Malakas ang hiyawan ng mga lalaki sa harapan ko. Grabe kulang nalang lantakan nila ako't lamunin ng buong-buo. Hindi talaga matanggap tanggap ng sistema ko ang mga nangyayari sa akin ngayon. Nanginginig ako sa entablado ng bahay aliwan.
Dati rati'y pinandidirian ko ito. Halos hindi lingunin ang mga taong katulad nila. Hindi kailanman sumagip sa isip ko na pumasok sa ganitong trabaho.
Lahat sinisigaw na sumayaw na. Galit na rin ang baklang nasa gilid ng stage kulang nalang pumunta siya sa gitna lagyan ako ng battery at kontrolin.
'Miss bayad ka na!'
'Miss sumayaw ka na!'
'Whoooooah. Sarap mo! Huwag ka nang mahiya pa!'
'Bayaran 'wag kang pafeeling birhen diyan!'
'SUMAYAW KA NA!!!'
Hiyaw ng mga taong nasa harapan ko, huminga ako ng malalim, pinikit at mata, at pinabayaan lang dumaloy ang mga luha ko.
~careless whisper
Nakakatawa pero nakakapanlumo rin. Talagang ito? Talaga ba?
Nagsimula na ang kanta, naalala ko yung video ng isang sikat na artista na nasangkot sa isang scandal ito rin yung kanta na ginamit no'n. Napanood ko 'yon kaya naisip kong gayahin nalang ang sinayaw niya.
Huminga ako ng malalim, wala na akong magagawa nandito na ako, iisipin kong para 'to sa kanila. Para 'to kay mama. Magiging maayos ang lahat pag napagamot ko na siya. 'Yon naman talaga ang importante, 'di ba? Kaya ka nandirito ngayon!
Makakaalis na ako rito kapag nagamot na siya. Babalik ako sa normal pag gumaling na siya. Para 'to sa kaniya. Para 'to kay mama ko!
Tumulo ang luha ko, kaya napayuko ako.
Mahina ang kanta. Habang instrumental na ito, doon ko na binuhos ang lahat. Bahala na!
Dahan dahan akong gumiling, pababa ng pababa yung tipong magbibigay talaga ng atensyon sa lahat. Yung sayaw ng seduction.
I swayed my hips like a wind flying leaving intense heat to my viewers. Nakayuko lang ako the whole time, I know I am crying.
I turned around bending my body and splash my hair away. Binubuka ko rin paminsan minsan ang legs ko. Ang kaninag reklamo ay malakas na hiyawan. Isang napakalakas na papuri sa akin. Mas lumalakas ang loob para magsisigaw.
'Whoooooooah, ang sarap mo talaga!'
'Dafaq nalalabasan na ako!'
'Shet ka miss... lumapit ka nga dito!'
'The helluva!'
Hindi ko sila tinitignan, instead nilalakasan ko pa ang loob ko, para na kasi akong nanghihina. Mahihilo na ako sa ginagawa ko. Hindi ko pa ito nasusubukan. Magaling naman akong sumayaw pero hindi ganito. Hindi sa ganito. Hindi ganito!
I slowly raised my hands swaying my whole body. May alam ako konti sa ballet kaya medyo na apply ko rin. Kahit gusto kong isipin na nagpe-perform lang ako sa school namin noon pero namumulat talaga ako sa katotohanang, nasa ganitong trabaho na ako ngayon.
Patuloy ang hiyawan at walang tigil ang sipol nila, malapit na rin matapos ang kanta.
I grind like it's the hell of me. Pinapakita ko na ine-enjoy ko ang sayaw pero sa loob ko sarap ng magpakamatay.
In the end, hiniga ko ang sarili sa floor habang binigyan sila ng interest na pasukin ang pagkatao ko. I felt I am the dirtiest at this moment. Saglit lang 'yon at kailanman hindi na natigil ang hiyawan. Talagang sayang-saya ang mga lalaki sa pagmamanyak sa akin sa baba. Tumitingala at may gustong mahanap kung saan sila naroroon.
