Eliza's POV "Anak, magpahinga ka muna. Mabuti pang umuwi ka muna" pagpapatahan ni mama saakin. "P-Pero ma.." hindi nya ako pinatapos. "Okay lang ako anak, ikaw ang inaalala ko masyado ka ng pagod, sige na!" marahan akong pinatayo nito, siguro nga kailangan ko rin ng pahinga. Dapat kong panindigan ang desisyon ko, dapat kong unahin ang mas dapat unahin. Ngumiti nalang ako mapakla, kinuha ko ang mga gamit nasisigurado kong makakapagpahinga si mama nang maayos pagmag isa, tsaka may nagbabantay sa kanya dito nasisigurado kong ligtas sya. Nagpaalam ako ng maayos kay mama at umalis na, nakita ko syang ngumiti kaya nabawasan ang pasanin sa dibdib ko. "Oh Ellaine, saan ka pupunta? Gabi na ah?" nadatnan kong maganda ang ayos nito, tila aalis sya. "Ate! G-grabe ka naman, nakakagulat ka" gulat