NAPAGPASYAHAN KONG hindi pumasok muna at nang hingi ako ng leave. Umuwi ako sa bahay namin sa Rizal at wala akong ginawa kundi nakatulala lang mag hapon. Kanina pa katok ng katok si mommy sa labas ng pinto ko pero hindi ko siya pinagbubuksan. Gusto ko lang kasing mapag-isa. Pinipilit nila ako kumain pero talagang wala akong gana. Hindi ako pumasok dahil baka makita ko lang ulit si Nuroi at Tiffany na magkasama. Mas minabuti ko nalang magpahinga. Tumatawag din si Salie sa 'kin dahil nag aalala siya dahil biglaan ang pag leave ko. Hindi niya na ako na abutan sa unit ko kaya hindi ako nakapag paalam pa sakanya. Gusto ko na munang makalimot! Pinipilit ko naman eh, pero talagang si Nuroi lang ang gusto ng puso ko. Nag mamatigas ako dahil sa takot ko na baka maulit ang nangyari dati. Baka