Unang Gabi

1202 Words
Heto nanaman ako nakaharap sa lugar na ayaw na ayaw kung puntahan, ever in my life. Pinakasusuklaman ko, nakakadiring lugar, pero hindi alam ng lahat puno-puno din ang mga tao sa loob nito. Daming lumalabas at pumapasok dito, hindi ko alam kung bakit at kung bakit at kung bakit…paulit ulit kung tanong BAKIT GUSTO NILA DYAN? I mean nakakadiri, iba’t ibang hindi educational ang makikita mo, makakalimutan mo ang moralidad mo pag pumasok ka dyan. As in ayokong pumasok dyan, AYOKO! Sino ba naman ang gusto diba? Kung matino kang tao, hinding hindi ka papasok dyan. I never thought of entering there. EVER! Nagulat ako ng tumunog phone ko. Patingin ko…. Calling... Ellaine sisterats “He---“ “Ate, si mama….*sobs*” umiiyak ito, at nahihirapan din magsalita. “Ellaine? Anong nangyari?” sigaw ko. “Si mama, inatake…*sobs* sinugod naming sa *sobs* ospital.” halos mapabitaw ko ang cellphone sa narinig. “Sige… saan ba?” kinakabahan ako, natatakot ako para kay mama, pangatlo na’to! She’s now at her worst. Nagmamadali akong umuwi para matulungan ang mama ko.  Sa takot na may masamang manyari sa kaniya, halos maitulak ko na ang lahat ng makakasalubong ko. Si mama! Saan na naman ako kukuha ng pambayad? “She’s fine up to now, still observing her condition….pero like before sinabi ko na sainyo na kailangan na niyang mag undergo ng operation…this is the third time Eliza, hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari sa mama mo pag isinawalang bahala mo pa” she tap my shoulder habang naiiyak na.. she gace me a slight smile and left. Pagbalik ko ng kwarto, nakita ko ang mama ko, nahihirapan na. Kahit pag hinga nahihirapan na siya, hindi rin maganda ang pagtulog nito halatang pagod na pagod. Naaawa ako! “Ate…kumusta daw si mama?” tanong ni Ellaine. “Hindi na natin sya makakasama kung di pa tayo gagawa ng paraan para maoperahan sya” pinipilit kong wag umiyak. Gusto kong maging malakas para sa mga kapatid ko. Umiiyak na si Ellaine, habang nakakandong ang ulo ng dalawa kong kapatid sa kanyang mga binti, tulog na rin ito. “Ate, maghahanap na ako ng trabaho,” sabi niya. She’s only 17.  Ayokong mapabayaan niya ang pag aaral. “Hindi pwede! Ako ang gagawa ng paraan, hindi ka titigil sa pag aaral,” malamig kong sabi. Hindi niya pwedeng I give up ang pag aaral niya. Ayokong matulad siya sa akin. Napayuko nalang ito, binalikan ko ng tingin si mama. Nahihirapan na ito, kaya hindi sya nagsasabi ng kailangan niya. I've decided. “H-Hello?” yung kapitbahay namin tinawagan ko, halos mandakuba sa pag ko-convince sa akin na pumasok sa lugar na yon. Nung una naiinis talaga ako, ayoko nga eh. Kahit hirap na hirap na ako, naubusan narin yung bestfriend ko sa kakahanap ng raket para saakin. Nakakahiya narin. “Sino to? Ahh… easy honey… uhmmm,” nagimbal ako sa narinig. What the hell? Umuungol ito. Halatang may ginagawang kalaswaan. “S-si….uhm Eliza!” nagdadalawang isip na talaga akong tumawag. “Oh..Eliza… fvck easy honey… napatawag ka… uhhhm… oh..." Pwedeng mag pause kayo? Hindi man lang nahiya diba? “Ahmm..kasi…mamaya nalang…byeeee” agad kung piñata yung tawag. Di ko mainda yung ingay na as in, nakakagimbal pati balahibo ko nagsitaasan na. Nasa harap ako ulit ng lugar, kung makakausap ko mamaya si Jane