabahan. Ano bang nangyari sa kanya?
"A-Alanis, m-may gusto lang sana akong ipagtapat sa'yo," Sabi niya sa kinakabahang tono.
Ano ba ang ipagtatapat niya sa akin at parang kinakabahan siya? Na bakla siya at sumali na sa federasyon? Huwag naman sana. Sayang ang magandang lahi niya.