Damn! Damn! Putangina talaga!
I stood up swaying my hips and open my legs and pose for an end.
Natahimik ang lahat, bakit? Tapos in 5 seconds nagsisigawan na ang lahat. Hindi na nagtigil. Mas lumakas at nakikita kong hawak hawak na nila ang mga pera at mga bagong inumin nila.
They are saying na ang galing ko, napatayo ko raw ang ano nila, at kung anu-ano pa. Sa wakas tapos na rin ako, pwede na siguro akong umuwi.
Natapos na ang kanta na akala ko tapos na talaga pero iyan ang pagkakamaling ginawa ko.
'Isa pa. Isa pa. Isa pa!'
'Hubot hubad na yan!'
'Ibuka mooooo'
Mas lalo akong nanghina. Simula pa lang ay hinang-hina na ako pero ngayon nauubusan na talaga ako ng lakas. Ganiyan ba sila ka laswa sa buhay? Wala ba silang pamilyang uuwian? Nakakabwesit sila, sobra!
Pumalakpak ang baklang lumabas sa lungga niya, dala ang pamaypay at bihis na bihis. Kinuha ang mic at ngumiting aso sa lahat.
"Good evening ladies and gentlemen!" Sigaw niya. Anong gagawin niya? Diba tapos na ako rito?
Aalis na sana ako ng hinila ng bakla ang braso ko. Halos sumabog na ako rito. Hindi ko na talaga kaya pa.
"Were not yet done lady," nilayo niya ang mic sakanya at binulong yun saakin. Nataranta akong napatingin sa mga mata niya. He grinned like hell.
"So guys. Due to public demand... maraming nag nananasa ang makama ang babaeng 'to! Magaling bang kumembot?" Tanong niya sa mga nanonood.
Pinapagana niya ang lahat.
"Oo."
"Hoy bakla, ibigay mo na sya saakin"
"Putangina. Akin siya"
"Akin....shit"
Yan ang mga sigaw at hinain nila, mga walang puso't kaluluwa. Mga immoral at tusong mga tao.
"I love the heat..well guys. Nakaisip akong magandang activity every night of her show," nanginginig ako sa bawat sasabihin niya, wala tlaga siyang gagawing tama at maganda sa akin.
Ano ba ang inaasahan mo, Eliza? Na maganda ang pakikitungo nila? Hinding-hindi 'yan mangyayari rito.
Ang dumi dumi na ng pagkatao ko, alam ko wala na dapat akong pag iinarte sa katawan kasi madumi na ako. Halos hubarin ko ang damit na to sa lahat mapahiyaw at mapalaway ko lang sila.
"As for tonight... no one will dare to fvck her. Broke our deal and you're dead," tumawa siya pagkatapos niyang magsalita.
"fvck you di pwede yan"
"Ibagsak kang bakla ka"
"Di pwede yan...Hoy bakla umayos ka!"
"OK ayaw nyo? OKAY ibibigay ko ang virginity niya sa taong yun" tinuro niya ang isang lalaking pulubi at walang kaalam alam sa mundo. Nakikikain lang ito sa gilid ng bahay aliwan.
"Fvck yoooooou"
"boooooooooooooo!!!!"
Natakot ako sa sinabi niya so pang pulubi lang ang virginity ko? I mean hindi ko sila jinujudge pero I want to give my first to someone I love and to my future husband.
"Alright! Let's settle then. Let's do the a bidding boys... let's start with 10K!" tumawa siya ng malakas.
"putangina ang mahal naman"
"Yaaaan ang gustoooo ko!!!"
"10K"
"Oy mayaman 10K to that handsome man who can go higher?" turo niya sa lalaking nakataas ang kamay at nakangiting aso.
"15K"
"Someone bid 15K. Ikaw na ang bida girl!" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"20K"
"OMG! hindi ko to inaasahan...20K talaga..may itataas pa ba ito?" sigaw ng bakla.