makakapasok ako dyan. 4PM pa naman, kaya sirado pa. mukhang simpleng tindahan o shop o anuman ito pag umaga pero pag gabi…. Hindi ko kayang isipin ang nasa loob niyan. Sabi ng ilan, dyan daw naliliparan ang mga hindi mo ma take na pangyayari. Kung inosente kang tao, di mo masisikmura ang nangyayari sa loob niyan. Kinakabahan ako….Pero sabi nila, dyan daw kumikita ng malaki..Yung tipong MALAKI! Pero nasa sayo kung MALAKI din ba ang mawawala sayo. Calling….. Jane “J-Jane” agad kong sagot sa tawag. “Sorry yung kanina…anyways alam ko ang sadya mo” maarte parin ang boses nito gaya kanina. Halatang sanay na sa landian at kalaswaan. “Ah kasi…ano bang gagawin ko?” no point of saying anything. Alam na nya, ano pabang aasahan ko. “Kahit ano…Akong bahala sayo pagpasok, magkita tayo sa labas. 8PM sharp” mataray talaga sya. “Ah…sige..” pinatay na niya ang tawag. At ako naman napahawak na sa dibdib ko, kinakabahan ako sa papasukan ko. Ito na talaga, walang atrasan para to kay mama. Naghanda ako ng mabuti, isang desenteng damit ang sinuot ko, malay mo hindi naman talaga kalaswaan ang mangyayari saakin, atleast nasa akin parin ang pinakaiingatan ko. Nagdadasal ako ng taintim n asana maging OK lang ako. Pasado 8PM nandoon na ako. kabubukas lang din ng lugar. Madami daming tao ang pumapasok dito, at nagsisimula na akong maging curious, kasi hindi pa tlaga NEVER IN MY LIFE! Hindi pa ako nakapasok, puro sabi sabi lang ang nalalaman ko. Yung sabi kong EVER IN MY LIFE akong papasok dito? Oo na binabawi ko na, dahil sa mga oras na to! makakapasok at magbabago na ang inosente  kong buhay. “Oh! Kanina ka pa?” biglang dumating si Jane. Naka red na hapit na hapit na hapit ang damit na halos iluwa ang karangalan. MERON PA KAYA SYANG GANUN? WALA NA! “Ah kararating lang din” nahihiya kong sagot. Tinignan niya ako, pataas ang kilay. ULO HANGGANG PAA niya akong binusisi. Hindi ko rin gusto yung tingin na yon. Akala ko mabait to, kasi dati OK naman syang makitungo. Pero ngayon. IKAW NA ANG MALANDING GOLD DIGGER IN RED. “Pwede na. hala sige pasok na tayo” sinundan ko siya ng lakad, pero di doon sa lugar nayon, napasinghap ako. Hay salamat. Pakembot kembot itong naglakad, at naninigarilyo din ito. Napatigil ako ng pumasok ito sa isang pinto, nasa likod ng lugar na’yon kami pumasok. Magulo, maingay, madaming tao. Yun ang unang nakita ko. Yung iba busy sa pagma’make up, yung iba may costume na suot. “Ano bayan, hindi parin ba kayo handa?” sigaw ng isa. “Madaming tao na ang nasa labas, baka mainip..leche bilisan niyo” may isa ulit na sumigaw. Busy ang mga tao, nagmamadali. Yung iba naghahanda na talaga, ready to give a show ang peg. “Oh, bakit hindi ka pa nagbibihis?” tanong saakin ng isang bakla. Masyado akong na occupied sa paligid hindi ko namalayan wala na pala si Jane. “Ah eh…kasi” yun lang nasagot ko, di ko kasi talaga alam anong magiging trabaho ko. Kung taga make up, taga bihis, taga walis o anuman. “Leche, magbihis kana” tinulak ako ng bakla sa fitiing room, inabutan ng isang hindi ko maitsura kung damit ba to ng tunay na tao o anuman. Tinignan ko ang damit. Nag simula na akong manginig. “MAGBIHIS KA NA!” halos maiyak ako sa sigaw na yon. ITO NA BA TALAGA ANG KAPALARAN KO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD