Habang pauwi si Verena sa nagugulat ang lahat nang makita ang ayos ni Verena. “Wow naman retsam, ang ganda mo ah!” sigaw ng isang tambay, tinitignan lang ito ng masama ni Verena. “Aga aga mong nakatambay diyan Pilo, tadyakan kita” banta ni Verena. “Hindi naman nang uutang, nakakipag kwentuhan lang retsam, ano ka ba” sambit nito at tumawa, umiling lang si Verena at tuloy tuloy na sa pag lalakad. “Anong nangyayari sa mga taong to putangina?” tanong ni Verena sa bawat nadadaanan niya, napapa nganga ang mga ito habang nakatingin sakanya. “Si sadness pala buhok mo lods, ganda mo. Bagay na bagay sa'yo” sambit ng isang tambay. “Eh kung hampasin kaya kita?” asar na sambit ni Verena. “Aga aga mo namang bad trip lods, nakakawala ng ganda yan, tara kain ka muna pulutan“ sambit nito. “