ALANIS' POV
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Russel kahapon sa Gymnasium. Bakit ko ba hinayaang halikan niya ako? At bakit ako tumugon sa mga halik niya?
May gusto na ba talaga ako sa kanya? Sabi niya kasi gusto niya rin ako at nadala ako ng emosyon.
Hays! Nakakasakit ng ulo! He got my first kiss too!
"Alanis, Okay ka lang ba? Bakit parang matamlay ka?" Puna sa akin ni Marinel na busy sa pagtetake down ng notes namin sa English.
Sasabihin ko ba sa kanya na naghalikan kami ng Student School President ng YGA? Kaibigan ko na rin naman siya kaya wala namang masama kung sabihin ko iyon sa kanya, hindi ba?
I took a deep breath at humarap sa kanya. "Kahapon sa Gymnasium. Si R-russel at ako.. we k-kissed.." I confessed.
"What?"
Napalakas naman ang tono ng boses ni Marinel dahil sa sinabi ko at napatayo pa. Nagtinginan tuloy sa kanya ang mga kaklase namin. Mabuti na lang at lumabas sandali ang adviser namin para pumunta sa office niya.
"Sorry," Paumanhin niya sa mga kaklase ko at umupo na ulit.
"Bakit? Papaano? Ano?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Wait a minute, Marinel! Isa-isa lang, ha?" Kumunot naman ang noo nito at pinanliitan ako ng mata.
"May gusto ka ba kay President?" Nabigla naman ako sa tanong niya.
"H-hindi ko alam," Tanging nasabi ko.
Sumandal naman siya sa armchair niya at tinignan ako. "Alanis, if you like him then take a risk. Sa tingin ko eh gusto ka rin naman ni President. The way he looks at you yesterday dito sa classroom at pinuntahan ka pa talaga niya para i-tour ka sa YGA ay proof na gusto ka nga niya. Wala naman sigurong masama do'n."
"Pero, parang ilang araw pa lang kaming magkakilala tapos ganon agad? Masyadong mabilis," sabi ko.
"Wala sa tagal ng pinagsamahan yan, kung gusto mo siya then go. Kung ligawan ka niya then go."
Kung liligawan nga ba niya ako ay bibigyan ko siya ng chance? Wala namang problema iyon kay mommy dahil gusto na nga niya akong magka boyfriend pero magustuhan kaya siya nila papa at kuya Travis?
"Do you think Russel is a right person for me?" Tanong ko out of nowhere.
Marinel slightly nod. "I think, pero he looks so mysterious kasi, e. Hindi ako sigurado pero sa nakikita ko naman kay President ngayon ay mabuting tao siya para sa'yo."
"He said that he likes me." Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko at nginitian ako.
"Ayon naman pala e-"
Hindi na natuloy pa ni Marinel ang sasabihin niya nang dumating na ang adviser namin at pinagpatuloy na nito ang naudlot na lessons niya.
Breaktime na at kasama ko ngayon si Uste. Mukhang wala naman siyang kaalam-alam sa nangyari sa amin ng bestfriend niya kahapon.
Naaalala ko na naman ang kiss na iyon at sobra akong nahihiya sa ginawa kong iyon!
"Hi sa inyo!"
Napaiwas ako nang tingin nang dumating si Russel at umupo sa tabi ko. Nagkamayan naman sila ni Uste.
Ang awkward para sa akin nito. Katabi ko ngayon ang lalakeng nagpapagulo ng sistema ko.
"Nag-inspect ba kayo ngayon ng buong Student Council sa Townsite?" Tanong ni Uste at ngayon ko lang napansin na naka t-shirt na blue at black jeans si Russel.
"Yeah. Chineck namin ang mga plants doon sa Townsite at nilagyan na rin ng mga fertilizer para mabilis na ang pagtubo." Sagot nito na tumingin sa akin at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng table namin.
Namuo muli ang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko dahil sa paghawak niya sa kamay ko.
"Mas mabuti 'yon." Biglang tumunog ang phone ni Uste kaya tumayo muna siya at nagpaalam sa amin para sagutin ang tawag niya.
"Tumatawag si Lara, sandali lang." Paalam niya hanggang sa kaming dalawa na lang ni Russel ang nasa table.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko lalo na nang magkalapit na naman kami.
"Kumusta ka? Namiss kaagad kita." sabi niya at dagling hinalikan ang kamay ko.
Napalingon naman ako kaagad sa paligid. Mabuti na lang at walang nakakita sa ginawa niya.
"R-Russel.. please stop doing this. Baka pag-isipan nila tayo ng masama." Sabi ko at binitawan ang kamay ko na hawak niya.
"Ano bang masama sa ginagawa ko?" Tanong niya.
"Hindi tayo para gawin mo 'yan." Sabi ko naman.
Napangisi naman siya sa sinabi ko. "Baka yata nakakalimutan mo na simula nang tumugon ka sa mga halik ko sayo kahapon ay tayo na.."
Halos lumuwa naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"What are you saying? Hindi tayo kaya 'wag kang feeling diyan." at inirapan ko siya.
Natawa lang siya sa sinabi ko at nag cross arms. "Meron pa pa lang hindi mag-bf/gf na naghahalikan na sa Gymnasium?" Mapanukso niyang sabi. Namula naman ako dahil pinaalala pa niya.
"Stop that." Sabi ko at tinitigan siya ng masama pero deep inside ay natutuwa rin ako.
Oo na, gusto ko rin si Russel. Narealize ko na. He gave me an extraordinary feelings kapag kasama ko siya. Ngayon ko lang ito naramdaman. Na magkagusto sa isang lalake.
Inakbayan naman niya akong bigla at bumulong sa tenga ko.
"You can't now escape away from me, Miss Vien. As a Shool President, you will always follow my order. Understand?"
At dahil sa kakaiba kong nararamdaman para sa kanya ay tumango na lang ako.
Bahala na. Sabi ko sa isip ko.