Nagising si Verena at naramdaman niya ang pangangalay ng kamay niya, nakayakap si Denarius sakanya at ang isang kamay niya ay naka posas sa headboard ng kama. “Gago” naiiyak na bulong ni Verena sa sarili nang mapagtantong pinosas siya ni Denarius. “Hoy pucha!” sambit ni Verena at ginising ang binata. Hinampas ni Verena ang braso ni Denarius hanggang sa magising ito. “Five more minutes” bulong ni Denarius at lalong yumakap sa dalaga. “Five more minutes amputa, sasampalin kita! Nangangawit na ang kamay ko ha!” banta ni Verena, bumangon naman ang binata at kinuha ang susi, inalis ni Denarius ang pagkaka posas nito sa headboard ng kama at inilipat ang posas sa sariling kamay nito. “Uuwi na ako” nakangiwing sambit ni Verena at pilit inaagaw ang susi kay Denarius. “No, mamaya na. I h