"50K"
Natahimik ang lahat ng tao sa buong bahay aliwan, hinahanap din ng mata ko kung sino ang nagsasalita. Grabe! Ganon siya kayaman para mag bid ng ganung kalaking halaga.
Napalingon ako sa kaliwa't kanan, at doon ko nakuha ang isang attention...Napatulala ako.
Isang napakakisig at mala adonis na lalaki ang nakita ko sa gilid ng stage nakasandal sa pader at wala lang sa kanya ang pagkakasabi ng 50K.
Napatunganga ako, half open ang bibig at ayaw gumana ng maayos ang buong sistema ko, totoo bang 50K? Just for a table? It's too big to handle, wala kang mapapala kundi kalandian sa 50K this man is insane.
"Okay the bidding is close..That man wearing black suit You can table this young woman worth 50K!" nakangiting animal ang bakla.
Hinila ako paalis sa stage ng bakla habang ang lahat ay rinig na rinig kong nagtatalo, nag aaway, nanghihinayang, at kung anu-ano pa.
Pero ang nasa isip ko, binayaran ang gabi ko ng 50K para lang landiin ang isang napagwapong lalaki. Hindi siya mawala sa isip ko, sinayang niya ang pera para lang sa gabing wala siyang mapapala.
"Hoy... putangina to! Makinig ka. 30K, 10-10 kami ni Jane maliwanag?" sigaw niya saakin ng nakapasok kami sa costume room.
Tumango ako, wala naman akong ibang kayang gawin kundi ang sundin siya diba?
"Ano pang tinutunganga mo dyan. Magbihis ka, i tatable ka nang lalaking bumili sayo ngayong gabi. Jaaaaaaaane?!" pumapaypay siyang hinahanap si Jane. Oo nga asan siya? Nawala kasi bigla.
Sinunod ko ang utos ng bakla, ayaw naman niyang magpakilala kaya hanggang bakla lang ang kaya kong ipangalan sa kaniya.
Namili ako ng damit na medyo komportable ako yung sexy pero may maitatago ka parin sa katawan mo.
Ayoko ko ng masigawan pa ulit kaya susundin ko nalang.
After 20 minutes handa na ako, kaya sinundo na ako ni Jane at dadalhin sa lalaking bumili sa akin.
Ang sakit. Ang sakit pakinggan na binayaran ka. Pera ang habol ko. Yung ipamukha sayo na kapalit ng pera ay dudumihan ang pagkatao mo. Pero nasimulan ko na kasi, ano pang magagawa ko? Paninindigan ko nalang, para to sa mga kapatid at mama ko. Kailangan ko to para sa kanila.
Nang makarating tumayo agad ang gwapong lalaki at inilahad ako ng upuan. Tinapik lang ako ni Jane at umalis, hindi parin ito nagsasalita pagkatapos na umalis.
Nang makaupo, nakayuko ako nanginginig, nararamdaman ko ang titig niya at titig ng mga lalaking nagkakagulo kanila lang.
"So..." Napaangat ako sa gulat. Katulad kanina, yung boses niya nakakataas ng mga balahibo, na halos buong katawan ko nabuhusan ng boses niya. Basta iba sa pakiramdam.
"Sorry to scare you. I saw you crying awhile ago. Seems like this is your first time here?" sabi niya habang umiinom din ng beer.
"Ah.Oo." Sagot ko lang nakatingin ako sa mata niya. Ang ganda ng mata niya.
"Why are you here?" tanong niya. Kumunot ang noo ko, do I have to tell him? Hindi ko pa nga siya kilala eh!
"By the way what's your name?" tanong ko at pag iiba ng topic.
"Brandon... Brandon Angeles" he offered his hand.
Nilahad ko nalang din yung akin at nakipagshake hands. Ngumiti siya at ako lang din.
"Eliza... Eliza Perez," sabi ko, patuloy pa rin niyang hinahawakan kamay ko.
"Why are you here?" he repeated the question again.