ALANIS' POV
It's my 2nd day here in YG Academy. Isang araw na naman para mag-aral at matuto sa mga lessons namin. Kasabay ko ulit si Uste papasok sa school. Akala nga yata ng iba ay magboyfriend/girlfriend kami dahil palagi na lang kaming magkasama. Hindi rin naman kasi kami magkamukha ni Uste kaya napagkakamalan talaga nila kami.
Kung alam lang nila, pinsan ko ang lalakeng ito na inlove na inlove sa kaibigan ko.
"Shit." Rinig kong bulong ni Uste na nakatingin sa may harapan namin.
Nang humarap naman ako sa tinitignan niya ay sila Julian ito kasama sina Neil at Denver na papalapit sa amin.
Hindi sila naka proper uniform na required dapat sa YGA. Magtataka pa ba ako kung hindi sila mag-uniform ng naaayon sa rules ng school? Lolo ni Julian ang may-ari ng YG Academy kaya okay lang sa kanila na hindi magsuot ng proper uniform. Malakas ang kapit niya raw sa school na ito and he ruled it nga sabi ni Uste.
"Hi, Alanis! Nabalitaan ko na pinsan mo pala 'tong si Uste. Kung alam ko lang sana pala ay hinatid na kita kahapon." Nakangitng sabi ni Julian nang makalapit na silang tatlo sa amin.
Ramdam ko ang pagpipigil ng galit ni Uste kay Julian kaya hinawakan ko ang isang braso nito para kumalma siya.
"Julian, S-sige.. mauuna na kami ni Uste, may klase pa kasi kami." Sabi ko at hihilahin na sana si Uste papalayo nang hinarangan ako ni Julian.
"Iniiwasan mo ba ako, Alanis? Hindi ba't kahapon ay magkaibigan na tayo? Kaya ba ganyan ang trato mo sa akin ngayon dahil sa mga maling balita na ikinakalat nila tungkol sa akin?" seryoso niyang tanong.
Hindi na nakapagpigil pa si Uste kaya nagsalita na ito. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Huwag ang pinsan ko, Julian. Dahil ako ang makakaharap mo sa oras na mapahamak siya nang dahil sayo," madiing sabi ni Uste.
Julian fake a shock expression at itinuro ang sarili niya kina Neil at Denver.
Hindi ko alam na ganito pala si Julian. Nagpapakitang tao lang pala siya sa akin sa classroom kahapon. The way he's teasing my cousin makes me wanna punch him straight to his face.
"Ano raw? Huwag na ang pinsan niya? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya, ah? Anong masama do'n, Tomas? Ikaw lang yata 'tong nagbibigay ng malisya sa aming dalawa." Sabi ni Julian nang nakangisi.
Napakuyom nalang ng kamao si Uste at tinitigan ng masama si Julian bago ito magwalk out.
Alam ko na gusto niya itong labanan pero hindi niya magawa iyon dahil ayaw niyang makick out sa YGA sa kadahilanang kapag hindi siya dito nag-aral ay ipapadala siya sa amerika at malalayo na nang tuluyan kay Lara. Alam kong hindi niya iyon kaya kaya nga gumagawa siya ng paraan para magkita lang sila ni Lara isang beses sa isang linggo.
Susundan ko na sana si Uste nang hinarangan ulit ako ni Julian.
"Wala akong masamang intensyon sa'yo, Alanis. Kung anuman ang issue ko kay Uste ay labas ka na do'n. Gusto lang talaga kitang maging kaibigan." Malungkot niyang sabi.
Hindi bebenta sa akin ang paawa effect niya. Tama nga si Uste.
"Stop acting like you're a good person, Julian. I thought you are nice and kind but I'm wrong." Walang emosyon kong sabi at nilagpasan na siya saka sinundan si Uste.
"Bwisit! Mga walanghiya!" Rinig ko pang sigaw ni Julian nang medyo nakalayo na ako sa kanila.
Mabuti na lang at walang masyadong tao sa hallway para makita nila ang pangyayaring ito, dahil na rin siguro na sobrang maaga pa bago mag-umpisa ang klase.
Nang nasa claassroom na ako ay lumipat na ako ng upuan. Ayoko nang makatabi si Julian at ang mga kaibigan niya. Ilang minuto lang ay dumating na rin siya kasama sina Neil at Denver.
Ang sama ng titig nito sa akin nang umupo na siya sa upuan niya. Napansin naman iyon ng mangilan-ngilan kong kaklase na nasa loob na rin ng classroom namin.
"Bakit ang sama ng titig sa'yo ni Julian? Parang kahapon lang ay nagtatawanan pa kayo, hindi ba? At bakit lumipat ka ng upuan? Nag-away ba kayo?" Tanong sa akin ni Marinel. Sa introduction ay tanda ko na iyon ang pangalan na ipinakilala niya sa amin.
