"Hmmm.... sad to say pero hindi ganoon ka- active ang egg cells mo. Ang obaryo mo ay hindi ganoon masyadong magpo- produce ng egg cells. Kaya hindi ka madaling mabubuntis. Pero hindi ko sinasabing hindi ka na mabubuntis o baog ka. Kumbaga, kailangan ng tiyaga at huwag mainip hanggang sa makabuo kayo..." Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Cara nang marinig iyon. Akala pa naman niya, mabubuntis siya dahil palaging may nangyayari sa kanilang dalawa ni Clyde. Irregular ang mens niya. Akala niya okay lang iyon. Hindi niya akalain na apektado pala doon ang pagbubuntis niya. "Huwag po kayong mag- alala, misis. Mabubuntis po kayo. May chance na mabuntis po kayo. Basta, palagi lang kayong mag- make love ng mister ninyo. Magtiwala lang po kayo sa isa't isa. Makakabuo rin po kayo." Hindi na lama