Eliza's POV Pagkauwi ko ng bahay, napatulo bigla ang luha ko. I saw my two brothers sleeping. Ang sister ko naman naghahanda na sa school, marahil alam niyang darating na ako. "ANO KA BA ATE! BUONG GABI KAMING NAGHINTAY SAYO! SAAN KA BA NAGSUOT AT NAKAYANAN MONG PAGUTOMIN KAMING APAT?" Mas lalo akong naiyak sa sinabi ng kapatid ko. Napabayaan ko sila. Ang daming nangyari kahapon hindi ko alam na napabayaan ko sila. "Sorry... n-nag hahanap ako trabaho," sagot ko habang hinahanda ang pagkain ng mga kapatid ko. Hindi ko dapat sabihin sa mga kapatid ko na may trabaho ako dahil magtatanong siya kung ano. Wala akong maisasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kita ko ang galit sa mga mukha ni Ellaine. Tila dismayadong dismayado siya sa ginawa ko. Naiintindihan ko naman. "SANA ATE