"Hoy! Ano na? Akala ko ba may bago kang mamahaling bag na bibilhin ngayon? Nasaan na?" tanong ni Chelle sa kaniyang kaibigan. Bumuntong hininga si Karen. "Ewan ko ba! Mukhang namumulubi na yata 'tong si Justine. Parang gusto ko na ngang iwan eh." "Grabe ka naman! Kita mong mahal na mahal ka ng taong iyon! Kahit na hindi ka katulad ng ibang babaeng kilala niya at kahit hindi kayo magkatulad ng estado sa buhay, mahal na mahal ka pa rin niya!" Umirap si Karen. Mahirap lang kasi ang pamilya ni Karen. Siya ang panganay sa limang magkakapatid. Hindi na siya nag - aaral pa. Nakatapos lang siya ng high school. Maaga rin siyang nagbanat ng buto dahil sa hirap ng buhay. Wala na kasi silang tatay. Sumakabilang bahay na ito. Habang ang kaniyang ina naman, may sakit na hika kaya hindi ito pwedeng ma