Nagising si Clyde nang umalis sa kamang iyon si Cara. Naabutan niya pa itong nagmamadaling nagbibihis. Nanlaki ang mga mata ni Cara nang makita ang nakasaludong p agkalalaki ni Clyde. Tiningnan din tuloy ni Clyde ang kaniyang alaga at saka natawa ng mahina.
"Iyong... iyong nangyari sa atin kagabi... isa iyong malaking pagkakamali. Isa iyong malaking kasalanan! Nagkasala na ako sa asawa ko!" nanginginig ang boses na wika ni Cara.
Tumayo na si Clyde mula sa kaniyang pagkakahiga at saka pinulot ang damit niya sa lapag. Sinuot niya iyon ng mabilisan bago tumingin kay Cara.
"Iyong ginagawa niya sa iyo, hindi ba't isa ring malaking kasalanan? Oo alam kong nagkasala tayong dalawa sa nangyari sa atin kagabi pero ganoon din naman ang asawa mo sa iyo. I'm sorry kung hindi ko napigilan ang sarili ko na maangkin ka. Lalaki lang ako, Cara. Mahina at madaling matukso. Isa pa, sa ganda mong taglay at nakakapang akit na katawan, sinong lalaki ang hindi madadarang sa iyo? Pero huwag kang mag- alala, hindi na mauulit ang gabing iyon. Ibabaon na lang natin sa limot ang nangyari sa ating dalawa..." kalmadong wika ni Clyde.
Napalunok ng laway si Cara. Hindi niya mawari kung bakit natuwa pa siya nang purihin ng binata ang kaniyang kagandahang taglay at kaakit- akit na katawan. Pasimple niyang kinurot ang kaniyang sarili at saka ipinaling ang kaniyang ulo.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi ako dapat matuwa sa papuri niyang iyon dahil nagkaroon ako ng kasalanan sa aking asawa!
"Kumusta ang pakiramdam mo? Pasensya ka na talaga sa mga nangyari. Aasikasuhin muna kita bago ako umalis. Dito ka lang muna sa higaan at huwag ka munang tumayo- tayo at kumilos."
Nagulat si Cara nang buhatin siya ni Clyde patungo sa kama bago ito lumabas ng silid na iyon. Ilang minuto ang lumipas, may dala itong pagkain na may sabaw. Napalunok ng laway si Cara habang inaasikaso ni Clyde ang kaniyang pagkain.
"Say ahh..." malambing anv boses ng binata at hindi niya alam kung bakit ang sarap nitong pakinggan sa kaniyang tainga.
Unti- unting binuks ni Cara ang kaniyang bibig bago tinikman ang nilutong pagkain ni Clyde para sa kaniya. Namilog ang kaniyang mga mata dahil masarap iyon kaya naman naging mabilis na ang kaniyang pagnguya at paglunok ng pagkain. Patagong ngumiti si Clyde dahil nagustuhan ni Cara ang pagkaing niluto niya.
"C- Clyde... sana walang makakaalam nito. Ayokong malaman ng asawa ko kung ano ang nangyari sa ating dalawa. Magsisinungaling na lang ako na ibang lalaki ang nakagalaw sa akin kung sakaling mahuli niya ako. Ayokong magalit siya sa iyo kapag nalaman niyang ikaw ang nakagalaw sa akin. Magkumpare kayong dalawa at magkaibigan. Ayokong masira iyon...." kinakabahang sabi ni Cara.
Tipid na ngumiti si Clyde. "Makakaasa kang walang makakaalam nito. At isa pa, hindi na ito mauulan. Hindi na mauulit ang makasalanang gabi na ginawa natin. Pag umalis na ako, magpahinga ka na. Babalikan na lang kita mamaya, okay?"
Mabilis na tumango si Cara. Nang maubos niya ang kaniyang kinakain, mayamaya pa ay umalis na nga ang binata. Biglang nakaramdam ng lungkot si Cara nang umalis si Clyde at naiinis siya sa kaniyang sarili dahil sa naramdaman niyang iyon.
Ano ba ang nagyayari sa iyo, Cara! Nababaliw ka na! Ugh! Hindi ka dapat nakararamdam ng ganiyan sa kumpare ng iyong asawa!
Bumuga ng hangin si Cara at saka kinuha ang isang libro mesa katabi ng kaniyang kama. Mahilig siyang magbasa ng mga comedy love stories. Iniiisip na lang niya habang nagbabasa siya na siya ang bidang babae sa bawat kuwentong binabasa niya. At may isa siyang paboritong author na talagang nakaabang siya sa bawat librong nililikha nito. Gumagaan kasi ang pakiramdam niya kapag nagbabasa siya.
Hays.... mabuti pa sa kuwentong binabasa ko, maganda ang love story ng bidang babae. Mahal na mahal siya ng bidang lalaki. Ako kaya? Kailan ko kaya mahahanap ang lalaking magmamahal sa akin ng totoo?
SAMANTALA, KINUYOM NI CLYDE ANG KANIYANG KAMAO matapos niyang makapagbihis. Muli niyang naalala ang makasalana niyang gabi kasama ang kumpare ng kaniyang asawa. Bumuga siya ng hangin at saka mariing napapikit. Nagsisisi siya sa kaniyang ginawa.
"Hindi ko dapat ginawa iyon.... maling- mali..." bulong niya sa kaniyang sarili bago sumuntok sa pader.
Hinihingal siyang naupo at saka tumingala. Naalala niyang muli ang mainit na pagsasalo nilang dalawa ni Cara at hindi niya naiwasang mag- init. Sumaging muli sa kaniyang isipan ang magandang hubog ng katawan ng dalaga... ang makinis nitong balat... ang mapula nitong labi na talaga namang kay sarap halik- halikan.
Tangina!
Ipinaling niya ang kaniyang ulo at saka tumayo na dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin. Pinilit niyang alisin sa kaniyang isipan ang mainit na sandaling pinagsaluhan nilang dalawa ng asawa ng kaniyang kumpare.
PAGSAPIT NG GABI, NAGDADALAWANG ISIP SI CLYDE kung pupunta na siya sa bahay ni Cara dahil alam niyang maiilang ito sa kaniya dahil sa nangyari. Ngunit alam niyang masakit pa ang pagitan ng hita nito dahil nakuha niya ang pinakaiingatan nito.
Tangina talaga! Bakit ako pa ang nakauna sa kaniya?
Humugot ng malalim na paghinga si Clyde bago nag- doorbell sa bahay ni Cara. Nakailang doorbell muna siya bago bumakas ang malaking gate. Isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kaniya kaya nanlaki ang kaniyang mga mata. Napalunok siya ng laway at nakitang nahihirapan maglakad si Cara kaya dali- dali niya itong nilapitan.
"Ay!"
Napahiyaw si Cara nang buhatin siya ni Clyde na para bang bagong kasal sila. Maingat siyang inilapag sa sofa ng binata bago nito binalikan ang pagkaing dala niya na nasa kotse. Sinundan ng tingin ni Cara ang binata at bigla siyang napangiti. Nag- init ang kaniyang mukha nang maalala niya ang malaking k argada ni Clyde. Ang mukha nito habang binabayo siya ng walang humpay. Nasampal tuloy ni Cara ang kaniyang sarili dahil sa iniisip niyang iyon.
Cara, ano ba? Bakit mo iniisip ang alaga niya? Pinagnanasaan mo ba ang kumpare ng iyong asawa? Ahhh! Mali ito! Hindi ko dapat iniisip pa iyon!
"Kumain ka na. Susubuan na lang kita ulit."
Napakagat ng labi si Cara nang madako ang kaniyang paningin sa umbok sa pagitan ng hita ni Clyde kaya siya napayuko. Pakiramdam niya pulang- pula na ang kaniyang mukha.
"Cara? Ayos ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Clyde dahil nakayuko siya.
"O- Oo... a- ayos lang ako," nauutal niyang sagot.
Nakakainis naman! Bakit napapatitig ako sa umbok na iyon? Bakit kasi maumbok? Bakit kasi malaki?