Hapon na nang magising si Cara. At nagulat siya nang makitang yakap - yakap siya nang mahigpit ni Clyde. Nakakulong siya sa bisig nito. Hindi siya makagalaw. At tila ba wala siyang balak gumalaw para hindi siya maalis sa ganoong posisyon. Pinagtatambol ang kaniyang puso habang nasa ganoong posisyon. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. May parte sa kaniya na gumalaw na lang para maalis sa ganoong puwesto pero may parte naman sa kaniya na ayaw para manatili lamang siyang yakap ni Clyde. Ano ba ang nangyayari sa akin? Talaga bang nababaliw na ako? Nang dahil sa isang makasalanang gabi na iyon, heto ako't nababaliw na sa lalaking ito? Paano ang asawa ko? Mariing pumikit si Cara. Nang maramdaman niyang gumalaw si Clyde, agad niyang ipinikit ang kaniyang mga mata para magtulog- tul