"He teased my cousin Tomas and I hate it." Sabi ko at tumango na lang siya.
"Pinsan mo nga pala si Tomas. Alam ko na magkaaway talaga sila dahil 'yang si Tomas ay ayaw ang ugali at pagiging bully ni Julian. Katulad ni Russel Madrid na Student School President natin ay ayaw ni Tomas na may naaagrabyado sa school na 'to pero wala naman silang magawa dahil apo si Julian at Chloe ng owner ng YGA." sabi ni Marinel.
"May gusto pa raw si Chloe kay Uste." Out of nowhere kong sabi. Tumango naman si Marinel.
"Gwapo naman kasi 'yang pinsan mo kaya hindi na nakakapagtaka na maganda ka at ang iba pang mga kamag-anak niyo." Natawa na lang ako. Okay pala 'tong kausap si Marinel.
"So, friends na tayo, Alanis kung pwede?" she asked. I nodded and smiled at her.
"Sure. You are my first real friend here. Puro mga lalake kasi nating classmates ang nakikipagkaibigan sa akin kaya naiilang ako." Nahihiya kong sabi.
"You're right at napansin ko 'yon kahapon. Halos dumugin ka na nga ng mga ulupong na lalake dito sa room. Ang dami ring may ayaw sa'yong mga babaeng kaklase natin. Tinalbugan mo ba naman ang beauty nila kaya hindi na sila pinapansin ng mga ulupong." Marinel teased. Natatawa ako sa kanya.
Tawagin ba namang ulupong ang mga kaklase naming lalake?
I look at Marinel. "Maganda ka naman. Mas maganda ka nga kaysa sa akin."
Tila ay nagulat naman ito dahil sa sinabi ko. "Are you kidding me? I know that I'm beautiful but you are more beautiful at ang bait mo pa."
"Puro bolahan na tayo dito, hehe." Tanging sabi ko na lang na ikinatawa rin niya.
"I'm just saying the truth, Alanis."
Nagbell na ang klase at saktong dumating na ang unang class adviser namin kaya lahat kami ay umayos na at nakinig sa ituturo ni Ms. Fuentes.
Nasa kalagitnaan na ng pagtuturo si Ms. Fuentes nang may dumating na estudyante sa room namin at laking gulat ko naman nang si Russel ito.
"Class, say hello to our Student School President." ani Ma'am.
Tumayo naman ang mga kaklase ko mula sa pagkakaupo nila pati na rin ako except kila Julian na binalewala lang ang utos ni Ms. Fuentes.
"Good morning, President Madrid. It's our pleasure to meet you." sabi ng mga kaklase ko kay Russel na sinabayan ko na rin.
"Please take a sit now my fellow co-students and thank you." sabi ni Russel kaya nagsiupuan na kami sa upuan namin.
"Ang gwapo talaga ni President!" Bulong ng kaklase kong babae sa isa pa naming kaklase.
Hindi pala bulong dahil pati si Marinel ay naririnig rin ang mga pinagsasabi nila.
"He's so smart and kind pa hays!" Dreamy naman na pagkakasabi ng isa.
Pati sila ay nagagwapuhan rin kay Russel. Sa bagay, napakagwapo naman talaga niya at halata namang matalino rin. The way he speak and his mannerism too ay doon ko nahalata iyon.
"What brought you here, Russel?" Tanong ni Ms. Fuentes at nilapitan ni Russel.
Tinignan naman ako nito sa pwesto ko at nginitian. I awkwardly smiled back dahil alam ko na nakatingin na sa akin ang mga kaklase ko.
"If you don't mind, Ms. Fuentes. May I excuse Ms. Vien for a while? She's a new student here in YGA and as a Student School President and Tourism Secretary, I want to tour her inside our Campuses because I want Ms. Vien to be familiarize with our facilities here. Is it okay with you, Ms. Fuentes?"
Napaisip naman si Ms. Fuentes doon at tumingin sa akin sandali bago binalingan ulit si Russel.
"Nice idea, Mr. Madrid. Ms. Vien, you can go now at sumama ka muna kay Russel."
"A-ah. Yes Ma'am." Napatayo ako at lumakad na papalapit kay Russel.
Nang nadaanan ko pa ang table ni Julian ay narinig ko pa ang sinabi niyang "b***h" na alam kong ako ang pinaparinggan niya. Nainis ako doon dahil hindi iyon totoo pero hinayaan ko na lang.
Nang nakalapit na ako kay Russel ay nagpaalam na kami kay Ms. Fuentes na aalis na.
Nahihiyang tinignan ko naman si Russel na nginitian ako at inakbayan.
"I can tour you now, my friend.."